KALEN'S POV
Nasa meeting room ako ngayon ng aming university. Once a month, may ginaganap na general meeting para sa lahat ng faculty heads ng bawat departments. Bawat heads, magbibigay ng updates tungkol sa kanilang departments at bilang ako ang student body president, kasali ako sa meeting na ito. Gusto din nilang marining ang updates ng mga activities na nagawa, ginagawa at gagawin ng student body organization.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng makarinig ng malakas na ingay mula sa labas. Parang tunog ng motoksiklo.
Tumayo si Mr. Abad ang faculty head ng Engineering department. Dumiretso siya sa pintuan at binuksan ito sabay tawag ng isang estudyante.
"Anong ingay iyon?" tanong ni Mr Abad ng makalapit ang estudyanteng babae
"Sir may nagpapatakbo po ng motorsiklo sa loob ng campus" sagot ng estudyante.
"Bawal yun ah. Sino ba iyon?" tanong ulit ni Mr. Abad
"Hindi ko po alam sir." Sagot ng estudyante
"Sige. Makakaalis kana" sabi ni Mr. Abad sabay sarado ng pinto at bumalik sa kanyang upuan.
"Iisang tao lang ang pwedeng gumawa ng ganyan." Biglang sabi ni Ms. Bautista ang faculty head ng Education.
"Si Felix?" sabi ni Mr. Abad
"Sino pa ba? Siya lang naman ang may lakas ng loob na hindi sumunod sa regulations ng school. In fact, this is not the first time na ginawa niya iyang magpatakbo ng motorsiklo here inside the campus." Paliwanang ni Ms. Bautista
"Mr Valencia, ano ba ang nangyayari diyan sa estudyante mo?" tanong ni Mr. Abad kay Mr. Valencia ang faculty head ng Business Administration.
"Ilang beses ko nang kinausap iyan kaso walang nangyari. Gumawa na nga kami ng report at pinarating na namin sa may ari ng university." Sagot ni Mr. Valencia
"Ang lakas kasi ng loob dahil apo ng may-ari. Remember last month? Pinunit niya ang mga pages ng libro sa library para ano? Para gawing origami." Tugon ni Ms. Bautista.
"Mr. Garcia, diba kinausap mo siya about doon?" tanong sa akin ni Ms. Gonzales ang faculty head ng HRM department
"Yes maám, kinausap ko na siya. I also told him to do a community service as a penalty for what he did" sagot ko
"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Ms. Gonzales
"He didn't do it. May binayaran siya para gumawa ng community service on his behalf." Sabi ko
Tumahimik ang lahat – may mga umiiling-iling at may mga napabuntong hininga nalang.
"Mr. Garcia, siguro sa ngayon puntahan mo siya. Hindi siya dapat nagpapatakbo ng motoksiklo sa loob ng campus. Nadidistract ang mga nagkaklase." Sabi sa akin ni Mr. Del Rosario ang faculty head ng aming department – architecture.
"Yes sir. Please excue me." Sabi ko sa kanila sabay tayo at lumabas ng room.
Nagtanong-tanong ako sa mga estudyante kung nakita ba nila kung saan pumunta ang rider dala ang motoksiklo na pinapatakbo kanina at ang sabi ay nasa harap ng library daw.
Habang papunta sa library, nakita ko si Felix Hendrix na naglalakad sa may pathway. Pinuntahan ko siya at hinarang. Nagkatinginan lang kami at walang nagsasalita. Mga ilang segudo din kaming nakatayo doon bago nagsalita si Felix.
"Ano bang problema mo? Tumabi ka nga diyan." Sabi sa akin ni Felix
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Diba alam mo namang bawal ang magpatakbo ng motorsiklo dito sa loob ng campus?" sagot ko
"Inaano ba kita? Inaano kaba ng motorsiklo ko? Bakit mo ba ako laging pinakikialaman?" tanong sa akin ni Felix
"Bakit di mo kaya tanungin ang sarili mo? Bakit nga ba kita laging pinakikialaman?" sagot ko
Lumapit sa akin si Felix sabay sabi "Siguro kung babae ka, baka isipin ko na may gusto ka sa akin kaya lagi mo akong pinapakialaman or baka may gusto ka nga sa akin."
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa narining na sabi sa akin ni Felix.
"Hindi tayo talo. Ginagawa ko ito dahil parte ito ng responsibility ko bilang president ng student body. Ginagawa ko ito, para ituwid ang mga pasaway na kagaya mo. Kagaya mong hindi marunong sumunod sa mga regulasyon ng school na ito" Paliwaga ko kay Felix
"Wala akong pakialam dyan sa responsibility at regulayon na sinasabi mo." Sagot sa akin ni Felix
Napatingin ako sa paligid at napansin na may mga estudyanteng nakatingin sa amin. Ayaw kong gumawa ng eksena sa harap ng mga ka-schoolmate ko kaya naisip ko na sa office ng student body nalang kausapin si Felix.
"Huwag tayo dito mag-usap sumunod ka sa akin." Sabi ko sabay lakad
"Asa ka! Hindi ako susunod saiyo." Narinig ko na sabi ni Felix.
Huminto ako at nilingon siya. Hindi nga siya sumunod sa akin at naglakad sa opposite na direksyon. Patakbo akong lumapit sa kanya tapos bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya.
"Sinabing sumunod ka sa akin." Sabi ko sa kanya sabay lakad habang hawak ang kamay niya at hinihila siya.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...