CHAPTER 33

138 1 0
                                    

CHAPTER 33

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 10 and 11)

Pabalik na kami ng Manila pero tumigil muna ang bus na aming sinasakyan sa isang bahay-kainan. Kakain muna daw ng tanghalian. Hindi ako nagugutom kaya nagpaiwan ako at nakinig nalang ng music habang nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng bus.

----

Pagkatapos kumain ng aking mga kasama ay bumalik narin agad sila sa loob ng bus.

Lumapit sa akin si Kalen at inabot ang isang styrofoam. Kinuha ko ang earphone sa isa kong tenga at tinanong siya kung ano ang laman ng inaabot niya.

"Pagkain baka kasi magutom ka mamaya." Sagot ni kalen.

Kinuha ko iyon pagkatapos ay naramdaman kong umaandar na ang bus. Biglang naupo si Kalen sa bakanteng upuan sa aking tabi.

"May kailangan kapa?" natanong ko dahil medyo nagtaka ako kung bakit siya naupo.

"Yung tungkol pala sa wallet mo kanina. Sorry kasi binuksan ko. Gusto ko lang kasing malaman kung kanino." sabi niya

"Kalimutan mo na yun." Sabi ko sabay balik ng earphone sa aking tenga at tumingin sa labas ng bintana.

Napatingin ako kay Kalen at nakitang nakatingin din siya sa akin. Tinanggal ko ulit ang earphone sa isa kong tenga at tinanong ko siya kung bakit siya nakatingin sa akin. Baka kasi may gusto siyang sabihin o itanong.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung ano kaya yang pinapakinggan mo." Sagot ni kalen.

Kinuha ko ang earphone at nilagay sa tenga ni Kalen para mapakinggan din niya ang pinapakinggan kong love song.

Ngumiti si Kalen.

"Oh, bakit ka napangiti?" tanong ko sa kanya

"Wala. Hindi ko lang kasi iniexpect na ganitong music ang pinapakinggan mo. Para kasing hindi bagay sa personality mo" sagot niya

"Bakit? Masama ba kung makinig ako ng ganitong music? Kung ayaw mo edi akin na ulit yan." Sabi ko. Kukunin ko na sana ang earphone sa tenga ni Kalen pero pinigilan niya ako.

"Sandali! Sinabi ko bang ayaw ko?" sabi niya.

Pinikit ni Kalen ang kanyang mata habang nakikinig ng music. Napatitig ako sa mukha niya sabay ngiti tapos ay ipinikit ko narin ang aking mga mata.

----

Nagising ako at napansing nakatulog pala ako habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Kalen. Tiningnan ko si Kalen at nakitang tulog din. Naisip ko na baka nahihirapan siya kaya siya naman ang pinasandal ko sa aking balikat.

Hindi na ako nakatulog ulit. Binantayan ko nalang si Kalen na mahimbing na natutulog hanggang sa makarating na kami ng Manila.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon