FELIX'S POV
(Nangyari ito kasabay ng chapter 13)
Andito na ulit ako ngayon sa university after ng 2 days na hindi ako pumasok. Tumanggap kasi ako ng extra na trabaho. Kailangan ko ng pera pambili ng regalo para sa kapatid kong si Eunice.
Naglalakad ako sa hallway ng Business Administration building ng may makitang nagpangiti sa akin. Nakita ko si Kalen. Ano kayang ginagawa niya dito sa building namin? Posible kayang hinahanap niya ako?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa nakatalikod na si Kalen
Humarap si kalen sa akin pero hindi nagsalita. Para siyang nagulat.
"Anong ginagawa mo dito?" ulit na tanong ko
"Huh? Wala naman. Bakit bawal ba akong pumunta dito?" sagot niya sa akin
"Hindi naman. Pero bakit ka nga nandito? Imposible namang napadpad ka nalang bigla dito sa building namin diba? For sure may kailangan ka dito." Sabi ko. Gusto ko sanang marining mula sa kanya na kaya siya nandito ay dahil sa hinahanap niya ako.
"Wala nga!" sabi niya
Dahan-dahan akong lumapit kay Kalen tapos ay bumulong "Sigurado kang wala? Baka naman hinahanap mo ako.""
"Masaya ka! Bakit naman kita hahanapin?" sabi ni Kalen sabay palayo sa akin.
"Okay, sabi mo eh." Sabay talikod at naglakad
"Bakit pala wala ka ng dalawang araw?" narinig ko na tanong ni Kalen sa akin.
Huminto ako sa paglakad at humarap sa kanya.
"Bakit mo tinatanong? Namiss mo ako?" tanong ko sabay ngiti.
"Hindi ah! Hindi kita namiss. Ano kasi... ano... nag-alala saiyo ang mga instructors mo." sagot ni Kalen.
Hindi na ako nagsalita. Ngumiti lang ako sa kanya tapos ay tumalikod na at umalis.
Habang naglalakad, may biglang tumawag sa akin.
"Felix!"
Tiningnan ko ito at nakita si Aira na patakbong lumapit sa akin.
"Mabuti naman at nandito kana. 2 days kitang hindi nakita. Nag-alala tuloy ako. Ano bang nangyari saiyo?" tanong ni Aira.
"May inasikaso lang ako." sagot ko.
"Ahhh ganun ba? Kumain kana ba? Gusto mong pumunta ng canteen?" tanong ni Aira sa akin
"Oo tapos na akong kumain." Sagot ko
"Ayyy sayang naman. Hmmm... Felix, busy kaba mamayang gabi? Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Aira
"Naku! Hindi ako pwede eh. May lakad ako." sagot ko
"Saan? Gusto mo samahan kita? Free ako mamaya."
"Naku! Huwag na. Sige mauna na ako. May klase pa ako eh" sabi ko sabay nagmadaling umalis.
Totoong may lakad ako mamaya after ng klase ko sa hapon. Maghahanap ako ng regalo para sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...