FELIX'S POV
Nasa rooftop ako ngayon ng Business Ad building. Magkikita kami ni Kalen. Magtatapat na ako sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya.
May narinig akong mga yapak ng paa mula sa aking likuran. Papalapit ito sa akin. Napangiti ako. Siguradong si Kalen na ito.
Tiningnan ko ang dumating at nagulat ako sa aking nakita. Hindi si Kalen kundi si Aira.
"Aira? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko
"Nakita kasi kita na papunta dito kaya sumunod ako. Ikaw anong gingawa mo dito?" sabi ni Aira
"Aira, please umalis kana." Sabi ko
"Grabeh ka naman. Bakit mo ba ako pinapaalis? Bakit kaba laging umiiwas sa akin? Felix gusto kita. Ikaw ba? Hindi mo ba ako gusto?" tanong ni Aira sa akin
"Yung totoo? Hindi kita gusto." Diretsahang sagot ko
"Bakit? May mali ba sa akin? Ano ba ang hindi mo gusto sa akin?" tanong ni Aira
"Aira, nakikiusap ako. Umalis ka nalang." Sabi ko
Biglang hinawakan ni Aira ang aking mukha tapos ay hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Pero mas nagulat ako ng makita sa isang tabi si Kalen na nakatingin sa amin. Tinulak ko si Aira palayo sa akin. Si Kalen naman ay patakbong umalis.
"Kalen sandali lang." sigaw ko.
Hahabulin ko sana si Kalen ng hawak ni Aira ang aking kamay. Tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko
"Dahil mahal kita. Please Felix..." Sagot ni Aira
"Huwag na huwag mo na ulit gagawin iyon." Sabi ko
Pwersahan kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Aira tapos ay nagmadali akong humabol kay Kalen.
Hindi ko na siya makita. Naisip ko na baka nasa SB office siya kaya pumunta ako doon. Pagkadating ay agad kong binuksan ang pinto. Mabuti nalang at hindi nakalock. Nakita ko si Kalen na nakaupo sa sofa at mag-isa lang siya doon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kalen sabay tayo
"Kalen yung nakita mo kanina, wala lang yun." Sabi ko habang papalapit kay Kalen.
"Felix, please umalis kana. Wala ako sa mood ngayon." Sabi ni Kalen sa akin
"Nagseselos kaba dahil sa nakita mo kanina?" tanong ko
"Hindi ako nagseselos. Kahit ilang babae pa ang halikan mo, wala akong pakialam." Sabi ni Kalen
"Halik? Para sa akin hindi naman halik iyon. Nagulat nalang din nga ako ng biglang gawin iyon sa akin ni Aira. Hindi ko gusto yun. Para sa akin ang halik dapat gusto mo. Dapat ginusto mo at dapat sa taong gusto mo. Sa taong mahal mo. Tulad nito." Sabi ko sabay halik sa mga labi ni Kalen.
Bigla akong tinulak ni Kalen sabay tanong "Bakit mo ako hinalikan?"
"Kalen, mahal kita matagal na. Kaya kita pinapunta doon sa rooftop kasi gusto ko na sanang ipagtapat ang nararamdaman ko para saiyo. Kalen, mahal mo rin ba ko?" tanong ko
Matagal na hindi kumibo si Kalen. Kinabahan ako. Baka hindi niya ako gusto.
Tumingin sa akin si Kalen.
"Felix, mahal din kita." Sabi ni Kalen sabay halik sa aking mga labi.
"Ibig bang sabihin nito ay akin kana?" nakangiting tanong ko pagkatapos ang halikan.
"Oo. Saiyo na ako." sagot ni Kalen
"Yes!" mahina kong sabi sabay yakap kay Kalen
Nagulat nalang kami ng may biglang nagsalita.
"Ehem! Pwede naba kaming pumasok?"
Tiningnan namin kung sino at nakita si Anne kasama sina Ryan at Emma na nakatayo sa pintuan.
"Kanina pa kayo nandiyan?" tanong ni Kalen sa mga kaibigan.
"Hmmm... Yes, kanina pa. Actually narinig namin lahat. Nakita namin lahat simula doon sa part na tinanong mo si Felix kung ano ginagawa niya dito? Simula doon." Sabi ni Emma.
"Alam nyo, kayo hindi nyo sinarado ang pinto. Paano kung may ibang nakakita sa inyo? Buti nalang kami ang dumating." Sabi ni Anne.
Tama pala. Nakalimutan ko kaninang isarado ang pinto.
"Guys, pwede bang sa atin-atin nalang muna ito? Felix, okay lang ba?" tanong ni Kalen.
"Oo naman. Kung yan ang gusto mo." nakangiti kong sagot. Para sa akin, ang importante ay kami na ni Kalen.
----
Bago pumunta sa bahay ni lolo ay tumawag muna ako sa aking pinagtatrabahuan para sabihing hindi ako makakapasok.
Pagkarating ko sa bahay ni lolo ay sinalubong ako ng yakap at halik ng kapatid kong si Eunice.
"Baby, regalo ko saiyo." Sabi ko kay Eunice sabay abot ng stuffed toy.
"Wow! Thank you kuya. Pwede ko naba itong laruin?" nakangiting tanong ni Eunice
"Oo naman." Sagot ko.
Umalis si Eunice para laruin ang bigay kong stuff toy.
"Buti naman at nakapunta ka ngayon" sabi ni papa sa akin.
"Hindi ko po kasi mahindian si Eunice." Sagot ko
"Balita ko sumama ka sa outreach program sa Quezon Province. Kumusta naman?" tanong ni papa
"Ayos lang po." Sabi ko
"So, ano nakita mo na kung gaano kahirap ang buhay ng ibang tao? Kung gaano ka kaswerte na naging parte ng pamilyang ito? Siguro naman nagsisisi kana na iniwan mo lahat ito." Biglang sabi ng lolo
"Hindi naman po ako nagsisisi. Mas napagtanto ko nga po na hindi lang naman pala pera o kayamanan ang makakapagpasaya sa isang tao. Oo mahirap yung mga tao sa lugar na napuntahan namin pero masaya po sila. Masayang-masaya." Sagot ko
"Anong gusto mong iparating sa akin." Tanong ng lolo
Tiningnan ko si lolo
"Lo, mayaman ka nga po. Marami kang pera pero masaya kaba? Masaya ba ang pamilya mo?" tanong ko
Hindi nakasagot si lolo sa tanong ko.
"Victor, paalisin mo yang anak mo bago masira ang gabi ko." utos ni lolo kay papa.
"Pa, huwag naman ganun." Sabi ni papa.
"Sige, aalis nalang po ako. Kayo nalang po magsabi kay Eunice." Sabi ko sabay labas ng bahay.
Papalabas na ako ng gate ng tawagin ako ni papa.
"Felix anak, sanadli." Tawag ni papa
"Bakit?" tanong ko
May inabot sa kin si papa na pera.
"Baka wala kanang panggastos. Kunin mo na ito." Sabi ni papa.
"Hindi ko yan kailangan. May pera pa naman po ako." sabi ko sabay labas ng gate at sumakay ng aking motor.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...