CHAPTER 36

127 3 0
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 14 at 15)

6:00 PM – Nasa mall ako at naghahanap ng ipangreregalo sa kapatid kong si Eunice. Pumasok ako sa isang toy store. Habang tumitingin-tingin sa mga nakadisplay na laruan ay nakita ko si Kalen. Napaisip ako kung ano kaya ang ginagawa niya dito. Sinundan ba niya ako?

Lumapit ako sa kanya at kunwari ay nabangga ko siya.

"sorry." Sabi ni Kalen.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya

"Hala! Sinusundan? Hindi ko nga alam na nandito ka eh." Sagot ni Kalen sa akin

"So ano to? Destiny na nagkita tayo dito?" sabi ko

"Baka nga ako ang sinusundan mo eh." Sabi niya sa akin

"You wish!"

"Anong ginagawa mo dito? Bibili ng laruan?" tanong ni Kalen sa akin

"Tumitingin lang. Saka pa bibilhin kung may magustuhan." sagot ko

"Para kanino?"

"Para sa anak ko." pagsisinungaling na sagot ko

"Seryoso? May anak kana?" seryosong tanong sa akin ni Kalen.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti sabay tanong ng "Oh, bakit parang gulat na gulat ka?"

"Wala lang. Pero seryoso nga? May anak kana?" ulit ni Kalen

Lumapit ako kay Kalen tapos ay binulungan siya.

"Huwag kang mag-alala. Wala pa akong anak. Single pa ako." sabi ko sabay ngiti

Gusto ko sanang sabihin na single pa ako kasi hinihintay ko na ma-taken mo.

"Ikaw ba? Kung hindi mo ako sinusundan dito, eh anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman talaga kita sinusundan. May kikitain lang ako dito." Sagot ni Kalen

Napatingin ako sa kanya. Sino kaya ang kikitain niya? Si Liz ba?

"Sino? Ka-date mo?" tanong ko

"Oo. Ka-date ko." sagot ni Kalen na nagpalungkot sa akin.

"So, may pumayag na makipag-date sayo? Ano yun napilitan? Tinakot mo ano?" sabi ko

"Anong tinakot? Kahit hindi ko na takutin marami namang nakapila diyan na gusto akong maka-date." Sabi ni Kalen

"Goodluck sa kanila. Goodluck diyan sa ka-date mo." sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kalen sa akin pero hindi ko sinagot.

Ang ibig ko kasing sabihin ay goodluck sa magiging ka-date niya kasi sisiguraduhin kong hindi mapapasakanya si Kalen.

Maya-maya ay may dumating na lalake at babae. Sila ang mga magulang ni Kalen at sila pala ang tinutukoy niya na ka-date niya - nawala ang lungkot ko dahil doon. Mabuti nalang at hindi si Liz o kung sino man.

Niyaya nila akong sumama sa dinner. Sa una ay tumanggi ako dahil nahihiya ako at saka may trabaho pa ako na hindi ko na binanggit sa kanila pero hindi tinanggap ng parents ni Kalen ang pagtanggi ko at napasama talaga nila ako. Tumawag nalang ako sa trabaho at sinabing may emergency at hindi ako makakapasok.

Nahihiya man ay nag-enjoy ako sa dinner kasama ni Kalen at at mga magulang niya. Ang saya! Ngayon kilala ko na ang magiging future in-laws ko. Hahaha!

----

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta sa department store ang papa at mama ni Kalen. Habang hinihintay sila ay nakita ko ang kapatid kong si Eunice kasama si mama Alicia. Hindi na kami nakapag-usap ng mtagal ng kapatid ko dahil pauwi narin sila.

Nabanggit ko kay Kalen na kaya ako nasa toy store ay dahil sa naghahanap ako ng regalo. Malapit na kasi ang birthday ng kapatid ko. Nag-alok siya na sasamahan niya akong bumili sa sabado. Syempre pumayag ako. Bakit naman ako tatanggi eh parang date nadin namin iyon.

Ginamit ko narin ang opportunity na ito para makuha ang mobile number ni Kalen. Para mas madali ang communication namin sa sabado at syempre for personal reasons nadin.

----

SA BAHAY

Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama habang tinitingnan ang aking cellphone. Naghihintay at umaasang magtetext o tatawag sa akin si Kalen.

Lumipas ang isang oras pero wala parin. Naisip ko na paano kung ako nalang kaya ang unang magtext? Pero anong sasabihin ko? Tatanungin ko lang if safe ba silang nakauwi.

Nagtext ako kay Kalen para tanungin kung safe ba silang nakauwi pero wala akong natanggap na reply. Hindi na ako makatiis kaya tinawagan ko nalang siya. Ilang minuto itong ring ng ring lang hanggang sa sinagot na ni Kalen.

"Felix? Bakit ka napatawag?" tanong ni Kalen mula sa kabilang line

"Huh? Ano kasi nagtext ako saiyo. Tinatanong ko kung safe ba kayong nakauwi kaya lang hindi ka nagreply kaya tumawag na ako." sabi ko

"Sorry, kakatapos ko lang kasing maligo." sagot ni Kalen sa akin.

"Ahhh kaya pala." Sabi ko

"Ikaw ba? Nakauwi kana?" tanong ni Kalen sa akin

"Oo kanina pa." sagot ko

"Ano na ang ginagawa mo? Hindi kapa ba matutulog?" Dagdag na tanong ni Kalen sa akin

"Nakahiga lang ako. Mamaya na ako matutulog. Kahit na mapuyat cute padin naman ako eh." Sabi ko

"Hala! Sino namang bulag ang nagsabing cute ka?" tanong ni Kalen.

"Ikaw. Diba sabi mo kanina sa dinner na cute ako?" sagot ko

"Binabawi ko na iyon. Tsaka sabi ko, cute ka kapag nahihiya." Sabi ni Kalen.

"So, dapat pala lagi akong mahiya?" tanong ko

Narinig ko na mahinang tumawa si Kalen.

"Bakit ka tumawa?" tanong ko kay Kalen

"Wala lang. Gusto ko lang tumawa." Sagot ni Kalen

"Sige na. Matulog kana. Sana mapanaginipan mo ako." sabi ko kay Kalen

"Sige ikaw din." Sagot ni Kalen

"Anong ako din? Na sana mapanaginipan kita?" tanong ko

"Sira! Ikaw din. Matulog na. Yan ang ibig kong sabihin." Sagot ni Kalen.

"Good night."

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon