IKATATLUMPUNG KABANATA

2.3K 70 10
                                    

IKATATLUMPUNG KABANATA




"T-teka, Lorenzo!"



Mabilis na kinalas ni Cassandra ang palad ni Lorenzo sa kaniyang pulso nang makaramdam ng hilo. Putek, parang bigla 'atang lumindol! Napatigil siya sa paglalakad at kahit na ang binatang kumakaladkad sa kaniya ay napatigil na rin dahil sa biglaan nitong pagkalas sa hawak kamay niya.



Bahagyang napayuko si Cassandra at mabilis na naisangga ang kaniyang dalawang palad sa bahagyang nakatupi niyang mga tuhod. Halo halo na ang nararamdaman niya no'ng mga oras na 'yon--- pananakit sa gitna ng hita niya, ang paltos sa paa, ang pagkahilo dahil sa alak, at ang hapdi sa talampakan gawa ng hindi pagkakasuot ng kaniyang sapin sa paa. Shet, naiwanan ko pa 'yung heels ni Rose sa kuwarto! Parang gusto na lang ni Cassandra na biglang sabunutan ang sarili sa mga nangyayari. Jusko, ano ba 'tong pinasok ko ngayong gabi?, aniya sa sarili. All of the sudden, Cassandra felt like crying due to being hapless that night. Parang nasiyahan 'ata ang mga bituin at sinunod sunod talaga ang kamalasan niya sa ilang oras lang.



She was about to straighten herself when Lorenzo suddenly lifted her up and ground her on his shoulder. Walang ibang nagawa si Cassandra kundi ang bahagyang mapatili sa ginawa ng alkalde.



"Ano ba?! Ibaba mo nga ako, Lorenzo!" Cassandra protested as Lorenzo started taking steps. Walang narinig ni isang salita ang dalaga mula sa alkalde kaya't minabuti na lang niyang paghahampasin ang likod nito. "Sabing ibaba mo ako!"



Sa isang iglap ay nabuksan ni Lorenzo ang pinto ng kaniyang sasakyan at mabilis na inilipat si Cassandra sa mga bisig niya upang ipasok sa loob.



"Aww!" Hindi maiwasang mapa-aray ni Cassandra nang bigla siyang ibinaba ni Lorenzo sa upuan. Shit, ang sakit!, aniya bago naglandas ang tingin sa pagitan ng kaniyang mga hita. Oh God, I still can't believe na ginawa namin 'yon! Argh! Hindi na talaga naiwasan pa ni Cassandra na sabunutan ang sarili. Ang tanga tanga mo talaga, Cassandra! Lagi kang nabobobo t'wing nakaka-inom ng alak!



Napabalik sa reyalidad si Cassandra nang marinig ang pagsarado ng pinto ng sasakyan. Mabilis siyang napabaling kay Lorenzo na ngayo'y nasa tabi na niya.



"I'm sorry." Wika ni Lorenzo na ikinataka naman ni Cassandra. Hindi siya sigurado kung saan humihingi ng tawad ang alkalde. Dahil ba sa pangungulit nito, o sa pagkuha ng virginity niya, o dahil sa pagbagsak nito sa kaniya sa loob ng kotse. O baka sorry para sa lahat na? Ani Cassandra sa sarili. Hindi man siya sigurado, minabuti na lang niyang huwag magtanong.



"L-Lorenzo, saan mo na naman ba ako dadalhin?" Cassandra asked as Lorenzo started the engine of his car. Walang ibang nagawa si Cassandra kundi ang tumingin sa daan nang ilang segundong hindi nagsalita ang alkalde.



"Iuuwi ka." Simpleng sagot nito. Somehow, Cassandra felt a slight relief upon hearing Lorenzo's answer. Ang akala kasi niya'y kung saan pa siya nito dadalhin dahil hindi na talaga siya sang-ayon doon. Utang na loob lang 'no. Napaka walang hiya na siguro nito kung saan saan pa ako dadalhin lalo na't pagod at hilo na ako. Mapapatay ko na talaga 'to kapag bumingo na sa'kin!, ingit na isip-isip ni Cassandra. Saglit siyang napa-ayos ng upo, ngunit kaagad na pinagsisihan iyon nang muling maramdaman ang hapdi sa gitna ng mga hita niya. Aww! Shit, ang sakit naman ng--- Wala sa sariling nanlaki ang mga mata niya nang muling nanumbalik ang kahalayang ginawa nila ng binatang katabi. Anak ng tokwa, wala na ang virginity ko!



"What the--- wait, why are you crying?"



"Hindi ako umiiyak!" Pasigaw na sagot ni Cassandra. Nakaramdam siya ng mainit na likidong naglandas sa pisngi niya. Otomatikong umangat ang palad niya at napahawak sa pisngi. Nanlalabo ang mga matang tiningnan niya ang palad nang makaramdam ng basa sa pisngi. Anak ng teteng. Bakit ka umiiyak, Cassandra? 'Di ba ginusto mo 'yan?!



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon