FELIX'S POV
Biyernes – maagang natapos ang klase ko sa hapon kaya bago pumunta sa trabaho ay naisipan kong dumaan muna sa bahay ng lolo. Alam kong wala siya doon at si papa. Bibisitahin ko lang sandali ang kapatid kong si Eunice.
Nasa labas lang ako ng gate. Sinisilip ko kong matyetyempuhan ko ba si Eunice. Ayaw kong pumasok. Alam ko kasing nasa loob si mama Alicia.
Ilang sandali pa ay nakita ko si Eunice na lumabas at pumunta sa garden kasama ang yaya.
"Eunice! Eunice!" mahinang sigaw ko.
Napatingin si Eunice sa akin. Sinamahan siya ng kanyang yaya na lumabas ng gate.
"Kuya!" sabi ni Eunice sabay yakap sa akin.
"Kumusta kana?" tanong ko
"I'm okay kuya. Ikaw?"
"Okay lang din ako." sagot ko.
Bigla ko nalang nakita ang sasakyan ni lolo. Huminto ito at bumaba siya tapos lumapit sa amin ni Eunice.
"Eunice, pumasok ka saloob." Utos ng lolo
"Pero lo, andito pa si kuya." Sagot ni Eunice
"Yaya, dalhin mo si Eunice sa loob." Sabi ni lolo
Pinasok ng yaya niya si Eunice sa loob ng bahay. Aalis narin sana ako ng biglang nagsalita si lolo.
"Bukas, may outreach program ang SB organization. Gusto kong sumama ka." Sabi ni lolo
"Para ano? Bakit ako sasama?" naiinis na tanong ko
"Para makita mo kung gaano kahirap ang buhay ng ibang tao. Para marealize mo kung gaano ka kaswerte na naging apo ko. Baka sakaling pagsisihan mo ang mga ginagawa mo ngayon." Sabi ni lolo sa akin
"Hindi ako sasama doon." Sagot ko
"Okay. Hindi ka sasama? Huwag ka naring bumalik dito. I forbid you na makita pa ulit ang kapatid mo." Sabi ni lolo
Galit akong napatingin kay lolo.
"Bukas. 5AM ang alis nila sa campus." Sabi ni lolo sabay alis at pumasok sa kanyang bahay.
Ano na ang gagawin ko? Papanindigan ko ba ang una kong desisyon na hindi sumama? Pero nag-aalala ako. Baka totohanin ni lolo ang sinabi niyang hindi ko na makikita ang kapatid ko. Hindi ko kaya iyon. Si Eunice nalang ang masasabi ko na pamilya ko. Hindi ko kakayaning hindi siya makita.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...