CHAPTER 54 - Final

201 6 2
                                    

KALEN'S POV

Pagkadating sa university ay agad kong hinanap si Felix. Una akong pumunta sa Business Ad building pero hindi ko siya makita sa mga classrooms. Hinanap ko din siya sa rooftop pero wala. Pumunta din ako sa canteen, sa library at kung saan-saan. Halos nalibot ko na ang buong university sa paghahanap pero hindi ko siya makita.

Naglalakad ako sa hallway ng mapatingin ako sa mga speakers na ginagamit para sa campus broadcasting at doon nakaisip ako ng paraan.

Patakbo akong pumunta sa broadcasting room. Gagamitin ko ito para hanapin at tawagin si Felix. Wala na akong pakialam kung marinig man ng buong campus. Alam naman din na nila ang tungkol sa amin dahil sa video. Basta desperado na talaga akong makita ang mahal ko. Hindi na ako makapaghintay pa.

"Felix, si Kalen ito. Nasaan kana? Sorry dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang nararamdaman ko para saiyo. Sorry dahil natakot ako. Please... bigyan mo naman ako ng chance na maipadama saiyo kung gaano talaga kita kamahal. Felix, magkita tayo sa harap ng school library. Maghihintay ako doon." Sabi ko

FELIX'S POV

Nasa office ako ngayon ng aking lolo. Pinatawag niya ako dahil sa gusto daw niya akong makausap. Humingi siya sa akin ng tawad dahil sa mga ginawa niya. Alam kong hindi madali pero susubukan kong ibigay sa kanya ang hinihingi niyang kapatawaran. Gusto din niyang bumalik na sana ako sa bahay nila pero hindi ako pumayag. Gusto ko kasing maging independent. Ayaw kong umasa sa kanila. Naintindihan naman niya iyon basta daw kapag may kailangan ako ay lumapit lang ako sa kanya.

Nag-uusap kami ni lolo ng marinig ko ang broadcast ni Kalen. Aaminin ko, kinilig ako sa ginawa niyang iyon.

"Mukhang may nakamiss saiyo ng sobra. Puntahan mo na at baka magbroadcast ulit siya." Nakangiting sabi sa akin ni lolo.

Agad akong lumabas sa office niya at patakbong pumunta sa library. Pagkadating ay nakita ko si Kalen na nakatayo sa labas. Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Naglakad din siya papunta sa akin at ng mag-abot kami ay bigla nalang niya akong sinampal.

"Ano yun?" gulat na tanong ko sabay hawak sa aking pisngi.

Nakita kong tumulo ang mga luha ni Kalen.

"Saan kaba pumunta? Bakit ka biglang nawala? Sobra akong nag-alala saiyo." Sabi ni Kalen sa akin habang umiiyak.

"Sorry. Huwag kanang umiiyak. Nandito na ako" sabi ko sabay punas ng luha ni Kalen gamit ang aking kamay.

"Sorry din." Sabi ni Kalen

"Namiss ko ba ako?" tanong ko habang nakangiti

"Hindi paba obvious?" tanong ni Kalen sa akin

"Grabe ka naman pala maka-miss. Nananakit. Sakit ng samapl mo ha." Sabi ko

"Talaga at kapag umalis ka ulit ng hindi nagsasabi ay hindi lang sampal ang ibibigay ko saiyo. Kaya huwag mo na ulit akong iiwan ng ganon." Sabi ni Kalen sa akin

"Hindi na. Promise" sagot ko.

Biglang hinawakan ni Kalen ang kuwelyo ng aking damit. Dahil mas matangkad ako sa kanya ay hinila niya ako payuko para makalapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Hahalikan na sana niya ako ng mapansin kong maraming tao ang nakapalibot sa amin. Nakita ko rin ang aming mga kaibigan na nakatingin.

"Sigurado kabang hahalikan mo ako dito? Tumingin ka sa paligid mo." sabi ko kay Kalen.

Tumingin sa paligid si Kalen at nakita ko sa kanyang mukha na nagulat siya sa dami ng estudyanteng nanonood sa amin.

"Hala! Bakit ang daming estudyante?" tanong ni Kalen.

Binatukan ko si Kalen ng mahina sabay sabi ng "Nakalimutan mo nabang nagbroadcast ka kanina? Syempre napakinggan yun ng lahat dito sa campus. Siguro kaya sila nandito para makita tayo." Sabi ko

Napansin kong napaisip si Kalen.

"Ano? Hahalikan mo parin ba ako? Baka may magvideo tapos ay iupload ulit. Okay lang ba sayo?" Sabi ko

"Edi iupload nila. Bahala sila." Nakangiting sabi ni Kalen

"Kaso nahihiya ako." sabi ko

Hindi kumibo si Kalen.

"Cute ba?" tanong ko

"Ang alin?" balik na tanong sa akin ni Kalen

"Diba sabi mo sa akin dati cute ako kapag nahihiya?" nakangiti kong sabi

"Ewan ko saiyo." Sabi ni Kalen sabay talikod.

Aalis na sana si Kalen. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay hila paharap sa akin.

"Kalen, I love you." Sabi ko sabay halik sa mga labi ni Kalen.

Narinig kong nagpalakpakan at naghiyawan ang mga nakapaligid sa amin habang kami ni Kalen ay naghahalikan.

Wala na kaming pakialam kung may iba mang nag-iisip na mali ang relasyon namin basta ang mahalaga ay masaya kami, tanggap na kami ng mga pamilya namin at alam naming mahal namin ang isa't-isa.

THE END

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon