CHAPTER 6

205 8 0
                                    

KALEN'S POV

Sabado alas 5 ng umaga – ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Quezon province para sa isang outreach program ng student body organization. 19 kaming lahat na sasama at 10 dito ay mga officers ng student body at ang siyam ay mga volunteers.

Isa-isa ng umakyat sa school bus ang mga kasamahan ko.

"Hi Kalen. Goodmorning. Para pala saiyo" nakangiting sabi sa akin ni Liz sabay abot ng isang square na Tupperware.

"Goodmorning! Ano to?" tanong ko pagkakuha ng tupperware

"I baked cookies kasi last night and decided to bring some for you" sabi ni Liz.

"Wow! Thank you, Liz. Sige na umakyat kana ng bus."

"Okay" sagot ni Liz tapos ay umakyat na ng bus.

Umakyat narin ako pagkatapos na makaakyat ng lahat at naupo sa bandang unahan ng bus.

"Sir, alis na po ba tayo?" tanong sa akin ng driver

Tumingin muna ako sa labas. Nagbabakasaling nagbago ang isip ni Felix at gusto ng sumama.

"Si Felix? Hindi na sasama yun." Sabi sa akin ng katabi kong si Anne.

"Sige manong. Tayo na po." Sagot ko sa aming driver.

Pinaandar at pinatakbo na ng driver ang aming bus pero hindi paman kami nakakalayo ay bigla itong huminto.

"Manong, bakit po?" tanong ko sa driver

"Sir, may kulang pa po ba sainyo? May pumara kasi" sagot ng driver

Tiningnan namin kung sino ang sinasabi ng driver na pumara at nang makita iyon ay nagkatinginan nalang kaming lahat na nasa loob ng bus – si Felix na agad umakyat pakabukas ng pintuan.

"Buti naman at nakahabol ka." Sabi ko kay Felix.

Hindi kumibo si Felix at diretso lang na naglakad papunta sa pinaka-likod na bahagi ng bus – malayo sa aming lahat. Naupo siya sabay lagay ng earphone sa kanyang mga tenga.

Para hindi mabagot, nagkwentuhan kami habang nasa byahe. May mga nagtawanan, minsan may nagkakantahan. Tiningnan ko si Felix. Nakatingin lang siya sa labas habang suot ang kanyang earphone. Nakikinig ata ng music. Napaisip ako – ano kaya ang nangyari at biglang siyang sumama sa amin?

----

Alas 7 na ng umaga. Naisip namin na magbreakfast muna kasi gutom na kaming lahat. Itinigil muna ng driver ang bus sa gilid ng daan at kinuha namin ang inihanda naming packed breakfast.

"Saan ba tayo kakain? Dito sa loob ng bus o sa labas?" tanong ko

"Doon nalang" sabi ng isang volunteer na lalake sabay turo sa isang puno.

"Oo maganda doon. Para lang tayong nagpi-picnic." Sabi ng isa pang volunteer na babae

Isa-isa ng nagsibabaan sa bus ng kausapin ulit ako ni Anne.

"Pres... Si Felix?" sabi ni Anne ng mapansing nakaupo padin si Felix

"Sige puntahan ko lang." sabi ko sabay lapit kay Felix.

"Felix, tara breakfast muna tayo."

Hindi ako sinagot ni Felix at nakatingin parin sa labas ng bintana. Siguro hindi niya ako narinig kaya tinanggal ko ang earphone sa isa niyang tenga.

"Ano ba?" pasigaw na sabi sa akin ni Felix

"Sorry! Yayayain lang sana kita na magbreakfast. Nasa baba na ang lahat" sagot ko ng magulat sa pagsigaw niya

"Leave me alone. Hindi ako nagugutom." Sagot sa akin ni Felix

"Ano ba ang problema mo?" tanong ko

"Problema ko? Ito. This stupid thing na pinaggagawa ninyo. Kung gusto niyong tumulong edi tumulong kayo. Kung gusto ninyong mamigay ng kung ano-ano sa mga bata edi mamigay kayo. Kung gusto ninyong magpasaya edi magpasaya kayo. Wala akong pakialam. Pero bakit kailangan pa na nandito ako? Bakit kailangan pa na kasama ako? Sinasayang ninyo ang oras ko!"

"Ano? Stupid thing? Siguro nga stupid ito para saiyo. Siguro iniisip mo na walang sense itong outreach program ito. Mayaman ka eh. Lumaki kang lahat ng gusto mo ay naibibigay saiyo. Pero Felix, para sa mga batang matutulungan nitong stupid thing na sinasabi mo, malaking bagay ito para sa kanila. Ganyan naba talaga katigas ang puso mo at kahit kunting tulong ay hindi mo kayang maibigay? Kahit kunting oras mo kailangan mo pang ipagdamot?" Sabi ko kay Felix na parang maiiyak.

Tiningnan ako ni Felix "Mayaman? Lahat ng bagay naibibigay sa akin? Wala kang alam. Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko" Sabi sa akin ni Felix

"Tama ka. Wala nga akong alam. Siguro nga may mga pinagdadaanan ka kaya ka nagkakaganyan. Kaya ka naging ganyan! Pero sana huwag mong hayaan na tuluyang maubos ng kung ano man yang pinagdadaanan mo ang natitirang kabutihan diyan sa puso mo. Felix, sorry kung nasama ka namin dito pero hindi naman din namin kagustuhan ito. Lolo mo ang may gusto." sabi ko

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Felix at umalis na ako para samahan ang iba na magbreakfast. Naiinis ako!

----

Pagkatapos magbreakfast ay bumalik na kami sa bus at itinuloy ang aming byahe. Ilang minuto ang nakalipas at dahil narin siguro sa kabusugan ay nakatulog na halos lahat ng mga kasama ko. Medyo okay narin ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang inis ko dahil sa nangyari sa amin kanina ni Felix. Aaminin ko, nag-alala ako dahil hindi siya kumain. Nag-aalala ako na baka nagugutom sya pero nahihiya lang na sumabay sa amin.

Dala ang pagkain at tubig ay lumapit ako sa kanya.

"Itabi mo nalang muna. Baka gutumin ka." Sabi ko habang inaabot ang aking dala

Tiningnan ni Felix ang pagkain na hawak ko.

"Sige na. Kunin mo na." sabi ko

Kinuha ni Felix ang pagkain at tubig. Nilagay nalang muna niya ito sa kanyang tabi. Tumalikod narin ako para bumalik sa aking upuan. Habang naglalakad, bigla akong tinawag ni Felix. Lumingon ako at nakita si Felix na tumayo at lumabas ng kanyang upuan hanggang sa mya aisle.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ano.... Ahmmm.... Wala, kalimutan mo nalang" sagot niya na parang nagdadalawang-isip

Lumapit ako sa kanya. Nararamdaman ko kasing parang may gusto talaga siyang sabihin.

"Sabihin mo na kasi. May kailangan kaba?" tanong ko ulit sa kanya

Hindi maperme ang mga mata ni Felix at kung saan-saan nakatingin.

"Sorry pala sa sinabi ko kanina." Mabilis na sabi niya

Napangiti ako. Hindi ko iniexpect na magso-sorry siya ng ganun. Marunong padin pala siyang magsabi ng ganun.

"sorry din sa sinabi ko." sagot ko

"Sige na. Bumalik kana doon sa upuan mo. Nae-estorbo mo na ako eh" sabi niya.

Pagkatapos sabihin iyon ni Felix ay biglang parang lumukso ang bus na aming sinasakyan. May nadaanan atang malaking lubak. Nawalan ng balance si Felix kaya siya ay natumba. Sa kasamaang palad, natumba siya papunta sa akin at dahil dito pati ako ay natumba narin. Nakahiga ako sa sahig ng bus habang si Felix ay nakapatong sa akin. Mas matangkad si Felix sa akin. Hindi ko alam kong ito ba ang dahilan pero malas na pagkatumba namin ay saktong tumama ang mukha niya sa mukha ko. Mas lumaki ang aking mata sa gulat ng mapansing nakadikit pala ang mga labi niya sa mga labi ko. Agad namang tumayo si Felix tapos sumunod narin ako para tingnan kung may nakakita – wala naman. Lahat ng kasama namin ay nakaharap sa unahan. Nahiya ako sa nangyari. Hindi na ako tumingin kay Felix at dali-daling bumalik sa aking upuan. Habang nakaupo, bigla kong naramdaman na bumilis ang tibok ng aking puso. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib. "KINAKABAHAN BA AKO? BAKIT ANG BILIS?" nasabi ko sa aking isip.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon