CHAPTER 2

254 12 0
                                    

KALEN'S POV

Papasok at nasa pintuan ng student office na kami ng mapansin kong nakatingin ang ilang mga ka-schoolmate ko sa amin ni Felix. Nakita ko ang iba na nakangiti habang nagbubulungan.

"Oyyy... Ang sweet nyo naman!" narining ko na sabi ng isang estudyante

"Anong sinasabi niya?" natanong ko na parang nagtataka

Biglang itinaas ni Felix ang kanyang kamay kung saan hawak-hawak ko pala. Ngayon ko lang napagtanto. Naghoholding hands pala kami habang naglalakad kanina. Nanlaki ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng hiya. Bigla kong binitawan si Felix.

"Ano ba! Bakit mo hinahawakan ang kamay ko. Pasok ka." Pasigaw na sabi ko sabay pasok sa loob ng office. Sinadya ko na sabihin iyon ng pasigaw para marinig at akalain ng ibang mga estudyante na si Felix ang humahawak sa akin at hindi ako ang humahawak sa kanya.

Wala sa office ang mga kasamahan ko na officer din ng student body. Naupo ako sa sofa at sumunod naman si Felix na naupo din sa sofa na nasa aking harapan.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Felix sa akin

"Seryoso? Hindi mo alam? Eh diba ilang beses kanang nakapunta dito? Sa anong dahilan ba kung bakit ka pinapatawag sa office ng student body?" patanong na sagot ko kay Felix. Hindi ito ang unang beses na pinapunta ko dito sa office si Felix. Pabalik-balik na siya at sa iisang dahilan lang. Ito ay ang dahil sa pagiging pasaway niya.

"Aminin mo na kasi na may gusto ka nga sa akin kaya lagi mo akong napapansin. Diba tama ako Mr. president? Diba lalake din ang gusto mo?" sabi ni Felix sabay tingin sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang armrest ng sofa kung saan siya nakaupo at habang nakatitig sa kanya ako ay nagsalita "Paano kung tama ka nga? Paano kung gusto nga kita. Anong gagawin mo?"

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Felix.

Dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha sa mukaha ni Felix "Relax. Nagtoothbrush naman ako eh"

"Kalen! Anong ginagawa mo?" Parang natatakot na sabi ni Felix

Nang sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya ay tumigil ako. Tiningnan ko siya sa mata sabay sabi ng "Oh, bakit parang takot na takot ka? Akala mo ba hahalikan talaga kita? Sinabi ko na kanina diba? Hindi tayo talo."

Ngumiti ako at bumalik na sa kung saan ako nakaupo kanina. Napansin ko ring huminga ng malalim si Felix.

"Akala ko wala kang kinakatakutan. Yun lang pala." Sabi ko

"Ano ba talaga ang kailangan mo? Kung wala aalis na ako" parang galit na tanong ni Felix sa akin.

"Gusto ko sanang pag-usapan natin yang mga ginagawa mo. Sobra na eh. Hindi na acceptable yang behavior mo. Felix, please magbago kana. Itigil mo na yang pagiging pasaway mo. Napapagod narin ako sa kakausap saiyo. Hindi ka naman nakikinig. Ano ba ang nangyari? Hindi ka naman dating ganyan ah. Felix, first year palang kilala na kita. Hindi man tayo magkaibigan pero alam ko mabuti kang tao. Ang hindi ko lang maintindihan bakit bigla kang nagbago? Ano ba ang nangyari? Baka matulungan kita." Sabi ko kay Felix

"Tapos kana? Aalis na ako" sabi sa akin ni Felix sabay tayo pero bago paman siya makalabas ng pinto ay nagsalita ulit ako.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saiyo pero kung ang akala mo na okay lang iyang mga ginagawa mo dahil sa apo ka ng may-ari ng university, nagkakamali ka. Felix, hindi okay at hindi tama"

"Tama ka. Wala ka ngang alam sa mga nangyayari sa akin. Wala kang alam kaya huwag mo na akong pakialaman." Sabi ni Felix tapos dali-daling lumabas ng office.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon