IKA-LIMAMPU'T ANIM NA KABANATA

628 25 12
                                    

IKA-LIMAMPU'T ANIM NA KABANATA





"I had no idea that you were already married. You're still such a private person," natatawang ani Hazel nang matapos sila sa consultation. "I assumed you were asking these questions for someone else when we last spoke; I had no idea it was for your wife." Umupo ito sa tabi ng alkalde. "Saan mo naman nakikilala ang wife mo?"


Saglit na tinapunan ni Lorenzo ng tingin ang nakasarang pinto ng banyo kung nasa saan ang dalaga. "Sa Manila lang din," aniya at saka nginitian si Hazel. "A long story to tell,"


Napatawa naman ito. "Ang damot mo," she teased. "How long have you been married?"


"Newlyweds,"


"Ayaw mo talagang magk'wento, ano—"


"Lorenzo," tawag ni Cassandra nang makalabas siya ng banyo. Sabay na napatingin sina Hazel at Lorenzo sa kaniya. Tumayo naman ang binata at mabilis siyang nilapitan. Maya-maya'y tumayo rin si Hazel.


"Hazel, we'll go ahead now. We still have a few errands to run. Thank you so much,"


"Sure, sure. Basta tandaan n'yo lang 'yung mga binilin ko kanina para iwas kumplikasyon. If you have any questions, please feel free to contact me. My clinic is always open,"


"Thank you po," mahinang ani ni Cassandra.


"No problem, Cass." Nakangiting ani Hazel at saka nilipat ang tingin kay Lorenzo. "Oh sige na, mag-iingat kayo." Hinatid niya ang  dalawa sa may pinto at bago pa man makalabas ang mga ito ay muli niyang tinawag si Lorenzo.


"Take care of your wife, ha. Gawin mo akong ninang 'pag lumabas na si baby," natatawang wika ni Hazel.


Mabilis na lumipad ang mga mata ni Cassandra kay Lorenzo dahil sa tinawag ni Hazel sa kaniya, ngunit tila hindi iyon big deal sa alkalde. Ngumiti pa ito at saka tumango. "I will, and we'll stay in contact. Thank you again, Hazel."


Inalalayan ni Lorenzo si Cassandra palabas ng clinic. Mabilis itong naglabas ng payong at hapit-hapit ang dalaga patungo sa kaniyang sasakyan. Habang ang dalaga naman ay nanatiling tahimik.


"Bakit?" Tanong ni Cassandra nang makaupo sa loob ng sasakyan.


"What?"


"Bakit 'di mo siya tinama? Baka paniwalaan niyang mag-asawa talaga tayo," aniya habang nakadiretso ang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit 'di niya magawang itanong iyon nang tinitingnan sa mata ang alkalde.

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon