CHAPTER 26

161 4 0
                                    

FELIX'S POV

(same day na nangyari ang chapter 1 and 2)

Papunta na ako ng university. Lumabas ako ng inuupahan kong apartment ng magulat sa aking nakita – si lolo kasama ng kanyang driver.

"Ano pong ginagawa ninyo dito?" gulat na tanong ko

Napansin ko na tiningnan ni lolo ang kabuoan ng aking maliit na apartment.

"Ito ba ang pinagmamalaki mo? Ito ba ang sinasabi mong kaya mong mabuhay ng walang tulong galing sa amin?" tanong ng lolo sa akin.

"Opo. Kita nyo naman po sigurang buhay pa naman ako. Ano po bang kailangan ninyo at pumunta pa talaga kayo dito?" tanong ko

"Kailan kaba titigil sa mga kalokohan mo? Hanggang kalian kaba magkakalat sa university ko? Talaga bang gusto mo akong kalabanin? Nakakahiya ka! Apo pa naman kita. Apo ka pa naman ng may-ari ng university tapos ganyan ka? Ikaw mismo ang sumisira sa reputasyon ng eskwelahang bumuhay saiyo ng ilang taon." Galit na sabi sa akin ni lolo.

"Yun na nga eh. Apo mo ako kaya galit na galit ako. Ikinahihiya kong maging apo mo dahil wala kang puso." Sabi ko kay lolo

Isang malakas na sampal ang ibinigay ng lolo ko sa akin.

"Wala kang utang na loob." sabi ng lolo ko sa akin sabay pasok sa kanyang kotse.

Pagkaalis nila lolo ay agad-agad kong isinuot ang aking helmet tapos ay sumakay na ako ng motorsiklo at mabilis itong pinatakbo. Naiinis ako! Nagagalit ako!

Nakarating ako ng university na may sama ng loob. Kahit alam ko na bawal, wala na akong pakialam. Pinatakbo ko ang aking motorsiklo sa loob ng campus tapos ay huminto lang ako pagkarating sa harap ng library.

Bumaba ako at tinanggal ang suot kong helmet. Saka ko lang napansin ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin. Tiningnan ko sila na parang sinasabing "UMALIS KAYO DITO!".

Maya-maya ay may lumapit na isang babae. Si Aira. Matagal na siyang umaali-aligid sa akin pero hindi ko lang pinapansin. Hindi ko siya gusto. Iniabot niya sa akin ang isang cake na hugis puso at may nakasulat na "I LIKE YOU" sabay sabi ng "Para saiyo."

Dahil nga hindi maganda ang mood ko sa nangyari sa amin ni lolo kanina, hindi ko na sana papansinin si Aira at ang cake na inaabot niya kaya lang naisip ko na nag-effort siya para dito. Ano ba naman yung tikman ko kahit kunti lang.

Gamit ang aking hintuturo, kumuha ako ng icing na nasa cake tapos ay tinikman ito. HINDI MASARAP. Tiningnan ko sa mukha si Aira tapos ay tumalikod na ako at naglakad.

"Felix sandali. Hindi mo ba kukunin? Hindi mo ba kakainin?" narinig kong sigaw na sabi ni Aira

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya sabay sabi ng "Pag kinuha ko iyan, maghahanap pa ako ng basurahan para itapon. HASSLE! Hindi ako kumakain ng hindi masarap."

Tumalikod ako at nagpatuloy sa aking paglalakad ng may humarang sa aking daanan. Si Kalen. Alam ko na sesermonan na na naman niya ako pero sana huwag ngayon. Please lang hindi maganda ang mood ko.

"Ano bang problema mo? Tumabi ka nga diyan." Nasabi ko kay Kalen.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Diba alam mo namang bawal ang magpatakbo ng motorsiklo dito sa loob ng campus?" sabi ni Kalen sa akin.

"Inaano ba kita? Inaano kaba ng motorsiklo ko? Bakit mo ba ako laging pinakikialaman?" tanong ko. Naiirita na ako. Dahil kasi ito kay lolo. Ang agang sinira ang araw ko.

"Bakit di mo kaya tanungin ang sarili mo? Bakit nga ba kita laging pinakikialaman?" tanong ni Kalen sa akin.

Lumapit ako kay Kalen sabay sabi ng "Siguro kung babae ka, baka isipin ko na may gusto ka sa akin kaya lagi mo akong pinapakialaman or baka may gusto ka nga sa akin."

Deep inside, gustong-gusto ko na marinig mula sa kanya na gusto din niya ako.

"Hindi tayo talo. Ginagawa ko ito dahil parte ito ng responsibility ko bilang president ng student body. Ginagawa ko ito, para ituwid ang mga pasaway na kagaya mo. Kagaya mong hindi marunong sumunod sa mga regulasyon ng school na ito" sabi ni Kalen sa akin

"Wala akong pakialam dyan sa responsibility at regulayon na sinasabi mo." Sabi ko

"Huwag tayo dito mag-usap sumunod ka sa akin." Sabi ni Kalen sa akin sabay lakad.

Hindi ako sumunod sa kanya. Kung gusto niya, siya ang sumunod sa akin. "Asa ka! Hindi ako susunod saiyo." Sabi ko sabay lakad sa ibang direksyon.

Nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Kalen ang kamay ko tapos hinila ako sabay sabi ng "Sinabing sumunod ka sa akin."

----

Hindi ko mapigilan ang ngumiting naglalakad habang hawak-hawak ni Kalen ang aking kamay. Biglang gumanda ang mood ko. Para kaming mag-boyfriend. Naghoholding hands while walking. Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante pero wala na akong pakialam. Ini-enjoy ko nalang ang moment na ito.

Papasok na kami ng SB office ng may isang estudyanteng nagsabi ng "Oyyy... Ang sweet nyo naman!"

"Anong sinasabi niya?" narining ko na tanong ni Kalen.

Itinaas ko ang aking mga kamay na hawak-hawak ni Kalen.

"Ano ba! Bakit mo hinahawakan ang kamay ko. Pasok ka." Sabi niya.

Napangiti ako. Nasabi ko saking sarili ang SINO KAYA ANG HUMAWAK KANINO?

Pagkapasok sa loob ng office at naupo kaming dalawa ni Kalen sa sofa na magkaharap.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya

"Seryoso? Hindi mo alam? Eh diba ilang beses kanang nakapunta dito? Sa anong dahilan ba kung bakit ka pinapatawag sa office ng student body?" patanong na sagot sa akin ni Kalen

Tumingin ako kay Kalen at ngumiti sabay sabi ng "Aminin mo na kasi na may gusto ka nga sa akin kaya lagi mo akong napapansin. Diba tama ako Mr. president? Diba lalake din ang gusto mo?"

Nagulat nalang ako ng biglang tumayo at lumapit sa akin si Kalen. Nilagay niya ang mga kamay sa magkabilang armrest ng sofa kung saan ako nakaupo. Tinitigan niya ako sabay sabi ng "Paano kung tama ka nga? Paano kung gusto nga kita. Anong gagawin mo?"

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko

Nilapit ni Kalen ang mukha niya sa mukha ko. "Relax. Nagtoothbrush naman ako eh" sabi niya.

Kung ano-anong naiisip ko. Hahalikan ba ako ni Kalen? Mas lalo akong kinabahan. Pero bakit? Gusto ko naman ito diba?

"Kalen! Anong ginagawa mo?" tanong ko

"Oh, bakit parang takot na takot ka? Akala mo ba hahalikan talaga kita? Sinabi ko na kanina diba? Hindi tayo talo." Nakangiting sabi ni Kalen tapos ay bumalik sa kanyang upuan.

Parang hindi ako makagalaw.

"Akala ko wala kang kinakatakutan. Yun lang pala." Sabi ni Kalen sa akin

Hindi naman ako natakot. Kinabahan lang. Hindi ako prepared.

"Ano ba talaga ang kailangan mo? Kung wala aalis na ako" tanong ko

"Gusto ko sanang pag-usapan natin yang mga ginagawa mo. Sobra na eh. Hindi na acceptable yang behavior mo. Felix, please magbago kana. Itigil mo na yang pagiging pasaway mo. Napapagod narin ako sa kakausap saiyo. Hindi ka naman nakikinig. Ano ba ang nangyari? Hindi ka naman dating ganyan ah. Felix, first year palang kilala na kita. Hindi man tayo magkaibigan pero alam ko mabuti kang tao. Ang hindi ko lang maintindihan bakit bigla kang nagbago? Ano ba ang nangyari? Baka matulungan kita." Tanong ni Kalen sa akin

Sasabihin ko ba kay Kalen ang nangyari? Siguro hindi na muna. Hindi pa niya kailangang malaman ang mga drama ko sa buhay.

Ayaw ko nang mapag-usapan ang mga nangyari kaya nagdesisyon akong umalis nalang.

"Tapos kana? Aalis na ako" sabi ko sabay tayo pero bago paman ako makaalis ay may sinabi si Kalen sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saiyopero kung ang akala mo na okay lang iyang mga ginagawa mo dahil sa apo ka ngmay-ari ng university, nagkakamali ka. Felix, hindi okay at hindi tama" 

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon