KALEN'S POV
Pangalawang araw na ngayon na hindi ako pumapasok at nakakulong lang sa bahay.
Nakalabas narin ng hospital si papa pero dahil sa nangyari ay hindi na niya ako kinakausap. Pati si mama ay parang naging malamig nadin sa akin.
Tinatawagan at tinitext ako ng mga kaibigan ko pati narin ni Felix pero hindi ko ito sinasagot. Hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin.
Nakahiga ako ngayon sa kama at nag-iisip. Isang desisyon ang kailangan kong gawin.
KINABUKASAN...
Bumalik na ako sa university. Alam ko na marami ang mga matang humuhusga sa akin ngayon dahil sa kumalat na video. Wala na akong magagawa dahil nangyari na iyon. Kailangan ko nalang mag move forward.
Hinanap ko si Liz dahil kailangan kong magsorry sa kanya. Kahit absent ako ng ilang araw ay hindi naman ako huli sa balita. Lagi akong ina-update ni Anne kahit hindi ako nagrereply. Isa sa mga update niya ay tungkol sa kung sino ang totoong kumuha at nag-upload ng video.
Nakita ko si Liz na nakaupo sa may canteen kasama ang kaibigang si Bianca na dati na niyang pinakilala sa akin.
"Liz, pwede ba kitang makausap?" tanong ko kay Liz ng ako ay makalapit.
Tiningnan lang ako ni Liz at hindi kumibo.
"Liz, alis na muna ako." paalam ni Bianca kay Liz sabay alis. Naramdaman niya sigurong gusto kong makipag-usap kay Liz ng kaming dalawa lang.
Umupo ako sa bakanteng upuan kaharap si Liz.
"Gusto ko sanang magsorry dahil sa nangyari. Sorry dahil nagalit ako saiyo. Sorry dahil napagbintangan kita na ikaw ang kumuha ng video." Sabi ko.
"Ganun lang ba kadali iyon? Magsosorry tapos wala na?" tanong ni Liz
"Ano ba ang kailangan kong gawin para makabawi?" tanong ko
Tiningnan ako ni Liz.
"Be my boyfriend." Sabi ni Liz na ikinagulat ko
Hindi ako makasagot. Hindi ko iniexpect nayun ang hihingin sa akin ni Liz.
"Joke!" nakangiting sabi ni Liz.
"Ano?" tanong ko
"Nagbibiro lang ako. Inaamin ko na gusto parin kita pero nirerespeto ko na hindi mo ako gusto at may gusto kang iba. Hindi naman kita pwedeng pilitin diba? Aaminin ko din na nasaktan ako ng sobra noong pinagbintangan mo ako pero naiintindihan ko naman. Galit ka ng time na iyon kaya kalimutanh na natin. Tama na ang paghingi mo ng sorry. Ang importante, alam na natin ang totoo." Sabi ni Liz.
Napangiti ako.
"Balita ko sinuntok mod aw si Aira." Tanong ko.
"Naku! Sinabunutan ko pa. Kung hindi lang talaga ako pinigilan baka nakalbo nayun. Nanggigigil ako eh. Kala mo maganda. Pero in fairness pretty naman siya." Sabi ni Liz sabay ngiti sa akin.
Masaya ako na okay na kami ni Liz pero may isa pa akong kailangang gawin. Pinag-isipan ko itong mabuti. Mabigat man pero kailangan.
Tinext ko si Felix. Sinabi kong magkita kami sa rooftop ng Business Ad building.
----
Nasa rooftop na si Felix ng ako ay dumating. Ngumiti siya at sinalubong ako ng isang yakap.
"Kumusta? Anong nangyari saiyo? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko?" sunod-sunod na tanong ni Felix sa akin.
Hindi ako sumagot. Bumitiw sa pagkakayakap sa akin si Felix at tiningnan ako.
"Nag-alala ako saiyo. Gusto kong puntahan ka sa inyo pero baka mas lalong maging komplikado pag nakita ako ng parents mo." sabi ni Felix sa akin.
Tiningnan ko si Felix. Hindi ko mapigilang maluha.
"Anong nangyayari?" tanong ni Felix sa akin.
"Felix, alam mo namang mahal kita diba? Pero mahal ko rin ang pamilya ko. Noong araw na kumalat ang video, inatake ng highblood si papa. Takot na tako ako. Ang akala ko tuluyan na siyang mawawala sa amin. Kung nangyari iyon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Felix, ayaw kong maulit pa iyon kaya kahit masakit ay tinatapos ko na kung ano mang meron tayo." Sabi ko habang umiiyak.
"Nagbibiro kalang diba? Sabihin mo. Joke lang to diba?" tanong ni Felix sa akin.
"I'm sorry." Sabi ko
Hindi nakakibo si Felix. Napansin ko nalang na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata,
"Mahal naman kita pero komplikado na ang lahat." Sabi ko
"Ganun nalang ba yun? Susuko kana? Susukuan mo na ako? Siguro hindi mo talaga ako mahal kasi kung mahal mo ako, hindi mo ako ganito kadaling sukuan. Kung mahal mo ako diba dapat ipaglalaban mo iyon?"" sabi ni Felix.
"Mahal kita. Mahal na mahal pero kailangan ko itong gawin. I'm sorry." Sabi ko
"Duwag ka Kalen. Duwag ka kasi hindi mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mong pagmamahal para sa akin. Kung meron man." Sabi ni Felix sabay alis.
Dali-dali siyang umalis at iniwan ako na umiiyak. Mahal ko siya pero natatakot ako na baka may mas malala pang mangyari sa papa o sa mama ko kung malaman nilang ipinagpatuloy ko ang relasyon namin. Siguro duwag nga ako. Duwag ako na hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...