CHAPTER 11

184 8 0
                                    

KALEN'S POV

"Pssst... Gising! Kalen gising!" naririnig kong sabi sa akin habang kinakalabit ako. Nakapikit pa ang aking mga mata. Hindi ko alam kong panaginip lang ba ito o totoo.

"Gising!" malakas na sabi na nagpamulat sa aking mga mata.

Si Felix – siya ang gumigising sa akin at pagkamulat ng aking mga mata saka ko lang napagtanto na nakatulog pala ako habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Agad ko naman itong tinanggal. Napaisip ako kung paano nangyari iyon? Naaalala ko na kanina siya ang nakasandal sa akin bakit ngayon ako na ang nakasandal sa kanya?

"Ano gising kana? Tumayo ka at dadaan ako." sabi ni Felix sa akin

"Bakit?" tanong ko

"Anong bakit? Nasa Manila na tayo." Sagot niya

Tumingin ako sa labas mula sa bintana ng bus. Medyo madilim na pero mukhang nasa Manila na nga kami.

"Ang bilis naman ng byahe." Sabi ko.

"Anong mabilis? Ang tagal nga eh. Mahimbing at mahaba lang talaga ang tulog mo kaya hindi mo namamalayan ang byahe." Sagot ni Felix

"Ganun ba?"

"Ang lakas pa nga ng hilik mo eh" sabi ni Felix

"Hindi kaya ako humihilik" mabilis na sagot ko

"Paano mo nalaman? Eh tulog ka diba? Sige tayo kana at bumaba na tayo dito sa bus." Sabi ni Felix sa akin.

----

Dumiretso na ako ng bahay. Gusto kong magpahinga ng maaga dahil bukas balik na naman sa eskwela.

Pagdating sa amin, naabutan ko si mama na nagluluto ng dinner.

"Kumusta ang pagpunta nyo ng Quezon?" tanong ni mama

"Okay lang naman po. Nakakapagod pero masaya. Si papa?" sabi ko

"Nasa office pa pero baka pauwi narin yun. Sige, magpahinga ka muna at tatapusin ko lang itong niluluto ko tapos magdidinner na tayo pagdating ng papa mo." sabi ni mama sa akin.

Pumunta ako sa aking kwarto para magpahinga saglit. Agad akong nahiga sa aking kama. Inaantok ako.

Pinikit ko ang aking mga mata pero bigla akong nakarinig ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Bumangon ako at binuksan ito. Nakita ko si mama.

"Anak may naghahanap saiyo. Kaibigan mo raw." Nakangiting sabi ni mama

"Sino?" tanong ko

Tinawag ni mama ang sabi niyang naghahanap sa akin.

"Hali ka!" sabi ni mama sa kanya

Nagulat ako ng makita kung sino. Si Felix.

"Sige, maiwan ko muna kayo dito at babalik lang ako sa kusina" sabi ni mama sabay alis.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Felix

"May nakalimutan lang akong ibigay saiyo." Sagot niya

"Ano?" tanong ko

Biglang ngumiti si Felix sabay pasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

"Ano ba ang ibibigay mo?" tanong ko ulit sa kanya

Lumapit sa akin si Felix.

"Ito." Sagot niya sabay halik sa aking mga labi.

Nagulat ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipaliwanag pero nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Pinikit ko nalang ang aking mga mata ng biglang may narinig ulit akong katok sa pintuan. Minulat ko ang aking mga mata at... wala si Felix. Mag-isa lang ako sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Nanaginip lang pala ako. Pero bakit? Bakit sa daming pwedeng mapanaginipan ay iyon pa? Patuloy parin ang katok na naririnig ko. Bumangon ako sa kama at binuksan ang pinto. Nakita ko si mama. Kinabahan ako. Ano kayang sasabihin niya? Sasabihin niya kayang may naghahanap sa akin? Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Ma, bakit?" kinakabahang tanong ko

Ngumiti si mama sabay sabi ng "Andito na ang papa mo. Hali kana at magdidinner na tayo."

Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Sige ma. Susunod ako." sagot ko.

"Okay." Sabi ni mama sabay alis.

Dali-dali akong nagpunta sa C.R. at naghilamos. Hindi ko maintindihan kong bakit ako nanaginip ng ganon. Humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang aking labi at naalala ko na naman ang nangyari sa bus. Yung aksidenteng naglapat ang mga labi namin ni Felix. Aamin ko. Iyon ang unang beses na may lumapat na labi ng ibang tao sa labi ko. Wala pa akong nahahalikan sa labi. Oo tama. Alam ko naman na may mga nagkakagusto sa aking babae dati pa pero wala pa akong naging girlfriend. NGSB ako. Hindi ko alam pero wala eh. Wala akong maramdaman sa kanila. Wala pang nakakapagpatibok ng mabilis sa aking puso. Wait! Si Felix. Naalala ko. May time na tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kanya. Pero imposible. Lalake siya. Lalake din ako. Wala lang iyon. Kinabahan lang ako ng time na iyon. Tsaka yung paglapat ng labi niya sa labi ko, aksidente iyon. Hindi counted iyon na kiss. Hindi pwedeng siya ang maging first kiss ko. Wala lang iyon.

"Kalen anak! Hali kana at kakain na," narinig ko na tawag sa akin ni mama.

"Opo. Andiyan na." sagot ko sabay labas ng C.R. 

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon