CHAPTER 24

144 4 0
                                    

FELIX'S POV

Sinikap ko na mabuhay ng hindi humihingi ng tulong kina lolo at papa. Minsan, bumibisita ako ng palihim sa bahay para makita ang aking kapatid na si Eunice. Siya nalang kasi ngayon ang tinuturing ko na pamilya.

Malaki ang naging epekto ng nangyari sa aking buhay. Sobrang down ko. Mas gusto ko nalang palaging mapag-isa. Kahit na ang mga kaibigan kong sina Jeric at Allen ay hindi ko na kinakausap. Naging mainitin ang aking ulo. Halos hindi na rin ako pumapasok. Unti-unti ko nang napapabayaan ang aking pag-aaral.

Para matustusan ang aking mga pangangailangan, nagtrabaho ako. Waiter, delivery boy at kung ano-ano pa.

Maliban sa kapatid kong si Eunice, pakiramdam ko kinaiinisan ko na ang lahat ng tao at bagay na may konektado sa lolo at papa ko. Kasama dito ang paaralang mahal na mahal ng lolo. Iniisip ko na siguro kung hindi ako nag-aral dito ay nakasama ko pa sana ng matagal ang nanay ko.

Nagrebelde ako. Lahat ng gusto ng lolo ko ay ino-oppose ko. Kaya lahat ng mga rules and regulations na pinapatupad niya sa kanyang university ay sinusuway ko. Gusto kong ipakita at ipamukha sa kanya na galit ako sa kanila. Dahil dito, naging sakit ng ulo ako ng mga instructors at ng ibang mga estudyante. Lagi akong pinapatawag sa office ng faculty head ng aming department, sa disciplinary office, sa SB office o kahit sa office ng aking lolo. Pero kahit isa dito hindi ko sinisipot. Bahala na kung sumakit pa lalo ang mga ulo nila.

----

Nagbukas ang bagong school year.

Dahil sa minsan lang ako pumasok sa klase ay hindi na ako nagulat ng hindi ako pumasa at bumalik ulit ako sa 3rd year college.

Kahit na ayaw ko sa university na ito ay nag-enroll parin ako. Ito ay dahil sa isang tao - si Kalen. Oo hanggang ngayon ay gusto ko parin siya kaya lang dahil nga sa pinagdadaanan ko, hindi ko na naamin sa kanya ang aking nararamdaman. Hindi pa ito ang tamang time.

Kasabay ng pagbubukas ng bagong school year ay ang paghahalal ng panibagong set ng student body officers. Nabalitaan ko na isa si Kalen sa mga kakandidato bilang SB president at hindi ako masaya doon. Kapag nanalo siya magiging isa siya sa mga puppets ni lolo. Siguradong tutulong siya para mapatupad ang mga rules and regulations na nais ng aking lolo. Baka dumating ang time na maging kalaban ko siya. Kailangan ko siyang makausap.

Hinanap ko si Kalen at nakita ko siya sa library. Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kalen sa akin.

"Gusto lang sana kitang kausapin." Sabi ko

"Tungkol saan?" tanong ni Kalen

"Tatakbo kadaw bilang SB president?" tanong ko kay Kalen

"Oo. Bakit?" Balik na tanong ni Kalen sa akin

"Huwag mong ituloy." Sabi ko

Tumingin sa akin si Kalen.

"Anong pinagsasabi mo? Bakit naman?" tanong ni Kalen

"Ayaw kong magalit at mamroblema ka sa akin." Sagot ko

"Bakit ako magagalit at mamomroblema saiyo? Dahil pa sa pagiging pasaway mo? Gaya ng nangyari sa previous president? Felix, kung ayaw mo na magalit ako saiyo, tulungan mo nalang ako. Kung papalaring manalo ako bilang SB president, huwag ka nalang maging pasaway. Diba? Mas okay iyon?" sabi sa akin ni Kalen

"Hindi ko maipapangako. Kaya huwag ka nalang tumakbo bilang SB president." sabi ko.

"Felix, hindi mo ako pwedeng diktahan kung ano ang gagawin at hindi ko gagawin." Parang naiinis na sabi ni Kalen sa akin

"Okay kung yan ang gusto mo. Bahala ka. Sisiguraduhin ko na hindi ka mananalo." Sabi ko

"Sige gawin mo. Pero sinasabi ko saiyo. Mananalo ako." Sabi ni Kalen sabay tayo at umalis.

Nag-isip ako ng paraan para hindi manalo si Kalen sa darating sa SB election. Habang nangangampanya siya para iboto, nangangampanaya din ako para huwag siyang iboto.

----

"Hello po. Huwag niyo po sanang kalimutan Kalen Garcia for SB president." Sabi ni Kalen sa mga estudyanteng nasa school canteen. Kasama niyang nangangampanya ang kanyang mga kaibigan.

"Naku! Huwag niyo yang iboto. Magsisisi lang kayo." Malakas na sabi ko habang nakaupo.

Biglang natahimik ang lahat ng estudyante at sabay-sabay na tumingin sa akin.

Nilapitan ako ni Kalen.

"Ano ba ang problema mo?" parang inis na tanong ni Kalen sa akin

Tumayo ako at lumapit kay Kalen. Tiningnan ko siya sa mga mata at sinabing "Huwag mo na kasing ituloy ang pagtakbo bilang SB president."

"Make me!" sabi ni Kalen sa akin sabay alis.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon