CHAPTER 7

195 10 0
                                    

KALEN'S POV

Sa isang malayo at maliit na barangay sa Quezon Province kami pumunta. Naglakad pa kami ng mga isang oras dahil nahirapan ng makapasok ang bus na aming sinakyan.. Pagkadating ay dumiretso kami kaagad sa kanilang plaza na may maliit na covered court. Dahil sa tanghali na, naghanda kami ng makakain. May dala kaming mga supplies na siya naming niluto. Tinulungan naman kami ng ilang mga redidente na taga dito.

Sabay-sabay nadin kaming kumain kasama ng ilang mga residente at mga bata. Habang kumakain, napansin ko si Felix na nakaupo sa isang tabi hawak ang kanyang plato na kaunti lang ang laman. Nilapitan siya ng isang may edad na babae. Hindi ko marinig kung ano ang sinabi ng babae pero kinuha niya ang plato ni Felix, nilagyan ito ng madaming pagkain tapos binalik ulit sa kanya. Bago umalis, hinimas muna ng babae ang buhok ni Felix. Sinundan ko ng tingin ang babae hanggang sa makaupo ito tapos ay binalik ko ang tingin ko kay Felix at doon nakita ko habang siya ay nakatingin sa babae, may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Napatingin si Felix sa akin. Bigla niyang pinunasan ang luha tapos ay dali-daling tumayo at umalis. Ano kaya ang nangyari? Bakit siya umiyak?

Pagkatapos kumain, sinimulan na namin ang pamimigay ng mga school supplies at laruan sa mga bata. Lumingon-lingon ako. Hinahanap ko si Felix pero hindi ko makita.

"Pres, sinong hinahanap mo?" tanong sa akin ni Ryan

"Si Felix. Nakita mo ba?" tanong ko

"Hindi eh." Sagot ni Ryan

"Nasaan na kaya siya? Baka gusto nyang tulungan tayo dito." Sabi ko

"Naku! Baka nagtatago. Huwag ka ng umasa na tutulong yun." Sabi sa akin ni Ryan

----

Nakaupo ako sa isang tabi habang nakangiting pinagmamasdan ang mga schoolmates ko na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang ngiti at tawa ng mga batang kasama namin ngayon.

"Bakit ka nandito?" narinig ko na tanong

Tiningnan ko ito at nakita si Liz na nakangiti sa akin sabay upo sa aking tabi.

"Ayaw mong maglaro?" Dagdag na tanong ni Liz.

"Mamaya na siguro. Ikaw? Bakit hindi ka makipaglaro sa kanila?" sagot ko

"Mamaya nalang din. Sasamahan muna kita dito. Ang saya pala nito. Alam mo, first time kong sumama sa mga ganito" sabi ni Liz sa akin.

Napangiti ako. Natutuwa ako na masaya si Liz sa ginawa naming ito. Aaminin ko na noong una ko siyang makilala hindi maganda ang impression ko sa kanya. Akala ko bratty sya at maarte pero kanina, nakita ko na ginawa niya talaga ang lahat para lang mapasaya ang bata.

"Masaya talaga saka ang sarap sa pakiramdam na may mga napapasaya ka" sabi ko kay Liz

Naputol ang pag-uusap namin ni Liz ng tawagin kami ng mga kasamahan namin. Kaming mga taga Hendrix naman daw ang maglalaro. At ang lalaruin namin ay trip to Jerusalem pero dahil kunti lang ang mga chair, ang gagamitin namin ay papel. Nilagay sa lupa ang mga papel at habang tumutogtog ang music kailangan namin umikot sa mga papel at pagkahinto ng music, kailangan namin pumatong sa mga papel. Isang tao bawat papel lang ang pwede. Parang trip to Jerusalem/paper dance pala ito.

Magsisimula na sana kami ng makarinig kami ng sigaw "Sandali lang po!"

Tiningnan namin ito at nakita na ang sumisigaw ay isang batang babae. Tumatakbo ito habang hinihila sa kamay si Felix.

"Sandali lang bata." Sabi ni Felix habang tumatakbo at hila-hila ng bata

"Sasali po si kuya sa laro" sabi ng bata ng makalapit sa amin.

"Hindi! Hindi ako sasali" mabilis na sagot ni Felix.

Humarap ang bata kay Felix sabay sabi ng "Sige na kuya. Sumali kana. Please...."

Matagal na tiningnan ni Felix ang bata.

"Sige sasali na ako." sagot ni Felix sa bata

Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko na parang hindi makapaniwalang napapayag ng bata si Felix na maglaro.

Si Ryan ang ginawa naming game master. Inulit niya ang mechanics sa amin tapos gamit ang cellphone at bluetooth speaker ay sinimulan na nyang magpa-music.

Masaya ang game. Tulakan dito at tulakan doon. Isa-isa kaming nalalagasan hanggang sa hindi ko ini-expect at siguro, hindi rin ini-expect ng iba – kaming dalawa ni Felix ang natira. Kailangan naming mag-agawan sa iisang papel.

Nakatayo kami tig-dalawang dipa mula sa isang pirasong papel na nasa gitna namin.

"Kuya! Galingan mo. Huwag kang papatalo." Narinig at nakita kong sigaw ng batang babae kay Felix. Siya yung batang humhiila sa kanya kanina.

Tiningnan ni Felix ang bata sabay ngiti. Ngayon ko lang utlit nakitang ngumiti ng ganito si Felix.

"Kalen! Galingan mo din. Huwag karing papatalo." Sigaw sa akin ni Liz habang nakangiti

Nagsimula na ang music. Inikutan namin ni Felix ang papel. Paikot-ikot hanggang sa huminto na ang music. Sabay kami ni Felix na tumakbo at pumatong sa isang pirasong papel. Dahil maliit lang ang papel, sobrang magkadikit ang aming katawan. Ewan pero pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat. Nagkatinginan kami ni Felix. Hindi ko naiwasang mapatingin din sa kanyang labi. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kanina sa bus. Yung aksidenteng nagdikit ang aming mga labi. Hanggang sa... Hanggang sa... Hanggang sa tinulak ako ni Felix mula sa pagkakapatong sa papel.

"Ang panalo. Si Felix!" narinig ko na sabi ni Ryan.

Nakatayo lang ako. Hindi ko ma-process kung anong nangyari. Hinawakan ko ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero bakit? Naramdaman ko nalang na may humawak sa aking balikat mula sa likuran. Tiningnan ko ito at nakita si Liz.

"Okay lang yan. Nice game." Nakangiting sabi sa aking ni Liz.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon