KALEN'S POV
Dumiretso ako ng aking kwarto pagkauwi ko sa bahay. Umupo ako sa kama at kinuha sa loob ng paper bag ang stuffed toy na binigay sa akin ni Felix. Napangiti ako habang tinititigan ito. Biglang may narinig akong katok sa pintuan. Binuksan ko ito – si mama.
"Bakit po ma?" tanong ko
"Anak, mamaya pala aalis kami ng papa mo. May ime-meet kaming kaibigan baka late na kaming makauwi. So, hindi na kami dito magdidinner."
"Okay ma." Sagot ko
"Tsaka si ate Klarisse mo pala pupunta dito mamaya. Nasa Cebu kasi ang kuya Dan mo kaya dito daw muna sila matutulog ni Princess." Sabi ni mama
Nakakatandang kapatid ko si ate Klarisse at husband niya si Kuya Dan. Si Princess naman ay ang 6 years old ko na pamangkin.
Bumalik ako sa aking kama pagkatapos kausapin ni mama. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako habang yakap ang stuffed toy. Pinikit ko ang aking mga mata ng marinig ang tunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang si Felix ang tumatawag.
"Bakit?" tanong ko
"Nasaan kana?" tanong ni Felix sa akin
"Andito na sa bahay. Ikaw?" balik ko na tanong
"Bahay nadin. Anong gingawa mo?" tanong ni Felix sa akin
"Nakahiga at matutulog. Inaantok kasi ako." sagot ko
"Hulaan ko. Niyayakap mo ngayon ang stuffed toy na bigay ko ano?"
"Hindi ah. Bakit ko naman yayakapin?" pasinungaling kong sabi
"Bakit? Mas gusto mo bang ako talaga ang kayakap mo?" tanong ni Felix sa akin.
"Hindi din. Bakit naman kita gustong yakapin? At Kahit kailan hindi ako yayakap saiyo." sabi ko
"Sigurado ka? Eh bakit noong nasa Quezon Province tayo yumakap ka sa akin habang natutulog tayo sa tent mo?" sabi ni Felix sa akin na ikinagulat ko. Paano niyang nalaman na nakayakap ako sa kanya ng time na yun?
"Paano mo nalaman? Gising ka ng time na yun ano?" tanong ko
Narinig ko na tumawa si Felix.
"Hindi ko naman sinasadya yun. Tulog ako ng time nay un. Nagulat ngalang din ako paggising ko na nakayakap na ako saiyo.?" Paliwanag ko.
"Sige na. Ibababa ko na itong phone. May gagawin lang ako. Matulog kana dyan. Ayos lang sa akin kung mapanaginipan mo ako. Binibigyan kita ng permission." Sabi ni Felix pagkatapos ay binaba na ng phone.
Nakakahiya! Baka iniisip ni Felix na sinadya ko talagang yakapin siya noong time na iyon. Baka iniisip niya na plano ko talagang patulugin siya sa tent ko noong nasa Quezon Provinvce kami para magawa iyon. Pero, parang may napapansin ako. Bakit parang lately ang sweet ni Felix sa akin. Inaasar niya nga ako pero in a sweet way. Ayaw ko mag expect pero posible kayang may gusto din siya sa akin? Posible kaya iyon?
Napangiti nalang ako sa naiisip ko. Niyakap ko ng mahigpit ang stuffed toy tapos pinikit ko nalang ulit ang aking mga mata.
----
Nagising ako dahil sa tawa ng bata na naririnig ko mula sa labas ng aking kwarto. Tumingin ako sa relo. Almost 6PM na pala. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko si Princess na nakaupo habang nanonood ng cartoons sa TV. Lumapit ako sa kanya at hinalik-halika siya sa pisngi.
"Oh, gising kana pala." Sabi ng ate Klarisse ko na lumabas galing sa kusina.
"Sina mama at papa nakaalis na?" tanong ko
"Oo. Umalis sila pagkadating namin ni Princess." Sagot ni ate.
"Ahhh okay." Sabi ko.
"Ano palang gusto mong kainin for dinner? Magluluto ako." tanong ni Ate.
"Hmmm... Magpadeliver nalang tayo ng food ate." Sabi ko sa kanya.
"Pwede din ano bang gusto mo?" tanong ulit ni ate.
"Magpizza nalang tayo." Nakangiting sabi ko
"Ako gusto spaghetti." Pasigaw na sabi ni Princess.
"Yehey! Pizza and spaghetti." Pasigaw din na sabi ko sabay halik sa pisngi ni Princess.
"Okay. Magpapadeliver na ako." sabi ni ate Klarisse sabay kuha ng kanyang cellphone.
Bumalik ako sa aking kwarto. Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin ang pamangkin kong si Princess. Nakita niya sa ibabaw ng kama ko ang stuffed toy na binigay sa akin ni Felix.
"Wow! Tito ang ganda." Sabi ni Princess habang hawak ang laruan.
Napangiti ako sa reaction ng pamangkin ko.
"Anong name?" tanong ni princess.
Napaisip ako. Ano ngaba ang ipapangalan ko sa stuffed toy na ito?
"Hmmm. Kalix. Yan ang name" sabi ko kay Princess sabay ngiti.
"Hi Kalix... Ang cute-cute mo." Sabi ni Princess sa stuffed toy.
"Oo. Ang cute-cute nga niya." Mahina kong sabi habang iniisip si Felix.
----
Nakaupo kami nina ate at Princess sa sala at nanonood ng TV habang hinihintay ang pinadeliver naming pagkain ng tumunog ang doorbell.
"Baka yan na yung food. Ako nalang ang kukuha." Sabi ko.
"Ito ang pambayad." Sabi sa akin ni ate sabay abot ng pera.
Dali-dali akong pumunta sa gate. Binuksan ko ito at nagulat sa aking nakita.
"Felix?" gulat na sabi ko.
"Kalen? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Felix na halatang nagulat din.
"Dito ako nakatira." Sagot ko
"Sorry, mali yata ang bahay na napuntahan ko." sabi ni Felix
Napatingin ako sa dalang box ni Felix. Parang box ng Pizza. May dala din siyang isang mas maliit pa na box.
"Yan ba yung pizza at spaghetti?" tanong ko
"Oo pero Klarisse Dimaranan ang may order." Sagot ni Felix
"Ate ko siya" Sabi ko.
Inabot ni Felix sa akin ang pizza at spaghetti. Napansin kong parang naiilang siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Inabot ko din sa kanya ang saktong bayad.
"Sige Salamat." Sabi niya sabay dali-daling sumakay sa kanyang motor.
"Felix sandali lang." sabi ko kay Felix.
"Sorry Kalen. May gagawin pa kasi ako." sabi ni Felix pagkatapos ay pinaandar ang motor at umalis na.
Naguguluhan ako kung bakit siya ang nagdeliver ng pagkain na inorder namin. Wala namang masama kong magtrabaho siya o mag part-time job pero sa estado ng kanilang pamilya, hindi pa naman niya kailangang magtrabaho ngayon. Pwede namang magfocus muna siya sa kanyang pag-aaral. Naalala ko bigla yung sinabi ng kapatid ni Felix sa mall. Tinanong si Felix ng kapatid niya kung kalian ito uuwi sa bahay nila. Tsaka ngayon ko lang napagtanto. Parang ang lamig ng pakikitungo ni Felix at ng mama niya sa isa't-isa noong nagkita sila sa mall. Tama ba ang hinala ko na hindi nakatira si Felix sa kanyang pamilya?
Nag-aalala ako. Ano kayang nagyayari sa kanya? May problema ba siya at ang family niya? May kinalaman ba ito kung bakit bigla nalang nagbago ang ugali ni Felix last year? Ano ba ang nagyayari?
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...