IKASIYAM NA KABANATA

2K 103 5
                                    

IKASIYAM NA KABANATA





"Baklaaaaaa!"


Napatigil si Cassandra sa paglalakad papasok ng silid-aralan nang marinig ang pamilyar na boses. Mabilis siyang napaharap sa direksyon ng sumisigaw at nakita niya ang kaibigang si Rose na tumatakbo papalapit sa kaniya. Hindi maiwasang mahiya ni Cassandra dahil sa ingay na nagawa ng kaibigan sa hallway na siyang naging dahilan upang mapalingon ang ibang estudyante sa kanila. "Bakla, wait lang aba!"



"Hoy, baka mabinat ka sa ginagawa mo." Suway ni Cassandra sa kaibigan. Hindi nakapasok si Rose sa loob ng dalawang linggo nang magkatrangkaso ito. Nagka-usap sila no'ng linggo dahil gustong humingi ni Rose ng paumanhin sa hindi nito pagpunta sa libing ng kaniyang ama. Naintindihan naman iyon ni Cassandra dahil alam niyang nagpapagaling pa ito, ngunit hindi na rin naman siya nagulat nang makita ito ngayong araw dahil nabanggit na nitong maaari na siyang pumasok.



"Hindi 'yan. Sobra pa sa mabuti ang pakiramdam ko ngayon." Kumawit ang braso ni Rose sa braso ni Cassandra at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. "Gosh! Namiss ko kayo ni mamang!" Napangiti naman si Rose. Sa kanilang magkakaibigan, si Rose ang pinaka maingay, ngunit napa-isip si Cassandra. Sa totoo lang halos parehas lang sa pagkaingay sina Rose at Reginaldo, ang isa pa nilang kaibigan na bakla.



"May sasabihin ako sa'yo pero huwag ka magagalit kay Regi ah." Napatigil si Rose sa paglalakad, at dahil nakakawit ang braso niya kay Cassandra, pati ang dalaga ay napatigil din sa paghakbang.



"Ano 'yan?"



"Ang totoo, pumunta talaga siya sa libing ni tatay." Napabitiw si Rose sa braso ni Cassandra. Halos mangiti naman si Cassandra nang makita ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Rose.



"Halaaaa! Ang sabi niya hindi siya nakapunta dahil may raket daw siya sa isang kasal tapos..."



"Nakahabol siya no'ng araw na 'yon. Halos puyat nga 'yon no'ng nagkita kami."



"Eh bakit ang sabi niya sa'kin ay hindi raw siya nakaabot?"



Napangiti lalo si Cassandra. Sa totoo niyan, alam niyang sinabi ni Reginaldo kay Rose na hindi ito nakaabot sa paglilibing, iyon ay dahil sa rasong ayaw nito na lalong manlumo si Rose. Grabe kasi kung maging emosyonal ang kaibigan nila. Ayaw naman nilang masyadong malungkot ito't mahiya dahil sa kaniyang mga kaibigan, si Rose lang ang hindi nakasama sa paglilibing ngunit alam nila ang dahilan. Desisyon ni Reginaldo na huwag sabihin ito sa anak-anakan niyang si Rose dahil ayaw naman niya itong mabinat.



"Kasi nag-aalala si Regi sa'yo. Alam no'n kung paano ka mag react sa mga bagay bagay. Ayaw lang no'n na lumala lalo 'yung sakit mo."



Napanguso si Rose sa narinig. Ganoon na lang kasi ang pagiging malapit nitong dalawa niyang kaibigan dahil sila naman talaga ang unang nagkakilala at halos nakaka tatlong taon na sa pagkakaibigan sina Rose at Reginaldo nang makilala nila si Cassandra. Ngunit hindi naman nakaramdam ang dalaga ng pagka out-of-place sa friendship na mayro'n sila dahil mabilis naman siyang itinuring na parang matagal na ring kaibigan.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon