CHAPTER 50

108 2 0
                                    

KALEN'S POV

Gabi – Nakahiga ako sa kama at umiiyak. Sobra akong nasasaktan dahil sa ginawa kong pakikipaghiwalay kay Felix.

Narinig kong may ilang beses na nagdoorbell tapos ay narinig ko nalang na sumigaw si papa ng "Anong ginagawa mo dito?"

Mula sa bintana ng aking kwarto ay sinilip ko ang gate at nakita si Felix. Dali-dali akong lumabas at naabutan si papa na pinapaalis si Felix.

"Pa, ako nalang po ang bahala dito." Sabi ko kay papa. Nag-aalala ako na baka atakehin na naman siya.

"Hindi. Ikaw ang pumasok sa loob." Sagot ni papa

"Pa, please... Huli na ito." Pakiusap ko kay papa

"Paalisin mo yang lalaking iyan." Sabi ni papa sabay pasok sa loob ng bahay.

Tumingin ako kay Felix.

"Umalis kana. Nakikiusap ako." sabi ko

"Kalen, mahal na mahal kita. Please huwag namang ganito. Kakayanin natin ito. Kakausapin ko ang parents mo." sabi ni Felix

"Felix, nakita mo naman diba? Galit ang papa ko. Ayaw kong bigyan pa siya at si mama ng sama ng loob." Sabi ko.

Tumulo ang mga luha ni Felix.

"Sigurado kaba? Pakakawalan mo ako? Hindi kaba magsisisi?" tanong ni Felix sa akin

Hindi ko na mapigilan at tumulo na ang aking mga luha.

"Felix, mahal kita at alam kong pagsisisihan ko ito pero mas pagsisisihan ko kung may mangyaring masama kay papa o kay mama dahil sa sama ng loob." Sagot ko

"Kalen, huwag mong gawin ito. Nakikiusap ako. Mahal na mahal kita." Umiiyak na sabi ni Felix

"Umuwi kana. I'm sorry." Sabi ko sabay lakad pabalik sa loob ng bahay.

Agad kong sinarado ang pinto. Napatingin ako kina mama at papa na nakaupo sa may sala. Pinigil kong umiyak sa harap nila. Dali-dali akong pumasok sa aking kwarto at doon ako ay humagolgol. Ang sakit-sakit.

----

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na nakikita si Felix sa campus.

Nakaupo ako sa loob ng SB office ng patakbong pumasok si Ryan.

"Pres! Pinapapunta ka sa office ng chairman." Hingal na sabi ni Ryan.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi kumibo si Ryan at nakatingin lang sa akin.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ko

"Pres, si Felix. Ilang araw nadaw siyang nawawala. Gusto kang makausap ng chairman baka daw may idea ka kung nasaan siya." Sagot sa akin ni Ryan.

Nagulat ako sa balitang iyon. Agad akong pumunta sa office ng lolo ni Felix. Naabutan ko din doon ang papa niya.

"Nawawala daw po si Felix?" tanong ko

"Oo. Ilang araw na namin siyang hindi makontak. Pumunta din kami sa inuupahan niyang apartment. Ang sabi ng mga kapitbahay ay ilang araw nadaw walang tao doon. Hindi na namin alam kung saan maghahanap. Naireport narin namin ito sa pulis. Kalen may idea kaba kung saan siya maaaring pumunta?" sabi ng papa ni Felix.

"Wala po. Hindi ko narin po siya nakakausap simula ng..." Hindi ko itinuloy ang aking sasabihin.

"Simula ng ano?" tanong ng papa ni Felix.

"Simula ng sinabi ko sa kanya na itigil na namin kung ano mang relasyon meron kami." Sagot ko.

Napatingin sa akin ang papa ni Felix.

"Huwag kanang masyadong mag-alala." Narinig kong sabi ni chairman sa anak nitong si Mr. Victor.

"Huwag mag-alala? Anak ko ang nawawala. Apo mo ang nawawala. Tapos sasabihin mong huwag mag-alala?" sabi ni Mr. Victor kay chairman.

Hindi nakakibo si chairman.

Narinig nalang namin na tumunog ang cellphone ni Mr. Victor at sinagot niya ito. Pagkatapos ng kanilang usapan ay napatingin ang papa ni Felix sa amin ni chairman.

"Sino ang tumawag?" tanong ni chairman

"Yung pulis na naka-assign sa paghahanap kay Felix." Sagot ng papa ni Felix

"Anong sabi?" tanong ni chairman

Napansin kong parang maiiyak ang papa ni Felix.

"May nakita daw silang bangkay na nakalutang sa Manila Bay. Sunog yung kalahati ng mukha. Gusto nilang ipaverify sa atin at baka daw...." Huminga ng malalim si Mr. Victor bago sinabi ang "Baka daw si Felix iyon."

Nagulat at nanghina ako. Hindi pwedeng si Felix yun.

"Pwede po ba akong sumama?" tanong ko sa kanila.

----

Sumama ako kina Mr. Victor at chairman papunta sa punerarya. Pagdating doon ay dinala kami sa harap ng isang body bag. Nasa loob daw nito ang bangkay.

Kinakabahan ako at parang maiiyak. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

Binuksan ng pulis ang body bag hanggang sa makita na namin ang mukha ng bangkay. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon