CHAPTER 38

139 3 0
                                    

FELIX'S POV

Sa halip na polo ay t-shirt nalang ang binili ni Kalen. Puting t-shirt na may naka-print na Tweety Bird at hindi lang siya. Pati ako ay napabili din. Itim na t-shirt na may naka-print ding Tweety Bird.

Sinuot namin ito agad at pumunta sa RamenPH para i-claim ang napanalunan kong coupon kanina. Habang naglalakad ay nakasalubong namin si Anne. Siya ang unang nakapansin na parang couple shirt ang suot namin ni Kalen.

Nag-usap saglit si Kalen at Anne. Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na si Kalen sa akin.

Gusto sana ni Kalen na magpalit nalang kami ng t-shirt kasi baka akalain daw ng ibang tao na mag-couple kami pero hindi ako pumayag. Ano naman ngayon kung sabihin nilang couple kami.

----

"Miss, iki-claim sana namin itong nasa coupon." Sabi ko sa waitress na nasa entance ng RamenPH sabay pakita ng coupon

"Wait lang sir ha. Verify ko lang muna itong coupon mo sa loob." sabi ng waitress at pumasok sa loob.

Pagbalik ng waitress...

"Sir sorry po pero yung coupon niyo po kasi ay pang couple promo. So hindi po siya pwedeng gamitin ng hindi couple."

Nakaisip ako ng paraan. Umakbay ako kay Kalen sabay sabi ng "Couple naman po kami. Tingnan mo naka-couple shirt nga kami eh."

Napansin kong nagulat si kalen

"Huh?" narinig kong sabi niya

"Diba babe?" nakangiti kong tanong sa kanya sabay kindat.

"Opo. Couple kami" sabi ni Kalen sa waitress.

Pinapasok kami ni Kalen sa loob ng RamenPH tapos ay pinaupo sa bakanteng upuan na may lamesa.

"Bakit mo sinabing couple tayo?" tanong ni Kalen sa akin.

"Sayang yung Ramen kung hindi natin makuha." Sagot ko.

"Paano kung nahuli tayo? Nakakahiya." Tanong ulit ni kalen

"Hindi naman tayo nahuli diba? Para ngang totoo eh." Sabi ko

"Totoong ano?"

"Na mag-couple tayo." Nakangiting kong sagot.

Habang hinihintay ang aming order ay napansin ko si Kalen na parang nahihiya.

"Bakit? Anong nangyayari saiyo?" tanong ko

"Yung ibang mga customer nakatingin sa atin. Narinig ata nila yung sabi mo kaninang magcouple tayo. Naiilang ako." sagot ni Kalen sa akin

"Hayaan mo na. Naiingit lang ang mga iyan saiyo." Sabi ko

"Bakit naman sila maiinggit sa akin?" tanong ni Kalen

"Naiinggit sila dahil may kasama kang cute." Nakangiti kong sagot

"Sino? Ikaw?" tanong ni Kalen

"Hmmm... Sino ba ang kasama mong cute?" tanong ko

"Ayan ka na naman eh." Nakangiting sabi ni Kalen.

Maya-maya ay dumating na ang ramen namin at nagsimula na kaming kumain.

"Gusto mong subuan kita?" nakangiti kong tanong kay Kalen

"Ano? Bakit? Huwag na! May kamay ako." sagot ni Kalen

"Para mas mapaniwala silang mag-couple talaga tayo. Mamaya malaman nila ang totoo baka pabayarin tayo." Palusot ko. Ang totoo kasi ay gusto ko lang talagang subuan siya.

"Huwag kang O.A." nakangiting sabi sabi ni Kalen

Pagkatapos namin kumain ay napagkasunduan namin ni Kalen na umuwi na. Bumalik muna kami sa tindahan ng stuffed toys para kunin ang iniwan ko. Ako nalang ang pumasok sa loob at nagpaiwan si Kalen sa labas.

"Bakit dalawa? Bumili kapa ng isa?" tanong ni Kalen sa akin pagkalabas ko ng store at nakita niyang may dala akong dalawang paper bag.

"Oo. Dalawang stuffed toys ang binili ko." sagot ko

"Ibibigay mo parehas sa kapatid mo?"

"Hindi. May iba akong bibigyan nito." Sabi ko.

Naglakad na si Kalen ng bigla ko siyang tawagin.

"Bakit?" tanong niya sa akin

"Para saiyo." Sabi ko sabay abot ng isang paper bag

"Sa akin? Para saan?" tanong ni Kalen sa akin

"Thank you gift dahil sinamahan mo ako ngayon." Sagot ko

"Hindi naman na kailangan. Pero Salamat"

Binuksan ni Kalen ang paper bag.

"Binili mo pala ito?" nakangiti niyang tanong ng makita ang koala na stuffed toy.

"Oo. Diba sabi mo kamukha ko? Kaya binili ko para saiyo. Para hindi mo ako masyadong mamiss. Para may kayakap ka sa gabi." Sabi ko sabay lakad.

Napansin kong hindi sumunod si Kalen sa akin kaya nilingon ko siya at tinawag.

"Bakit ka nakatayo lang diyan? Tara na!" nakangiti kong sabi.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon