KALEN'S POV
6:00PM – Nasa mall ako ngayon. Magkikita kami nila mama at papa para mag dinner out.
Wala pa sila kaya naglibot-libot na muna ako hanggang sa mapunta ako sa isang toy store. Pumasok ako sa loob at habang tumitingin sa mga laruan ay biglang tumunog ang aking cellpone. Si mama tumatawag.
"Hello ma. Nasaan na kayo?" tanong ko kay mama na nasa kabilang line.
"Papasok na kami ng papa mo sa mall. Ikaw nasaan kana?" tanong ni mama
"Andito po ako ngayon sa may toy store. Sa harap ng department store."
"Okay alam ko yan. Hintayin mo nalang kami ng papa mo dyan." Sabi ni mama
"Sige po." Sagot ko pagkatapos at binaba na ang phone.
Nagpatuloy ako sa pagtingin ng mga laruan ng aksidenteng may nabanggang tao.
"sorry." Sabi ko sabay nagulat ng makita kung sino ang nabangga ko. si Felix.
"Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Felix sa akin.
"Hala! Sinusundan? Hindi ko nga alam na nandito ka eh." Sagot ko
"So ano to? Destiny na nagkita tayo dito?" sabi ni Felix
"Baka nga ako ang sinusundan mo eh." Sabi ko sa kanya.
"You wish!" sagot ni Felix sabay tingin sa mga laruan.
"Anong ginagawa mo dito? Bibili ng laruan?" tanong ko
"Tumitingin lang. Saka pa bibilhin kung may magustuhan." Sagot ni Felix
"Para kanino?"
"Para sa anak ko." sagot ni Felix na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa sinabi nya.
"Seryoso? May anak kana?" gulat na tanong ko
Tumungin sa akin si Felix at ngumiti.
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Felix sa akin.
"Wala lang. Pero seryoso nga? May anak kana?" ulit na tanong ko
Lumapit si Felix sa akin tapos bumulong.
"Huwag kang mag-alala. Wala pa akong anak. Single pa ako." bulong niya sabay ngiti at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtingin ng mga laruan.
Bigla akong lihim na napangiti ng sabihin niya iyon. Hindi ko lang alam kung saan ako napangiti. Sa sinabi ba niyang wala siyang anak o sa single siya. Siguro both.
"Ikaw ba? Kung hindi mo ako sinusundan dito, eh anong ginagawa mo dito?" tanong ni Felix sa akin.
"Hindi naman talaga kita sinusundan. May kikitain lang ako dito." Sagot ko
Napatingin si Felix sa akin sabay tanong "Sino? Ka-date mo?"
"Oo. Ka-date ko." nangiti kong sagot. Totoo naman. Ka-date ko sila mama at papa.
"So, may pumayag na makipag-date sayo? Ano yun napilitan? Tinakot mo ano?" tanong ni Felix sa akin.
"Anong tinakot? Kahit hindi ko na takutin marami namang nakapila diyan na gusto akong maka-date." Sagot ko.
"Goodluck sa kanila. Goodluck diyan sa ka-date mo." Sabi ni Felix.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Felix.
Tiningnan lang ako ni Felix pero hindi sumagot.
"Kalen!" biglang narinig ko na tawag sa akin at ng tiningnan ko ay si mama pala kasama si papa. Lumapit sila sa akin.
"Felix, parents ko pala." Sabi ko kay Felix
"Goodevening po." Bati ni Felix sa parents ko.
"Goodevening din" sabay na sabi nina mama at papa.
"Pa, ma. Si Felix pala. Schoolmate ko. Felix Hendrix." Pakilala ko kay Felix sa parents ko.
"Hendrix?" tanong ni papa
"Oo pa. Lolo niya ang may ari ng university namin." Sabi ko.
"Oh! I see." Sabi ni papa
"Sila ba yung sinasabi mong ka-date mo?" mahinang tanong ni Felix sa akin.
"Yup!" nangiti kong sagot
"Bakit?" tanong ng mama ko
"Wala po ma. Sabi kasi ni Felix Goodluck daw sa inyo." Sagot ko
"Goodluck para saan?" tanong ni mama
"Wala po yun. Nabingi lang po si Kalen. Akala niya yun po ang sinabi ko." sagot ni Felix
"Anong nabingi? Diba sinabi mo kanina na goodluck sa ka-date ko?" sabi ko kay Felix
"Tumigil ka!" pabulong na sabi ni Felix sa akin.
"So, ano? Let's go?" sabi ni mama sa amin ni papa.
"Wait. Ikaw hijo, may gagawin kaba or may lakad kaba?" tanong ni papa kay Felix.
"Po? Wala naman po. Magpapalipas ng oras lang muna ako dito sa mall" sagot ni felix.
"Sumama kana sa amin na magdinner." Pagyaya ni papa kay Felix
"Oo nga naman. Tara join us." Sabi ni mama.
"Naku! Huwag na po. Nakakahiya. Baka makestorbo lang ako sa inyo." Sagot ni Felix.
"I insist!" sabi ni mama.
Tumingin si Felix sa akin. Aaminin ko, masaya ako sa idea na isasama si Felix sa amin mag dinner.
"Tara na. Tatanggihan mo ba ang parents ko?" sabi ko kay Felix
"Sige po." Sagot ni Felix.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...