CHAPTER 16

182 7 0
                                    

KALEN'S POV

Sabado – ngayon ang araw na magkikita kami ni Felix. Tutulungan ko siyang maghanap ng ipangreregalo para sa kanyang kapatid na magbibirthday.

Nasa loob ako ng mall at nakatayo malapit sa entrance ng National Book Store. Dito ang usapan naming meeting place.

Patingin-tingin ako sa paligid ng makita ko si Felix na papalapit sa akin. Ang gwapo niya. Nakasuot siya ng fitted white shirt at black pants.

"Kanina kapa?" tanong niya ng makalapit sa akin

"Hindi naman. Halos kakarating ko lang din." sagot ko

Nakuha ang atensiyon ko ng pabangong gamit niya ngayon. Ang bango!

"Ang bango mo ah." Sabi ko sa kanya

"Talaga? Mabango? Gusto mo yung amoy?" tanong niya sakin.

"Oo." Maikli kong sagot.

Biglang pang lumapit ng husto si Felix sa akin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Diba sabi mo gusto mo ang amoy ko? Sige amuyin mo lang ako." nakangiti niyang sabi

"Loko ka talaga." Sabi ko sabay mahinang tulak sa kanya palayo.

"Saan tayo unang pupunta?" tanong ni Felix sa akin.

"Ano ba ang naiisip mong ibigay sa kapatid mo?"

"Damit?" sagot ni Felix

"Damit? Okay naman kayalang mabilis kasing lumaki ang mga bata. Baka di niya masyadong magamit. Sayang." Sabi ko

"May point ka. Ikaw? Ano bang suggestion mo?" tanong ni Felix sa akin

"Stuffed toy? Para mayakap ng kapatid mo kapag natutulog?" sagot ko

"Pwede." Nakangiting sabi ni Felix.

Pumunta kami sa isang tindahan ng mga stuffed toys. Ang gaganda ng mga nakadisplay.

"Ang cute!" nakangiti kong sabi sa isang bunny stuffed toy habang hawak ang pisngi nito

Napansin ko nalang na biglang pumunta sa harapan ko si Felix at ngumiti sa akin.

"Ano na naman?" tanong ko kay felix

"Ako din cute." Sabi niya habang tinuturo ang sarili.

"Wow! Saan banda?" tanong ko.

Biglang nilagay ni Felix ang kangyang mga palad sa magkabila kong pisngi tapos ay pinaharap niya ang mukha ko sa mukha niya.

"Saan banda? Ayan, nakikita mo na?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi padin eh." Sagot ko

Nilapit pa ng kunti ni Felix ang mukha niya sa mukha ko.

"Ito nakikita mo na?" tanong ni Felix sa akin.

"Hindi." Sagot ko

Nilapit pa ng husto ni Felix ang mukha niya sa mukha ko – sobrang lapit.

"Ayan?" tanong niya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba ang ginagawa niya? Naalala ko na nasa loob pala kami ng tindahan ng mga stuffed toys. Baka may makakita. Nakakahiya. Tinanggal ko ang mga kamay ni Felix sa aking pisngi tapos ay lumayo ng kunti.

"Oo na cute kana." Sagot ko pagkatapos ay tumingin sa paligid. Mabuti nalang at walang ibang tao.

"Edi nakita mo rin." nakangiting sabi ni Felix

Nagpatuloy pa kami sa paghahanap ng magandang ibigay sa kapatid ni Felix hanggang sa makita ko ang isang Koala na stuffed toy.

"Kalen may nakita na akong maganda para sa kapatid ko. Ito oh." Sabi ni Felix sa akin sabay pakita ng isang bear na stuffed toy.

"Oo, maganda. Magugustuhan niya yan." Sabi ko

"Bibilhin ko na ito." sabi ni Felix.

"Felix, tingnan mo ito. Kamukha mo." Nakangiti kong sabi kay Felix habang pinapakita ang Koala na stuffed toy.

"Grabe ka naman. Mukha ba akong Koala?" sabi ni Felix sa akin

"Ang lambot. Sarap yakapin." Sabi ko sabay yakap sa laruang Koala.

"So, masarap pala akong yakapin?" tanong ni Felix sa akin.

Tiningnan ko si felix at sinabing ang "Itong stuffed toy ang tinutukoy ko na masarap yakapin hindi ikaw."

"Diba sabi mo kamukha ko yan?" tanong ni Felix sa akin

"Hindi na pala. Mas cute ito eh. Sige bayaran mo na yang hawak mong bear. Hintayin nalang kita sa labas." Sabi ko sabay balik ng koala na stuffed toy sa lagayan at lumabas na ng store.

Naghintay ako sa labas ng stuffed toy store. Ilang sandali pa ay lumabas na si Felix pero wala akong nakitang stuffed toy na bitbit.

"Nasaan na ang stuffed toy? Hindi mo binili?" tanong ko

"Binili pero iniwan ko nalang muna. Balikan ko nalang mamaya pag uuwi na tayo." Sagot ni Felix sa akin.

"Bakit? Hindi paba tayo uuwi?" tanong ko

"Uuwi? Ang aga pa kaya. Maglibot-libot muna tayo." Sabi ni Felix sa akin

"Sabagay. Sige. Maglibot-libot muna tayo." Sagot ko.

"Nga pala, may paraffle sa loob kanina. Dahil bumili ako ng stuffed toy pinabunot nila ako tapos may mga prizes." Sabi ni Felix sa akin

"Talaga? Anong nabunot mo?" tanong ko

"Eto, coupon for two bowls of Ramen daw ito." Sabi ni Felix sa akin sabay pakita ng coupon.

Tiningnan ko ang coupon "Ahhh alam ko tong RamenPH na ito. Nasa 3rd floor." Sabi ko

"So ano? Claim natin mamaya?" nakangiting tanong ni Felix sa akin.

"Sure! Ayos. May free lunch na tayo mamaya." Sabi ko.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon