FELIX'S POV
Dati, kapag tinatanong ako kung bakit wala pa akong girlfriend ang lagi kong sinasabi ay wala pang babaeng nakakakuha ng aking atensyon. Hindi ko alam kung bakit pero wala pa akong nagugustuhan. Ngayon alam ko na dahil hindi pala sa isang babae titibok ng ganito ang aking puso. Hindi pala isang babae ang makakakuha ng aking atensyon. Hindi babae kundi si Kalen.
Simula ng makilala ko si Kalen sa library ay hindi na siya mawala sa aking isipan. Sa tuwing nakikita ko siya ay lagi akong kinakabahan. Nakakausap ko naman siya paminsaminsan pero hindi talaga kami naging malapit na magkaibigan.
Ilang beses ko ring gustong ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman pero lagi akong natatakot at kinakabahan. Kaya ganito, nakokontento nalang ako sa pasulyap-sulyap sa kanya.
----
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa naging 3rd year College na kami. Mas lalong lumalalim ang aking nararamdaman para kay Kalen. Hindi ko na talaga kaya. Baka isang araw sumabog na ako. Siguro panahon na para magtapat na ako sa kanya.
Nasa loob ako ng aking kwarto. Nag-iisip. Papaano ko ba sasabihin kay Kalen na gusto ko siya? Face to face? Baka bigla akong maunahan ng takot at hindi ko rin masabi. Paano kung isulat ko nalang – love letter? Baduy pero pwede. Sige isususlat ko nalanag sa kanya ang mga gusto kong sabihin.
Kumuha ako ng papel at ballpen. Nagsimula akong magsulat pero hindi paman natatapos ang unang sentence ay biglang nawalan nang tinta ang aking ballpen. Naghanap ako ng extra pen sa aking bag pero wala. Pati sa drawer ko o kahit saan sa kwarto ay wala akong makita.
Pumunta ako sa study room ni lolo - Oo nakatira kami sa bahay ng lolo ko. Naghanap ako ng ballpen sa kanyang drawer. Sa paghahanap ko ay may nakita akong bukas na envelop. Sulat ata ito at naka address sa akin. Galing kay Lorna Daig – hindi ko kilala. Tiningnan ko ang petsa at nakitang 3 months ago pa pala ito. Pero bakit ito nandito? Binasa ko ang sulat na nasa loob ng envelop. Si Lorna pala ay kapitbahay ng nanay ko sa Bukidnon. Sumulat siya para ibalita sa akin na may sakit daw ang nanay ko at malubha na ito. Gustong-gusto na daw niya akong makita.
Bigla akong kinabahan. Bakit hindi binigay sa akin itong sulat? Bakit hindi nila ipinaalam sa akin ang kalagayan ng nanay ko?
Galit at dali-dali akong lumabas ng study hall dala ang sulat. Hinanap ko sila papa at lolo. Nakita ko sila sa may graden na nag-uusap. Lumapit ako nsa kanila.
"Bakit hindi ninyo ipinaalam sa akin ang tungkol dito?" Galit tanong ko habang ipinapakita sa kanila ang sulat
"Saan mo nakuha iyan?" tanong ni papa
"Sa drawer ni lolo. Ngayon sagutin ninyo ako. Bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang tungkol sa kalagayan ng nanay ko?"
"Bakit? Kailangan paba?" tanong ni lolo na mas lalong nagpagalit sa akin
"What? Tinatanong ninyo ako kung kailangan paba? Of course, yes! She's my mother!" Pasigaw na sabi ko
"Look son, ayaw lang namin na mag-alala ka. Baka maapektuhan ang pag-aaral mo." Sabi ni papa.
"Ang sama nyo. Ang sama-sama ninyo!" pasigaw na sabi ko dahil sa galit.
Lumapit sa akin si lolo tapos binigyan ako ng isang napakalakas na sampal.
"Wala kang galang!" sabi ni lolo
Patakbo akong umalis at bumalik ng aking kwarto. Kinuha ko ang aking backpack at nilagayan ng mga damit. Pupunta ako ng Bukidnon. Pupuntahan ko ang nanay.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...