FELIX'S POV
Ipinanganak ako sa isang maliit na barangay sa probinsya ng Bukidnon. Kahit mahirap, masaya ako kasama ang aking ina.
Naaalala ko dati na kapag malungkot ako ay simpleng bagay lang ang nakakapagpasaya sa akin. Ang origaming papel na gawa ng aking ina. Amaze na amaze ako dati sa ganoon. Galing na galing ako kapag nakakagawa ang aking ina ng origami.
10 years old ako ng may isang lalakeng hindi ko kilala ang pumunta sa amin. Sabi ni mama, siya daw si Victor Hendrix. Ang aking ama.
Gusto akong kunin ng aking ama para sumama sa Manila. Gusto niyang siya nalang daw ang magpaaral sa akin. Labag man sa kanyang loob ay pumayag narin ang aking ina. Pumayag siya para sa ikakaganda ng aking kinabukasan. Alam kasi ng aking ina na mahihirapan lang ako kung mananatili ako sa kanya. Hindi ko maintintihan ng mga oras na iyon kung bakit ako lang ang gustong kunin ni papa at hindi kasama si nanay. Hanggang sa makarating ako ng Manila. Doon ko nalaman na may iba na palang asawa si papa at yun ay si Mama Alicia.
Matagal nadin silang mag-asawa pero hirap magkaanak - kaya siguro andito ako.
Simula ng nagpuntra ako ng Manila, hindi ko na nakakausap ang aking tunay na ina. Sabi nila papa at lolo, makikita ko rin si nanay basta mag-aral lang akong mabuti. Basta maging mabait lang daw ako. Wala akong magawa. Pahilim nalang akong umiiyak sa tuwing nami-miss ko si nanay at hinahawakan ang sinabi nila papa at lolo na makikita ko rin si nanay kapag nag-aral akong mabuti.
Nagsikap ako sa pag-aaral. Sinikap ko din na ituring si mama Alicia na pangalawang ina ko pero nararamdaman kong hindi niya ako gusto. Hindi ko makuha sa kanya ang pagmamahal ng isang ina. Siguro dahil hindi naman talaga niya ako tunay na anak.
Lumipas ang mga taon. Nabiyayaan sina papa at mama Alicia ng sanggol. Iyon ay si Eunice. Mahal na mahal ko si Eunice kahit na sa ama lang kami magkapatid.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...