FELIX'S POV
Ilang araw narin ang nakalipas ng maging kami ni Kalen at sa bawat araw na magkasama kami ay mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo ko siyang minamahal. Nakakatuwa din kasi suportado kami ng kanyang mga kaibigan na sina Anne, Ryan at Emma. Silang tatlo lang ang tanging nakakalam ng relasyon naming dalawa. Swerte si Kalen na may kaibigan siyang kagaya nilang tatlo.
Hindi ko maiwasang isipin ang dati kong mga kaibigan na sina Jeric at Allen. Matagal ko na silang hindi kinakausap. Nagkakasalubong kami minsan pero hindi ko sila pinapansin. Kumusta na kaya sila? Kahit minsan mga pasaway ang mga iyon eh mababait naman.
----
Nasa school canteen ako at magmemeryenda. Pagkabili ng pagkain ay naghanap ako ng bakanteng upuan. May nakita ako sa table kung nasaan sina Jeric at Allen. Siguro oras na para kausapin ko na sila. Dapat nga hindi ko yun ginawa sa kanila – ang biglang umiwas. Ewan, kinain na siguro ako ng galit kaya halos lahat ng malapit sa akin ay nilayuan ko.
"Pwede ba akong maupo dito?" tanong ko kina Jeric at Allen sabay turo sa bakanteng upuan.
Nagkatingin ang dalawa.
"Reserved naman talaga yan para saiyo. Ikaw lang hinihintay naming lumapit." Nakangiting sabi ni Jeric.
Ngumiti ako tapos ay umupo.
"Kumusta kana? Ano ba ang nagyari saiyo?" tanong sa akin ni Allen
Sinsabi ko kina Jeric at Allen ang lahat ng nangyari sa akin maliban yung tungkol sa amin ni Kalen. Ayaw ni Kalen na may ibang makakaalam sa relasyon namin maliban kina Anne, Ryan at Emma. Nirerespeto ko iyon at alam ko darating ang oras masasabi ko rin kina Jeric at Allen ang tungkol doon pero hindi pa ngayon.
"Bro, grabeh pala ang nangyari saiyo. Kaya ka pala biglang nagbago." Sabi ni Allen pagkatapos kong magkwento.
"Pero sana naman hindi mo kami iniwasan. Magkakaibigan tayo. Lagi naman kaming nandito para saiyo." Sabi ni Jeric.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan ng bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay mama Alicia. Dinala daw nila sa Hospital si Eunice.
Dali-dali akong nagtungo sa hospital.
Sabi ni mama Alicia ay may dengue daw si Eunice pero okay naman na daw siya at kailangan lang muna maconfine ng ilang araw.
-----
Nakaupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Eunice. Natutulog siya at ako lang ang bantay niya. Biglang bumukas ang pinto ng kwato. Tiningnan ko at nakita si mama Alicia.
"Felix, pwede kanang bumalik sa university. Ako nalang ang magbabantay kay Eunice." Sabi ni mama Alicia.
"Maya-maya nalang." Sagot ko.
Naupo si mama Alicia sa bakanteng upuan s aaking tabi.
"Felix salamat. Salamat dahil mahal na mahal mo si Eunice." Sabi ni mama Alicia
Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa natutulog kong kapatid.
"Felix, sorry. Sorry dahil hindi kita naalagaan. Sorry dahil hindi ko naibigay saiyo ang pagmamahal ng isang ina" sabi ni mama Alicia.
"Hindi mo naman kailangan gawin iyon. Alam naman natin na hindi ikaw ang ina ko." sabi ko
"Oo pero sana man lang noong mga panahon na umiiyak ka, yung mga panahon na nangungulila ka sa iyong ina, sana kinomfort kita. Sana naging pangalawang ina ako saiyo. Pero hindi ko ginawa." Sabi ni mama Alicia.
"Bakit mo ngaba hindi mo ginawa?" tanong ko
"Dahil insecure ako. Kasi anak ka ng asawa ko sa babaeng una niyang minahal. Natatakot ako na baka maagaw mo lahat ng atensiyon ni Victor. Sorry naging madamot ako. Nagdamot ako ng pagmamahal saiyo."
Tiningnan ko si mama Alicia at nakitang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Sana hindi pa huli. Alam kong hindi ko mapapalitan ang tunay mong ina pero sana mapunuan ko ang pangngulila mo sa kanya." Dagdag ni mama Alicia
Hindi ko na mapigilan at tumulo narin ang aking mga luha. Totoo, nangungulila ako sa aking ina.
Niyakap ako ni mama Alicia. Hindi ko maintindihan pero ang sarap sa pakiramdam. Para akong yakap ng tunay kong ina.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...