CHAPTER 9

183 9 1
                                    

KALEN'S POV

"UMAGA NABA?" naitanong ko sa aking sarili habang nakapikit pa ang mga mata. May naririnig akong ingay mula sa labas. May parang naglalakd. Meron ding mga nagtatawanan. Minulat ko ang aking mata at ganun nalang ang pagkagulat ko sa aking nakita. AKO... nakayakap sa natutulog na si Felix habang nakapatong sa kanyang braso ang aking ulo. "ANONG NANGYARI? BAKIT GANITO ANG POSISYON KO?" sa isip ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay na nakayakap sa katawan ni Felix pati na ang aking ulo na nakapatong sa kanyang braso. Ayaw ko na magising siya at baka kung ano na naman ang isipin niya. Bumangon ako at lumabas na ng tent.

Nakita ko ang ilan sa mga kasamahan ko na nakapalibot sa isang lamesa at nagkukwentuhan. Sila siguro yung narinig ko kaninang nagtatawanan.

"Pres! Goodmorning. Kape tayo." Nakangiting sabi sa akin ni Anne.

Tiningnan ko ang aking wristwatch. Pasado alas-6 na ng umaga. Lumapit ako sa kanila. Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng kape.

"Nasaan na ang iba?" tanong ko

"Yung ibang volunteer ay nagluluto ng breakfast. Yung iba naman ay naglakad-lakad muna." Sagot ni Emma

"Anong oras pala ang alis natin mamaya pabalik ng Manila?" tanong ni Ryan

"Well, naipamigay naman na natin lahat ng mga school supplies at laruan sa mga bata kahapon. Siguro pwede na tayong umalis dito ng mga 10AM? What do you think pres?" sabi ni Anne

"Oo. Mga 10 kasi diba maglalakad pa tayo papunta sa kung nasaan ang bus natin. Mga isang oras din yun." Sagot ko

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng biglang sumigaw si Ryan ng "Felix?" sabay turo.

Nilingon namin ang tinuturo ni Ryan at nakita si Felix na nakatayo sa labas ng tent ko. Narinig din ata niya ang pagsigaw ni Ryan kaya nakatingin din siya sa amin.

"Bakit ka nandiyan? Bakit ka lumabas galing sa tent Kalen?" tanong ni Ryan.

Hindi sumagot si Felix. Tumalikod nalang ito at naglakad palayo.

"Anong nangyari doon? Wala na naman sa mood? Ang aga-aga." Sabi ni Ryan

"Hindi kapa ba sanay?" sabi ni Anne kay Ryan

"Pero bakit pala nasa tent mo siya?" tanong ni Ryan habang nakatingin sa akin.

"Ahhh kagabi kasi nakita ko siyang pakamot-kamot dahil sa lamok kaya inaya ko siyang sa tent nalang matulog. Baka kasi magkasakit pa." sagot ko

"Pero nakakabigla ha. Behave siya dito at kahapon nakakagulat na sumali siya sa game natin." Sabi ni Emma.

"Oo nga ano? Ano kayang nangyari at bigla siyang naging behave dito?" tanong ni Ryan

''Kung ano man yan, hayaan nalang natin basta ang importante eh hindi siya gumawa ng gulo." Sagot ni Anne.

Makaraan ang ilang sandali ay lumapit sa smin si Liz.

"Hi! Ready na ang breakfast. Let's eat?" sabi ni Liz

Pinatawag namin ang mga kasama naming naglakad-lakad para sabay-sabay na kaming magbreakfast. Sumabay din sa amin si Felix pero kumuha lang siya ng pagkain tapos ay naupong mag-isa sa tabi.

"Kalen try these scrambled eggs. Ako nagluto niyan." Malakas na sabi sa akin ni Liz sabay lagay ng ulam sa plato ko

"Bakit si Kalen lang ang nilalagyan mo ng sacrambled eggs?" sabi ni Ryan kay Liz

"Bakit gusto mo din?" tanongt ni Liz kay Ryan

"Oo naman." Nakangiting sagot ni Ryan

"Ayan oh marami pa. Kumuha ka." Sabi ni Liz sabay turo sa plato na may lamang scrambled eggs.

Nagtawanan ang mga nakarinig.

"Kalen, sige tikman mo. Masarap yan." Nakangiting sabi ni Liz sa akin

"Sige, titikman ko na." Sagot ko sabay tikim sa nilutong scrambled eggs ni Liz.

"Ano? Masarap ba?" tanong ni Liz.

"Oo masarap." Nakangiti kong sagot.

----

Pagkatapos magbreakfast ay nagsipaghanda na kami para umuwi. Nasa loob ako ng tent. Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay may nakita akong wallet – hindi sa akin. Binuksan ko ito para malaman kong kanino at nakita ko ang isang litrato. May bata pero kahit na bata pa ay makikilala mo na agad kung sino. Si Felix. Siya ang bata na nasa litrato. Sa kanya ang wallet na ito at siguro nahulog niya ng matulog siya dito. May isa pang tao na nasa litrato. Isang babae. Nakayakap siya sa batang si Felix. Napaisip ako kung sino ang babaeng nasa picture. Hindi naman siya ang mama ni Felix. Kilala ko kasi ang mama niya. Si Mrs. Alicia Hendrix na asawa ni Mr. Victor Hendrix ang nag-iisang anak ni chairman Rodolfo Hendrix.

Biglang bumukas ang tent ko at nakita si Felix. Napatingin siya sa hawak kong wallet.

"Bakit mo pinapakialaman yan?" sabi ni Felix sa akin sabay hablot ng wallet na hawak ko.

"Sorr...." Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang umalis si Felix dala ang kanyang wallet.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon