IKALABING-ISANG KABANATA

2.1K 99 8
                                    

IKALABING-ISANG KABANATA






"Bakit ba hindi n'yo ako pinapansin?" Habol ni Cassandra sa dalawang naglalakad na kaibigan. Magkakapit braso naman sina Rose at Reginaldo habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo. Kanina pa walang imik ang dalawa, lubos silang nagtampo nang bigla silang iwanan ni Cassandra kahapon. Ni hindi manlang nagpa-alam o nagtext ang kaibigan. Nag-alala sila na baka nadukot na ito lalo pa't nauuso ang ganiyang krimen sa bayan nila.



"Mamang, hintayin mo ako mamaya ha. May praktis kami sa org eh." Malakas na wika ni Rose sa kaibigang bakla. Patuloy na nakasunod naman si Cassandra sa kanilang dalawa.



"Oo naman, 'nak. 'Di kita iiwanan 'no." Sagot naman ni Reginaldo kay Rose. Mabilis na sinulyapan ni Rose si Cassandra sa likod bago humarap muli kay Reginaldo.



"Mabuti ka pa, mamang. Hindi tulad ng iba riyan..." Talagang nilakasan ni Rose ang pagkakasabi no'n at saka muling lumingon kay Cassandra. Napangiwi si Cassandra dahil doon. Ramdam niyang nagtatampo ang mga ito. Unang beses niyang iniwanan ang dalawa nang walang pasabi at dahil 'yon ay kasalanan ng alkalde. Kung 'di lang ako tinakot no'n, edi hindi sana nagtatampo 'yung dalawa rito!


"Uy, sorry na." Wika ni Cassandra ngunit umakto ang dalawa na walang narinig. Napatigil si Cassandra sa paglalakad nang may tumawid sa unahan niya na estudyante, mabilis na humabol ang dalaga nang makalagpas ang biglang tumawid sa pagitan nila. "Uy, mga bakla..."


"Grabe 'yung mga taong mahilig mang-iwan 'no?" Muling wika ni Rose.



"Ay trula, bakla. Inaasahan mong may babalikan ka pa tapos wala na pala." Gatong ni Reginaldo. Napakunot ng noo si Cassandra. Kung magmaganda 'tong dalawa, akala mo naman iniwan ko na sila nang walang pasabi nang maraming beses.



"Ay totoo, mamang. Akala mo may naghihintay pa sa'yo, ikaw naman itong umasa dahil nag-aakala kang may dadatnan ka pa kaso bigla mong malalamang iniwan ka na kasi 'di na niya kayang maghintay."



"Nak, sinabi mo pa! Ang sakit sa heart. 'Yung tipong binigay mo na ang lahat, pati puso't kaluluwa. Maski nga sarili mong kasiyahan ay isinugal mo na kaso ang ending, merlat pa rin ang gusto niya."



Napatigil sa paglalakad si Rose na siyang ikinatigil din ng dalawa. "Ay, hinugot na mula sa totoong karanasan? Dalang dala ka, mamang ha." Naka-ismid na wika ni Rose na siya namang ikina-ikot ng mga mata ni Reginaldo.



"Ikaw kasi, sinimulan mo na naman."



"Ano ba, 'di ba nga acting acting lang?" Naiinis na bulong ni Rose sa kaibigan. Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ni Cassandra bago siya napangiti.



"Mga bakla," Tawag ni Cassandra.



"Tara na nga, mamang." Wika ni Rose bago sila tumalikod ni Reginaldo at muling nagmartsa. Mabilis na sumunod si Cassandra sa dalawa. Paano ba susuyuin 'tong dalawa, aniya sa sarili.






Halos wala pa masyadong estudyante sa loob ng canteen nang makarating sila. Napaaga kasi ang pag-me-meryenda nila dahil may isa pa silang asignatura na hindi napasukan ng guro.



"Naligaw na naman tayo sa kuta ni Satanas, pero kabogera, wala siya masyadong alagad dito ha." Wika ni Reginaldo habang inililibot ang paningin sa loob ng canteen.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon