CHAPTER 8

189 7 0
                                    

KALEN'S POV

Malapit ng dumilim. Umuwi na ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Itinayo na namin ang kanya-kanya naming mga tent na tutulugan. Yung ibang tapos na sa kanilang tent ay nagluto na ng aming panghapunan.

"Felix, nasaan na ang tent mo? Itayo mo na" Sabi ni Ryan kay Felix na nakaupo sa isang mahabang upuan.

"Wala akong dala." Sagot ni Felix.

"Huh? Paano nayan? San ka matutulog?" tanong ni Ryan

"Pwede namang dito nalang." Sagot ni Felix sabay turo sa inuupuan.

"Kalen! Kalen!" sigaw sa akin ni Liz

"Bakit?" tanong ko

"Pwede mo ba akong tulungan na itayo ang tent ko?" sabi ni Liz

"Ako nalang ang tutulong saiyo." Singit na sabi ni Ryan kay Liz.

"Si Kalen nalang." sagot ni Liz

"Hindi pa tapos si Kalen sa tent niya. Ako tapos na kaya ako nalang tutulong saiyo." Sagot ni Ryan.

"Edi pagkatapos ni Kalen. Please... Kalen?" pakiusap ni Liz

"Sige. Tapusin ko lang muna itong sa akin." Sabi ko

"Pres... mukhang type ka ng first year nayan ah..." mahinang sabi sa akin Ryan sabay ngiti.

"Loko!" sagot ko. Napatingin din ako kay Felix at nakitang nakatingin siya sa aming dalawa ni Ryan. Medyo naiilang parin ako dahil sa mga nangyari kanina kaya iniwas ko nalang ulit ang tingin ko sa kanya at pinagpatuloy na ang pagtatayo ng aking tent.

Pagkatapos ko ay pinuntahan ko naman agad si Liz para tulungan.

"Paano ba itayo yan?" tanong sa akin ni Liz.

"Madali lang kasi ito. Panoorin mo." Sabi ko sa kanya.

Pinakita ko kay Liz kung paano itayo ang tent hanggang sa matapos.

"Tapos na! Ang dali diba?" sabi ko

"Ang galing! Salamat!" nakangiting sabi ni Liz sabay yakap sa akin.

Nagulat ako sa pagyakap niya. Ganoon ba siya kasaya na naitayo ko ang tent niya para yakapin ako? Bigla kong naalala di pala ako nakapagpalit ng damit mula pa kanina. Baka amoy pawis na ako. Nakakahiya sa kanya.

"Liz, teka. Baka amoy pawis na ako. Nakakahiya saiyo." Sabi ko kay Liz sabay tanggal ng mga kamay niya na nakayap sa leeg ko.

"Hindi naman. Ang bango mo nga eh." Sagot ni Liz.

Inamoy ko ang damit ko tapos ay ngumiti sa kanya "Anong mabango? Amoy pawis na kaya ako. Sige maiwan na muna kita. Puntahan ko lang yung mga nagluluto ng hapunan natin."

"Sige" sagot ni Liz sa akin.

----

Pagkatapos ng hapunan ay nagkwentuhan lang kami saglit tapos ay pumunta na sa kanya-kanya naming tent para magpahinga. Napagod ang lahat sa ginawang activity kanina kaya mas gustong matulog nalang ng maaga.

Nakahiga ako sa loob ng tent ng maramdamang naiihi ako. Lumabas ako at dali-daling pumunta ng C.R. Pagbalik ko ay nakita ko si Felix na nakaupo sa upuan. Ito ang upuan na sinabi niya kanina na gagamitin niyang tulugan. Hindi ko siya napansin kanina noong lumabas ako. Siguro dahil sa pagmamadali kong umihi. May hawak-hawak siya sa kanyang kamay na parang papel or kung ano man. Tinitingnan niya ito. Napansin ko ring tinatapik niya ang kanyang braso tapos ay kinakamot ito. Siguro dahil sa lamok. Lumapit ako sa kanya. Napatingin siya sa akin at agad niyang itinago sa kanyang wallet ang hawak na papel at nilagay ito sa kanyang bulsa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya

"Nakaupo. Hindi ba obvious?" sagot niya sa akin

"Hay... nagtanong pa ako." sabi ko sabay upo sa kanyang tabi

Hindi kumibo si Felix.

"Salamat pala kanina." Sabi ko

"Salamat saan?" tanong niya sa akin

"Salamat dahil sinamahan mo kaming magpasaya ng mga bata. Sa totoo lang, nag-alala ako baka kasi ano na namang pagpapasaway ang gawin mo dito. Pero naging behave ka naman kaya salamat." Paliwanag ko

Tiningnan ko si Felix at nakitang nakatingin narin pala siya sa akin.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" tanong ko sa kanya

"Wala. Bumalik kana sa tent mo. Matutulog na ako. Bilis!" sagot niya

Tumayo ako at nahiga na siya sa upuan.

"Okay kalang ba dito?" tanong ko sa kanya

"Bakit?" balik na tanong niya sa akin.

"Baka gusto mong doon nalang matulog sa tent ko? Baka kasi maubos ng lamok yang dugo mo." Sabi ko. Nag-aalala kasi ako dahil malamok baka hindi siya makatulog.

"Sa tent mo? Katabi mo? Naku! Huwag na. Baka ano pang gawin mo sa akin. Okay na ako dito. Magpaparefill nalang ako ng dugo pagbalik ng Manila." Sagot niya

Medyo nainis ako sa sagot niya. Nagmamalasakit nanga ako tapos yun pa ang sasabihin niya.

"Bahala ka nga. Hindi naman siguro mauubos ng lamok ang dugo mo. Sa sama ng ugali mo, siguradong mapait ang lasa ng dugo mo. Wish mo nalang na sana hindi mahilig ang mga lamok sa mga mapapait." Naiinis na sagot ko sabay balik sa aking tent.

Hindi ako makatulog. Papalit-palit ako ng side sa loob ng tent pero wala parin. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang tawag mula sa labas.

"kalen! Kalen!"

Binuksan ko ang tent at nakita si Felix.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pwede bang makitulog dito?" sagot ni Felix

"Bakit? Kala ko ba ayaw mong katabi ako?"

"Okay lang na ikaw ang katabi ko kaysa sa mga lamok. Nagustuhan yata nila ang dugo ko kaya nagtawag ng back-up. Ang dami!" paliwanang ni Felix.

"Mahilig pala ang mga lamok sa mapapait. Halika pasok." Sabi ko kay Felix.

Pang-isahang tao lang dapat ang tent ko kaya halos magkadikit na kami ni Felix. Nakahiga siya sa may bandang kanan ko. Nakatagilid ako habang nakaharap sa kaliwa.

Hindi ako makatulog. Naisip ko na humarap sa kabilang side. Pagkapalit ko ng posisyon, nagulat ako ng makitang nakaharap din pala sa side ko si Felix. Gising din siya at sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Nagkatinginan kami sa mga mata. Bigla ko na naman naalala ang nagyari sa bus kanina. Ano ba!

"Sorry!" sabi ko sa kanya sabay harap sa kabilang side patalikod sa kanya.

Pinilit ko nalang na matulog at hindi gumalaw. Nakakahiya na kasi. 

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon