CHAPTER 40

137 2 0
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 19)

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay nina Kalen. Nagdoorbell ako sa gate at ang mama niya ang lumabas.

"Felix? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng mama ni Kalen sa akin.

"Magandang umaga po tita. Andyan po ba si Kalen?" sabi ko.

"Natutulog pa eh. Pero hali ka. Gisingin natin." Sabi ng mama nya.

Pumunta kami sa kwarto ni Kalen.

"Kalen, anak. May bisita ka." Sabi ng mama ni Kalen habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya.

Ilang beses tinawag at kinatok si Kalen ng mama niya ngunit hindi ito lumalabas.

"Felix, ikaw nalang muna ang kumatok. May niluluto kasi ako sa kusina baka masunog." Sabi ng mama ni Kalen sa akin

"Sige po." Sagot ko.

Umalis ang mama ni Kalen. Kumatok ako sa pintuan kaso hindi parin siya lumalabas. Pinihit ko ang doorknob at ito ay bumukas. Buti pala at hindi nakalock.

Nakita ko si Kalen na mahimbing na natutulog habang yakap ang stuffed toy na binigay ko. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya.

"Hmmm... Akala ko ba ang sabi mo hindi mo yayakapin yang stuffed toy na bigay ko?" nakangiti at mahinang sabi ko sa natutulog na si Kalen.

Para magising siya, pumunit ako ng maliit na pirasong papel na nasa table niya malapit sa kama. Ginamit ko itong pangkiliti sa ilong niya.

Nagising si Kalen pero ang akala niya ay nananaginip lang siya kaya para i-prove sa kanya na totoo ako at hindi panaginip ay hinalikan ko siya sa pisngi. Nagulat siya at napagtanto na hindi pala talaga siya nananaginip.

Sinabi ko sa kanya ang pakay ko na gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari kagabi.

"Okay. Pero pwede bang sa sala ka nalang muna maghintay? Maliligo lang ako saglit." Sabi ni Kalen sa akin

"Dito nalang ako." sagot ko sa kanya sabay higa sa kama

"Wow ha. Kama mo? Doon ka nalang sa sala." Sabi niya sa akin sabay hila palabas ng kwarto.

Bago ako lumabas ay kinuha ko muna ang stuffed toy na bigay ko tapos ay dinalo ito sa sala.

"Who are you? Bakit nasa iyo si Kalix?" tanong ng isang batang babae sa akin.

"Kalix? Sino yun?" nagtatakang balik na tanong ko

"Yang hawak mong toy." Sabi ng bata habang tinuturo ang laruan na hawak ko.

Napangiti ako ng malamang Kalix pala ang pinangalan ni Kalen dito.

"Ako pala si Felix. Ako ang papa ni Kalix." Sabi ko sa bata

"Really? Ikaw ang papa?" gulat na sabi ng bata

"Oo. Ikaw anong name mo?" tanong ko

"Princess po." Nakangiting sagot ng bata.

Naglaro kami ni Princess habang hinihintay si Kalen.

----

Pagkatapos maligo at magbihis ni Kalen ay lumapit siya sa amin ni Princess.

"Tito Kalen is it true?" narinig ko na tanong ni Princess kay Kalen.

"Ang ano?" Balik natanong ni Kalen

"Na si tito Felix daw ang papa ni Kalix?" sagot ni Princess.

Napatawa ako sa sinabi ni Princess.

"No Princess. Nagbibiro lang si tito Felix." Sabi ni Kalen sabay lapit sa akin "Ano ba ang pinagsasabi mo sa bata Felix."

"Bakit? Totoo naman diba? Ako kaya ang nagbigay sayo kaya ako ang tatay." Sabi ko

"Loko ka." sabi sa akin ni Kalen

"Ehhh bakit mo pinangalanang Kalix? Anong ibig sabihin nun? Ka for Kalen at lix for Felix?" tanong ko

"Tara na nga." Sabi sa akin ni Kalen

"Saan?" tanong ko sa kanya

"Diba gusto mong makipag-usap? Doon tayo sa garden."

Nag-usap kami ni Kalen. Sinabi ko sa kanya na matagal na akong hindi nakatira kina papa. Hindi narin ako tumatanggap ng pera galing sa kanila kaya ako nagtatrabaho.

Para maipaliwanag ko ang lahat ay isinama ko si Kalen sa inuupahan kong apartment at doon ko sinabi ang lahat. Lahat pati ang tungkol sa totoo kong ina.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon