CHAPTER 15

189 7 0
                                    

KALEN'S POV

Napapansin ko na medyo nahihiya si Felix habang kumakain ng dinner kasama ako at ang parents ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Pero aaminin ko, cute pala siya kapag nahihiya.

"Kain lang ng kain hijo. Huwag kang mahiya." Sabi ni mama kay Felix na nakaupo katabi ko.

"Sige po." Sagot ni Felix.

"Ngayon lang kita nakita ng ganito. Ang cute mo pala kapag nahihiya." Nakangiting asar na pabulong ko kay Felix

"So, cute ako?" Pabulong na tanong ni Felix sa akin.

"Sabi ko kapag nahihiya." Sagot ko.

"Kapag nahihiya lang?" tanong ni Felix sa akin

"Ewan ko saiyo." Sabi ko

"Ano nga. Cute ba ko o hindi?" pabulong na tanong ulit sa akin ni Felix.

Tiningnan ko si Felix. Hindi ako sumagot pero gusto ko sanang sabihin na "OO CUTE KA!" Pinipigilan ko lang talagang lumabas sa bibig ko.

"Anong pinagbubulungan niyo dyan? Kumain na kayo." Sabi sa amin ni mama.

"So, Felix, ano nga pala ang kurso mo?" tanong ni papa kay Felix.

"Business Administration po." Sagot ni Felix

"Wow! Anong year kana?" Dagdag na tanong ni papa

Tumingin si Felix sa akin bago sumagot ng "3rd year po."

"Pa, kasama din pala namin si Felix ng pumunta kami ng Quezon Province." Singit na sabi ko. Baka kasi mapunta ang usapan sa pagkabalik ni Felix sa 3rd year college dahil hindi siya nakapasa noong una. Baka mailing lang siya.

"Talaga? Kumusta naman Felix?" tanong ni mama

"Ayos naman po. Masaya." Sagot ni Felix.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin habang kumakain. Halos kami nila mama at papa lang ang nagsasalita. Wala masyadong kwento si Felix tungkol sa kanya o sa pamilya niya.

----

Pagkatapos mag-dinner ay uuwi na sana kami pero habang naglalakad papunta ng mall exit ay may naalala si mama. May bibilhin pa pala dapat siya sa department store.

"Bukas pa kaya ang department store ngayon?" tanong ni mama

"Oo ma. Bukas pa yun." Sagot ko.

"Sige. Pupunta lang muna ako saglit." Sabi ni mama

"Sasamahan ko lang ang mama mo. Hintayin mo nalang kami dito." Sabi sa sakin ni papa.

"Felix, mag-ingat ka sa pag-uwi ha." Sabi ni mama kay Felix

"Opo. Salamat po sa dinner." Sagot ni Felix.

Umalis na sila mama at papa para pumunta sa department store. Naiwan ako kasama si Felix.

"Baka gusto mong maunang umuwi?" sabi ko kay Felix.

"Maya-maya nalang. Samahan muna kita dito." Sagot ni Felix sa akin.

Napatingin ako kay Felix. Parang iba siya ngayon. Parang hindi siya ang Felix na nakilala ko. Parang ang bait niya ngayon. May sakit ba siya? Lumapit ako sa kanya at nilagay ang aking palad sa kanyang ulo.

"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Felix sa akin

"Hindi ka naman mainit. Ano bang nagyayari saiyo?" tanong ko sa kanya

"Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Felix sa akin

"Ang weird mo kasi ngayon. Bakit parang ang bait mo? Ang galang mo kanina kina mama at papa tapos napansin ko na nahihiya ka. Parang hindi lang ako sanay." Sabi ko kay Felix.

Hindi na nagsalita si Felix. Tahimik lang kaming nakatayo ng biglag may batang babaeng sumigaw ng.

"Kuya!" sabay lapit kay Felix.

"Eunice! Baby" nakangiting sabi ni Felix sabay yakap at karga sa batang babae.

"Kuya, I miss you. Kelan ka balik sa house?" tanong ng batang babae

"Soon baby. Sinong kasama mo dito?" tanong ni Felix

"Si mommy. Kuya malapit na birthday ko. Ang gift ko ha." Nakangiting sabi ng bata

"Syempre naman. Makakalimutan ba ni kuya iyon." sagot ni Felix.

Napansin ko ang paglapit ng isang babae. Namukhaan ko agad ito. Siya si Mrs. Alicia Hendrix. Ang mama ni Felix.

"Eunice let's go. Uuwi na tayo" Sabi ni Mrs. Alicia sa batang babae.

Binababa ni Felix ang bata.

"Sige na baby. Uwi nadaw kayo." Sabi ni Felix sa bata.

"Okay kuya. Bye." Paalam ng bata kay Felix.

Bago umalis, tumingin muna si Mrs. Alicia kay Felix.

"Huwag kang mawawala sa birthday ng kapatid mo. Baka umiyak yan kapag hindi ka nakita." Sabi ni Mrs. Alicia pagkatapos ay umalis na.

"Kapatid mo? Ang cute." Sabi ko kay Felix.

"Syempre nagmana sa kuya." Nakangiting sagot ni Felix

"Talaga lang ha." Sabi ko

"Birthday niya next week. 6th birthday. Kaya ako nasa toy store kanina para bumili ng pangregalo kaso ang hirap pala pumili. Hindi kasi ako sanay bumili ng pangregalo." Sabi ni Felix.

"Gusto mo samahan kitang bumili?" sabi ko

"Talaga?" tanong ni Felix sa akin

"Oo naman. May pamangkin kasi ako. Anak ng ate ko. Babae din. Kaya medyo sanay akong pumuli ng regalo" nakangiti kong sabi.

"Okay. Sa sabado? Free kaba? Sasamahan mo ako?" tanong ni Felix sa akin

"Sige ba. Wala naman akong klase ng sabado." Sagot ko

Kinuha ni Felix ang kanyang cellphone tapos inabot sa akin.

"Ano yan?" tanong ko

"Lagay mo ang number mo. Paano kita maco-contact sa sabado eh hindi ko alam number mo." Sagot ni Felix.

Kinuha ko ang cellphone ni Felix at nilagay ang number ko tapos binalik ko ulit sa kanya. Narinig ko nalang na may mag missed call sa cellphone ko.

"Ako yan. Save mo nalang din number ko." sabi ni Felix sa akin.

"Okay." Sagot ko.

"Pagnamimiss mo ako, magtext kalang o tumawag. Pero minsan baka busy ako hindi ko agad masagot." Nakangiting sabi sa akin ni Felix.

"Asa ka. Bakit naman kita mamimiss? Hindi mangyayari yun." Sagot ko

"Sigurado ka? Hindi mo ako mamimiss?" tanong ni Felix sa akin

"Ewan ko saiyo." Sagot ko.

Naalala ko bigla. May tinanong ang kapatid ni Felix sa kanya kanina. Kung kailan daw ito babalik sa bahay nila. Ibig sabihin hindi nakatira si Felix sa kanila? At bakit hindi na sumabay si Felix sa mama at kapatid niya pag-uwi kanina?

"Felix, may itatanong sana ako. Bakit ka tinanong ng kapatid mo kanina kung kalian ka babalik ng bahay ninyo? Hindi kaba sa kanila nakatira?" Tanong ko

Tumingin si Felix sa akin.

"Ahhh yun? Huwag mo nalang pansinin yun. Sige, uwi na ako. Pakisabi nalang ulit sa parents mo na salamat sa dinner." Sabi ni Felix sa akin sabay dali-daling umalis.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon