CHAPTER 12

182 8 0
                                    

KALEN'S POV

"MILKTEA! GUSTO KO NG MILKTEA." Sabi ko sa aking sarili habang palabas ng classroom. Kakatapos lang kasi ng aking klase.

Pumunta ako ng school canteen. Habang naglalakad papunta ng milktea station, napansin ko si Felix sa isang sulok. Nakaupo siya at may kasamang dalawang babae na nakaupo rin sa kanyang magkabilang side.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis sa aking nakita. Nainis ako sa dalawang babae. Nainis ako kay Felix.

"Ate, isang pong Okinawa." Sabi ko sa tindera pagkarating sa milktea station.

"Okay Kalen." Sabi ng tindera.

Nakatayo ako sa harap ng counter ng may nagsalita sa aking likuran.

"Paano makaka-order ang ibang customer kung nakaharang ka sa counter?" sabi ng tao sa aking likuran.

"Sorry" sabi ko sabay lingon at nakita si Felix.

"Ate, pakitawag nalang po ako kung okay na ang order ko." sabi ko sa tindera sabay alis sa counter at umupo sa bakanteng upuan.

"Hi Kalen!" bigla kong narinig na sabi sa akin at ng tiningnan ko ay nakita ko si Liz na nakangiti.

"Oh Liz. Saan ang punta mo?" sabi ko

"Papunta ako sa next class ko ng makita kita. Eksakto kasi may ibibigay ako saiyo." Sabi ni Liz

"Ano yun?" tanong ko

Inabot sa akin ni Liz ang isang tupperware.

"Gumawa ako ng macaroons kagabi para saiyo." Nangiting sabi ni Liz

"Wow! Salamat. Nakagawa kapa nito eh galing pa tayong biyahe kahapon ah. Buti may time kapa. Hindi kaba napagod?" tanong ko pagkakuha ng tupperware.

"Ayos lang naman. Hindi naman ako napagod at palagi naman akong may time para saiyo." Sagot ni Liz

"Ikaw talaga. Salamat ulit dito siguradong masarap ito katulad ng cookies na binigay mo sa akin last time." Sabi ko

"Mabuti naman at nagustuhan mo ang mga cookies na binigay ko last time. Sige alis na ako baka mahuli ako sa klase." Sabi ni Liz sabay alis.

Pagkaalis ni Liz, lumapit naman si Felix.

"Ano yan?" tanong ni Felix sa akin

"Macaroons bigay sa akin ni Liz." Sagot ko

Kinuha ni Felix ang tupperware na hawak ko tapos ay binuksan ito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko

"Titikman ko." sagot ni Felix

"Ano yun? Kuha lang kaagad? Hindi marunong manghingi?" sabi ko

Hindi na sumagot si Felix. Kumuha siya ng isang pirasong macaroon at kinain ito.

"Tapon mo na ito. Hindi masarap." Sabi ni Felix

"Anong problema mo?" tanong ko

"Problema? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tikman mo." Sagot ni Felix

Kumuha ako ng isang pirasong macaroon sa tupperware na hawak ngayon ni Felix at kinain ito.

"Masarap naman ah." Sabi ko

"Masarap? May problema ka ata sa panlasa. Pa check-up mo na yan bago lumala." Sabi sa akin ni Felix

"Ewan ko saiyo. Mabuti pang pumunta nalang ako ng SB office kaysa makipag-usap saiyo." Naiinis na sabi ko kay Felix sabay kuha ng tupperware sa kanya. Tinakpan ko ito at dali-daling umalis papunta ng student body office.

Walang tao ng makarating ako sa office. Sinara ko ang pinto, nilagay ang tupperware na may macaroons sa table at umupo ako sa sofa. Maya-maya ay may narinig akong kumakatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita si Felix sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Felix.

"May ibibigay lang ako saiyo."

"Ano?" tanong ko.

Pumasok si Felix sa loob ng office. Bigla kong naisip na parang familiar ang eksenang ito. Parang ganito ang nangyari sa panaginip ko kagabi. Kinabahan na naman ako. Paano kung mangyari yung nangyari sa panaginip ko? Anong gagawin ko?

"Hoy! Anong nagyayari saiyo?" pasigaw na sabi ni Felix na kinagulat ko

"Bakit?" tanong ko

"Kanina pa ako nagsasalita dito. Ano ba yang iniisip mo at bigla ka nalang natulala?" sabi ni Felix

"Huh? Wala. Ano bang sinabi mo?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano talaga ang sinabi niya.

"Sabi ko, ibibigay ko lang saiyo tong milktea mo. Nakalimutan mong kunin." Sagot ni Felix habang inaabot sa akin ang milktea.

Nakalimutan ko nga pala ito kanina. Dahil sa inis ko kay Felix, umalis ako agad na hindi ito dala. Kinuha ko ang milktea kay Felix at napansing ang nakalagay na pangalan dito ay FELIX.

"Bakit pangalan mo ang nakasulat dito?" tanong ko sa kanya.

"Diba mas gusto mo naman yan? Yung pangalan ko ang nakalagay sa milktea mo? Naaalala mo noong kinuha mo ang miltea na dapat ay sa akin?" sagot ni Felix sa akin sabay inom ng miltea na hawak niya.

Nakita ko na ang milktea na iniinom niya ay may pangalan ko. Hindi na ako nag-react kasi wala din namang mangyayari. Hindi sinasadyang napunta ang tingin ko sa mga labi niya. Napatitig ako dito habang iniinom niya ang milktea gamit ang straw. Pakiramdam ko, natutuyo ang aking lalamunan. Napalunok ako hanggang sa magsalita si Felix.

"Masarap ba?" tanong niya sa akin sabay ngiti at kindat.

Nahiya ako. Baka kung anong iniisip niya.

"Umalis ka na nga." Sabi ko sa kanya

"Bakit? Dati naman ikaw yung namimilit na pumunta ako dito tapos ngayon ayaw mong nandito ako?" sabi ni Felix sa akin

"Dati yun." Sagot ko habang tinutulak si Felix palabas ng pintuan.

"Ano yun? Kailangan ko pa palang gumawa ng kasalanan para makapunta dito?" tanong ni Felix sa akin.

"Basta umalis kana." Sagot ko sabay sarado ng pinto.

Sumandal ako sa may pintuan sabay hawak sa aking dibdib. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko?

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon