CHAPTER 27

147 6 0
                                    

FELIX'S POV

(nangyari ito kinagabihan pagkatapos sabihin ni Kalen kay Felix na pinapasama siya ng lolo niya sa outreach program)

Nasa trabaho ako ngayon. Dishwasher ako sa isang restaurant mula lunes hanggang biyernes ng gabi pagkatapos ng aking klase. At food delivery naman tuwing sabado. Inilalaan ko ang aking linggo sa pahinga.

Habang naghuhugas ng plato, hindi ko mapigilang isipin ang sinabi sa akin ni Kalen kanina. Pinapasama daw ako ni lolo sa outreach program ng SB organization.

Actually, sasama na sana ako kayalang noong sinabi ni Kalen na utos daw iyon ni lolo ay nawalan na ako ng gana.

"Natutulala ka na naman." Sabi ng isang kasama ko na waiter sabay lagay ng mga pinagkainang plato sa aking harapan.

"Felix! Bilisan mo nga diyan. Natatambakan kana ng mga hugasin oh." Sabi sa akin ng lalake kong manager.

----

Pasado alas-12 ng madaling araw na ako nakauwi sa aking apartment. Pagkapasok ay agad akong humilata sa kama. Nakakapagod.

Habang nakahiga, naalala ko na magbibirthday na pala ang kapatid kong si Eunice. Kailangan kong bumili ng regalo.

Tumayo ako at kinuha ang wallet na nasa aking backpack at binuksan. Tiningnan ko ang natitira kong pera pero hindi na ito kakasya para sa regalo.

Naisaip ko na tama lang na hindi ako sumama sa outreach program. Sabado at linggo sila doon. Magtatrabaho nalang ako sa mga araw na iyon para makapag-ipon ng pambili ng regalo. Siguro isasakripisyo ko nalang ang pahinga ko ng linggo.

KINABUKASAN

(Nangyari ito same day ng Chapter 5)

"Pabili ng isang okinawa" sabi ko sa babaeng tindera ng miltea station sa aming school canteen.

"Okay isang okinawa." Nakangiting sabi ng tindera. "Felix, maupo ka nalang muna. Tatawagin nalang kita" dagdag niya.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan. Hindi katagalan ay nakita ko si Kalen na pumunta sa milktea station. Bibili din siguro siya. Pagkatapos umorder ay pumunta siya sa isang bakanteng upuan hindi kalayuan sa akin at naupo. May lumapit sa kanyang dalawang babae. Hindi ko marining kong ano ang pinag-uusapan nila.

Pagkaalis ng dalawang babaeng kausap ni Kalen ay saktong sumigaw ang tindera sa milktea station.

"OKINAWA!"

Tumayo ako para kunin ang milktea ko pero hindi paman ako nakakarating ay naunahan na ako ni Kalen. Bigla niyang kinuha ang milktea na nasa counter. Nilagyan ito ng straw tapos ay ininom. Bigla siyang nagulat ng makita ako. Hindi niya siguro napansin na nakatayo ako sa kanyang tabi. Napatingin ako sa milktea na hawak niya at nakitang pangalan ko ang nakasulat doon. Sa akin pala dapat ang miltea na iniinom niya ngayon.

"Oh? Bakit ka nakatingin? Sasabihin mo nabang sasama kana sa sabado?" tanong niya sa akin

Napangiti ako sabay sabi ng "Talagang may feelings ka sa akin ano? Kaya kahit pangalan ko, gusto mong angkinin."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Kalen

Kinuha ko ang hawak niyang milktea tapos pinakita sa kanya ang pangalan na nakasulat – FELIX.

Kinuha ni Kalen sa akin ang milktea sabay sabi ng "Yung akin nalang kunin mo. Parehas lang namang okinawa ito."

Sa isip ko, okay lang naman na magshare kami ng straw.

Tumalikod na si Kalen at umalis.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon