KALEN'S POV
Naglalakad ako papuntang school canteen habang kausap sa cellphone si Felix.
"Kumusta na ang kapatid mo?" tanong ko
"Okay naman na siya. Eto at natutulog. Ikaw ano na ang ginagawa mo?" sabi ni Felix sa kabilang line.
"Papunta ako sa canteen." Sagot ko
"Sorry hindi kita nasamahan." Sabi ni Felix
"Okay lang. Mas kailangan ka dyan ng kapatid mo." sabi ko
"Babalik nadin ako maya-maya diyan sa university. Magkita tayo sa rooftop ng Business Ad building mga 5:30. Okay lang ba?" tanong ni Felix sa akin.
"Sige. Magkita tayo." Sagot ko.
"I love you." Sabi ni Felix sa akin.
"I love you too." Nakangiti kong sagot pagkatapos ay binaba na ang phone.
----
Bumili ako ng milktea tapos ay naupo. Ilang sandali lang ay may lumapit sa akin – si Liz.
"Hi Kalen!" nakangiting sabi sa akin ni Liz sabay upo sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.
"Oh Liz. Kumusta? Medyo hindi na kita nakikita lately ah." Sabi ko
"Kaya nga eh. Busy kasi. Namiss mo ba ako?" tanong ni Liz sa akin
"Ikaw talaga." Nakangiting kong sabi
"May ibibigay pala ako saiyo. Gumawa ulit ako ng brownies. Ito oh para saiyo." Sabi ni Liz sabay abot sa akin ng isang tupperware.
"Liz, hindi mo naman kailangang gawin ito. Hindi mo naman kailangang parati akong bigyan ng mga niluluto o binibake mo." sabi ko
"Ayaw mo ba? Akala ko ba sabi mo masarap yung mga gawa ko." tanong ni Liz.
"Oo masarap kaso medyo naiilang kasi ako." sabi ko
"Kalen, pwede ba akong maging honest saiyo?" tanong ni Liz.
"Oo naman." Sagot ko
"Kalen, gusto kita. Gustong-gusto kita. Pwede ba kitang maging boyfriednd? Promise magiging mabuting girlfriend ako." sabi ni Liz.
Hindi na ako nagulat. Matagal ko narin namang nahahalata na may gusto si Liz sa akin.
"Liz, pwede din ba akong maging honest saiyo?" tanong ko kay Liz
"Yes please." Sagot ni Liz
"Liz, salamat kasi ako yung nagustuhan mo pero sorry kasi may iba akong gusto eh." Sabi ko
"Huh? Sino? Maganda ba siya? Mas maganda ba siya sa akin? Sino?" tanong ni Liz.
Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kong sino ang gusto at mahal ko.
"Sige babalik na ako sa SB office. Liz, sorry talaga." Sabi ko kay Liz sabay tayo at umalis.
----
5:30 PM – nasa rooftop ako ng Business Ad building. Walang ibang tao. Hindi naman kasi pinupuntahan ng mga estudyante ang spot na ito. Nakatayo ako at nakatingin sa mga bahay at gusaling hindi na sakop ng aming campus.
May biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Alam ko na agad na si Felix iyon.
"Kanina kapa nandito?" tanong niya habang nakayakap sa akin mula sa likuran.
"Hindi naman. Halos kakarating ko lang din." Sagot ko.
"Namiss kita" sabi ni Felix.
"Hala! Halos araw-araw na nga tayong magkasama eh." Sabi ko.
"Bakit? Nagsasawa kana ba na lagi tayong magkasama?" tanong ni Felix
"Wala akong sinabing ganon." Sagot ko
"Huwag kang magsasawa sa akin ha." Sabi sa akin ni Felix.
Humarap ako kay Felix.
"Bakit naman ako magsasawa eh ang cute-cute mo." sabi ko sabay mahinang kinukurot si Felix sa kanyang pisngi.
"Talaga cute ako? Sige nga kung cute ako kiss mo nga ako sa lips." Nakangiting sabi ni Felix.
Ngumiti ako sabay halik sa mga labi ni Felix.
KINABUKASAN...
Kakarating ko lang ng campus at naglalakad ako papuntang SB office ng mapansing nakatingin ang lahat ng mga estudyante sa akin.
Hindi naman na ito bago kasi dati na namang nangyayari ito pero bakit pakiramdam ko ay may parang iba?
May napapansin pa akong mga nagbubulungan at nagtatawanan habang nakatingin sa akin.
Nakarating ako ng SB office. Pagkapasok ko ay nakatingin ang lahat ng officers na nasa loob sa akin.
"Anong nangyayari?" tanong ko
Lumapit sa akin si Anne tapos ay inabot ang kanyang cellphone.
"Ano yan?" tanong ko
"Panoorin mo. Kalat nayan sa buong campus." Sagot ni Anne sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ni Anne at pinanood ang sinasabi niya. Nagulat ako. Video iyon namin ni Felix. Video ng nangyari kahapon sa rooftop. Video namin ni Felix na naghahalikan.
"Kalen!" narinig ko na sabi mula sa pintuan ng office at pagkatingin ay nakita ko si Felix na hinihingal at nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...