CHAPTER 39

120 4 0
                                    

FELIX'S POV

Pagkatapos naming mag-mall ay dumiretso na ako sa aking trabaho – food delivery.

Dahil sa hindi pa naman busy ay naisipan ko munang tawagan si Kalen.

"Bakit?" tanong ni Kalen pagkasagot ng tawag ko

"Nasaan kana?" Balik kong tanong

"Andito na sa bahay. Ikaw?"

"Bahay nadin. Anong gingawa mo?" sagot ko pero ang totoo ay nasa trabaho ako

"Nakahiga at matutulog. Inaantok kasi ako."

"Hulaan ko. Niyayakap mo ngayon ang stuffed toy na bigay ko ano?" nakangiting sabi ko

"Hindi ah. Bakit ko naman yayakapin?" sabi ni Kalen

"Bakit? Mas gusto mo bang ako talaga ang kayakap mo?" tanong ko kay Kalen

"Hindi din. Bakit naman kita gustong yakapin? At Kahit kailan hindi ako yayakap saiyo." Sagot ni Kalen

"Sigurado ka? Eh bakit noong nasa Quezon Province tayo yumakap ka sa akin habang natutulog tayo sa tent mo?"

"Paano mo nalaman? Gising ka ng time na yun ano?" tanong niya

Hindi ko mapigilan at napatawa ako.

"Hindi ko naman sinasadya yun. Tulog ako ng time nay un. Nagulat ngalang din ako paggising ko na nakayakap na ako saiyo.?" Dagdag na sabi ni Kalen.

"Sige na. Ibababa ko na itong phone. May gagawin lang ako. Matulog kana dyan. Ayos lang sa akin kung mapanaginipan mo ako." paalam ko sabay baba ng phone at bumalik na sa trabaho.

----

Nasa labas ako ng gate ng isang bahay at hinihintay ang customer na nagpadeliver ng pizza at spaghetti.

Klarisse Dimaranan ang pangalan pero nagulat ako ng ang lumabas ay isang tao na kilala ko. Si Kalen. Napansin ko na nagulat siya ng makita niya ako.

"Kalen? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko

"Dito ako nakatira." Sagot ni Kalen sa akin.

"Sorry, mali yata ang bahay na napuntahan ko." sabi ko

"Yan ba yung pizza at spaghetti?" tanong ni Kalen sa akin

"Oo pero Klarisse Dimaranan ang may order." Sagot ko

"Ate ko siya"

Iniabot ko kay Kalen ang order nilang pagkain. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Sige Salamat." Sabi ko pagkakuha ng bayad at dali-daling sumakay sa aking motor.

"Felix sandali lang." sabi ni Kalen sa akin.

"Sorry Kalen. May gagawin pa kasi ako." sabi ko sabay paandar ng motor at umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naging reaction ko. Nahihiya ba ako? Or natatakot na baka malaman ni Kalen ang tungkol sa pagkatao ko?

----

Hindi ako mapakali. Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Nagulat si Kalen ng makita niya ako at siguradong marami siyang tanong. Siguro dapat ko ng sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa akin. Oo, bukas sasabihin ko na sa kanya.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon