INTRODUCTION

548 16 0
                                    

Agaw pansin sa mga estudyante ng Hendrix University ang isang itim na motorsiklong mabilis na pinapatakbo sa loob mismo ng kanilang campus.

ALL BLACK yan ang suot ng rider - itim na sapatos, itim na pants, itim na jacket at itim na helmet.

Tumigil ang motorsiklo sa isang open ground sa harap mismo ng school library. Nagkumpolan ang mga estudyante na nakiusyuso. Ang iba ay lumabas pa ng library para lang makibalita.

Bumaba ang sakay ng motorsiklo at dahan-dahang tinanggal ang kanyang helmet. Kasabay nito ang hiyawan ng mga babaeng estudyante na parang kinikilig.

Siya si Felix Hendrix. 3rd year Business Administration student at apo ng may-ari ng university. 4th year college na dapat siya ngayon pero dahil sa palaging absent, hindi niya naipasa ang 3rd year last school year kaya inulit niya ito.

Lapitin din siya ng gulo. Laging sumusuway sa mga patakaran ng school. Tahimik at pag tumitig parang laging galit. Badboy kung siya ay tawagin ng iba pero kahit na ganito, isa parin siya sa mga bituin ng kanilang campus. Heartthrob kung ituring. Gwapo kasi kahit na suplado.

Hindi naman siya ganito dati. Magaling siyang estudyante at maraming kaibigan hanggang sa mag-3rd year college siya. Doon na nag bago ang lahat. Walang nakakaalam kung anong nangyari. Kahit ang mga malalapit niyang kaibigan hindi alam.

Pagkatanggal ni Felix ng kanyang helmet, tinitigan niya ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya. Walang reaction ang kanyang mukha. Agad namang umalis ang mga ito. – natakot yata.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang isang babae. May inabot itong cake na hugis puso at may nakasulat na "I LIKE YOU".

Hindi nagsalita si Felix. Tiningnan niya ang cake tapos ang babae.

"Para saiyo." Sabi ng babae sabay ngiti

Walang reaksyon si Felix. Gamit ang kanyang hintuturo, kumuha siya ng icing na nasa cake tapos tinikman ito. Tinitigan niya ulit ang babae sabay talikod at naglakad.

"Felix sandali. Hindi mo ba kukunin? Hindi mo ba kakainin?" pasigaw na sabi ng babae.

Huminto sa paglalakad si Felix at humarap sa babae "Pag kinuha ko iyan, maghahanap pa ako ng basurahan para itapon. HASSLE! Hindi ako kumakain ng hindi masarap."

Tumalikod ulit si Felix at nagtuloy sa paglalakad ng biglang may humarang sa kanyang daan. Si Kalen Garcia, 4th year architecture student at kasalukuyang student body president ng Hendrix University.

Galing sa may kayang pamilya si Kalen at ace student ng kanilang university. Approachable at katulad ni Felix, heartthrob din ng kanilang campus. Kahit saan siya magpunta, siguradong lahat ng babae at may pusong babae ay mapapatingin sa kanya. Gusto siya ng lahat at kung pwede lang, gusto din niyang maging kaibigan ang lahat maliban sa isang tao – si Felix Hendrix. Ang consistent sakit ng ulo niya. Dahil siya ang SB president, responsibilidad niyang i-maintain ang kaayusan ng kanilang campus pero lagi itong nasisira dahil sa apo ng may-ari ng school.

Mga isang dipa ang layo sa isa-sa't nina Felix at Kalen habang nakatayo sa gitna ng pathway malapit sa kanilang library. Nagkatinginan lang ang dalawa. Walang nagsalita. Ano kayang mangayayri?

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon