FELIX'S POV
(Nangyari ito kasabay ng chapter 12)
Nakaupo ako sa school canteen ng lumapit si Aira kasama ang kanyang kaibigan.
"Hi Felix. Pwedeng makitabi?" nakangiting tanong ni Aira.
"Pag sinabi ko bang hindi aalis kana?" balik ko na tanong
"Hmmm hindi din." Sagot ni Aira sabay upo sa aking tabi. Umupo din sa kabilang side ko ang kanyang kaibigan.
"May kailangan ba kayo?" tanong ko
"Wala naman. Gusto kalang makita ni Aira" nakangiting sabi ng kaibigan ni Aira
"Felix, nabalitaan ko na sumama kadaw sa outreach program sa Quezon Provice. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana sumama nalang din ako." sabi ni Aira
"Biglaan din kasi at buti narin na hindi ka nakasama." sagot ko
"Bakit buti nalang na hindi ako kasama? Kasi baka mahirapan lang ako?" tanong ni Aira
Sasabihin ko sanang buti nalang hindi siya sumama kasi pag sumama siya baka lagi siyang nakabuntot sa akin at nawalan ako ng chance na makasama si Kalen pero hindi ko nalang tinuloy.
"Oo. Baka mahirapan kalang." Pagsisinungaling ko
Nakaupo parin ako kasama sina Aira at ang kaibigan niya ng mapansin ko si Kalen na pumunta sa milktea station.
"Sige, may pupuntahan lang ako." paalam ko kina Aira
"Saan?" tanong niya
Hindi na ako sumagot at dali-dali akong umalis para puntahan si Kalen.
"Paano makaka-order ang ibang customer kung nakaharang ka sa counter?" sabi ko kay Kalen na nakaharap sa counter ng milktea station.
"Sorry" sabi ni Kalen sabay lingon sa akin tapos ay sinabihan niya ang tindera na tawagin nalang siya kung okay na ang order niya.
Umupo si Kalen sa isang bakanteng upuan. Umorder narin ako ng milktea.
Habang nakatayo ako sa counter ay nakita ko si Liz na lumapit kay Kalen tapos may binigay itong tupperware. Nag-usap sila saglit tapos umalis narin si Liz.
"Ate, balikan ko nalang po ang order ko." sabi ko sa tindera ng milktea.
Nilapitan ko si Kalen na nakaupo.
"Ano yan?" tanong ko kay Kalen na ang tinutukoy ay ang tupperware na bigay ni Liz sa kanya.
"Macaroons bigay sa akin ni Liz." sagot niya
Naisip ko na nagpapapansin na naman si Liz. Ngayon, macaroons naman niya ang ibinibida niya kay Kalen.
Kinuha ko ang tupperware na hawak ni Kalen tapos ay binuksan ko ito.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Kalen sa akin
"Titikman ko." sagot ko
"Ano yun? Kuha lang kaagad? Hindi marunong manghingi?" sabi ni Kalen
Hindi ako sumagot. Kumuha ako ng macaroon at tinikman. Aaminin ko. Masarap.
"Tapon mo na ito. Hindi masarap." Pagsisinungaling na sabi ko
"Anong problema mo?" tanong ni Kalen sa akin
"Problema? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tikman mo." sagot ko
Tumikim ng isa si Felis sabay sabi ng "Masarap naman ah."
"Masarap? May problema ka ata sa panlasa. Pa check-up mo na yan bago lumala." Pabiro ko
"Ewan ko saiyo. Mabuti pang pumunta nalang ako ng SB office kaysa makipag-usap saiyo." Sabi ni Kalen sabay kuha ng tupperware na may macaroons sa akin tapos ay umalis.
Bumalik ako sa milktea station para tingnan ang order ko.
"Nasaan na si Kalen? Nakaupo lang yun kanina diyan ah. Umalis naba? Nakalimotan niya itong milktea niya." Sabi ng tindera sa akin.
"Ahhh... Ako nalang ang magbibigay sa kanya." Sabi ko sabay kuha ng milktea na nakapangalan kay Kalen at yun ang ininom ko.
----
Pumunta ako sa SB office para ibigay kay Kalen ang milktea. Sarado ang pinto kaya kumatok ako. Binuksan ito ni Kalen sabay tanong "Anong ginagawa mo dito?".
"May ibibigay lang ako saiyo." Sagot ko
"Ano?" tanong ni Kalen.
Pumasok ako sa office
"Ibibigay ko lang itong milktea mo. Naiwan mo kasi." sabi ko
Napansin ko na natulala si Kalen na parang may iniisip. Hindi niya ako naririnig.
"Kalen? Kalen? Naririnig mo ba ako?" tanong ko pero hidi parin siya sumasagot "Hoy! Anong nagyayari saiyo?" pasigaw na sabi ko.
"Bakit?" gulat na tanong ni Kalen
"Kanina pa ako nagsasalita dito. Ano ba yang iniisip mo at bigla ka nalang natulala?" tanong ko
"Huh? Wala. Ano bang sinabi mo?" sabi ni Kalen
"Sabi ko, ibibigay ko lang saiyo tong milktea mo. Nakalimutan mong kunin." Sabi ko sabay abot ng milktea
Kinuha ni Kalen sa akin ang milktea
"Bakit pangalan mo ang nakasulat dito?" tanong ni Kalen sa akin ng makita ang pangalan na nakasulat sa milktea niya.
"Diba mas gusto mo naman yan? Yung pangalan ko ang nakalagay sa milktea mo? Naaalala mo noong kinuha mo ang miltea na dapat ay sa akin?" sagot ko sabay inom ng milktea
Napansin ko na nakatitig si Kalen sa akin. Ano kaya iniisip niya?
"Masarap ba?" pabirong tanong ko. Tinutukoy ko kung masarap ba ako sa paningin niya.
"Umalis ka na nga." Biglang sabi ni Kalen sa akin
"Bakit? Dati naman ikaw yung namimilit na pumunta ako dito tapos ngayon ayaw mong nandito ako?" tanong ko kay Kalen
"Dati yun." Sagot ni Kalen sabay tulak sa akin palabas ng office.
"Ano yun? Kailangan ko pa palang gumawa ng kasalanan para makapunta dito?" sabi ko
"Basta umalis kana." Sabi ni Kalen sabay sarado ng pinto pagkapalabas sa akin.
Nagtaka ako. Ano kayang nangyari sa kanya?
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...