FELIX'S POV
(Nangyari ito kasabay ng chapter 9)
Nagising ako dahil sa tilaok ng mga manok. Papaumaga na.
Napangiti ako ng mapansin si Kalen na parang batang nakayakap sa akin. Hinayaan ko lang siya.
Maya-maya ay gumalaw si Kalen. Aalisin na sana niya ang mga kamay niya na nakayakap sa akin pero pinigilan ko ito.
"Ganyan kalang" sabi ko sabay pigil sa kamay niya para hindi makawala sa pagkakayakap sa akin tapos ay inayos ko ang ulo niya sa aking braso. Sinilip ko siya. Tulog parin pala. Akala ko nagising kaya gumalaw.
Nasa ganoon lang kaming posisyon hanggang sa makatulog akong muli. Pagkagising ko ay wala na si Kalen sa aking tabi. Lumabas ako ng tent at narinig na may sumigaw ng pangalan ko.
Pagkatingin ko ay si Ryan pala kasama sina si Kalen at ang ibang SB officers.
"Bakit ka nandiyan? Bakit ka lumabas galing sa tent ni Kalen?" tanong ni Ryan sa akin
Hindi na ako sumagot. Tumalikod nalang ako at naglakad tapos ay naghanap ng outlet kung saan ako pwedeng magcharge ng cellphone.
----
During breakfast, kumuha lang ako ng pagkain tapos ay umupo na ulit sa isang tabi.
"Kalen try these scrambled eggs. Ako nagluto niyan." Narining ko na sabi ni Liz kay Kalen sa malakas na boses.
"Bakit si Kalen lang ang nilalagyan mo ng sacrambled eggs?" tanong ni Ryan
"Bakit gusto mo din?" tanong ni Liz kay Ryan
"Oo naman." Narinig kong sagot ni Ryan
"Ayan oh marami pa. Kumuha ka." Sabi ni Liz tapos ay nagtawanan na ang iba.
"Kalen, sige tikman mo. Masarap yan." Nakita kong nakangiting sabi ni Liz kay Kalen.
Nakaramdam na ako ng inis kay Liz. Masyadong papansin kay Kalen.
"Sige, titikman ko na." sabi ni Kalen saby subo ng scrambled eggs.
"Ano? Masarap ba?" tanong ni Liz
Habang nakatingin sa kanila, hinihiling ko na sana hindi masarapan si Kalen sa nilutong srambled eggs ni Liz.
"Oo masarap." Nakangiting sagot ni Kalen.
"Sus! Marunong din naman akong magluto ng scrambled egg. Pati boiled egg. Sunny side up din. Tsaka tortang talong. May itlog din yun." Mahinang sabi ko sa aking sarili.
----
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para sa pag-uwi.
Hinahalukay ko ang laman ng aking backpack. Nawawala kasi ang wallet ko na may picture namin ni nanay. Saan ko kaya nalagay iyon?
Pumunta ako sa tent ni Kalen at binuksan ito.
Nasa loob si Kalen at hawak ang wallet ko na nakabukas. Nakita niya kaya ang picture?
"Bakit mo pinapakialaman yan?" tanong ko sabay kuha ng wallet sa kanyang kamay at umalis.
Kinabahan ako. Akala ko nawala na ang litrato namin ni nanay.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...