CHAPTER 48

105 4 0
                                    

FELIX'S POV

Nag-aalala ako para kay Kalen. Mukhang alam na ng parents niya ang tungkol sa video kaya dali-dali siyang pinauwi. Wala nadin akong ganang pumasok pa sa klase kaya nagdesisyon akong umuwi nalang sa aking apartment.

Habang nakahiga sa aking kama ay may narinig akong katok sa pintuan. Pagkabukas ay nakita ko si lolo. Halata sa kanyang mukha ang galit. Nagulat nalang ako ng bigyan niya ako ng isang malakas na sampal.

"Hindi kana nahiya! Hindi kapa ba nakokontento sa mga kalokohang pinaggagawa mo dati kaya ngayon itong video naman?" galit na tanong sa akin ni lolo

Hindi ako nagsalita.

"Hindi mo na nirespeto ang pangalan natin." dagdag ni lolo

"Yan lang po ba ang pinunta ninyo dito? Ang para sampalin at pagalitan ako? Hindi na po sana kayo nag aksaya ng panahon kasi expected ko naman na ito. Wala namang bago diba?" sabi ko kay lolo

"Wala ka talagang galang!" sabi ni lolo

"Pasensya na po kung napahiya ko ang pangalan mo. Hindi ko din naman ginusto na makunan kami ni Kalen ng video." Sabi ko

"May video o wala dapat hindi ninyo ginawa iyon. Nakakahiya!" sabi ni lolo

"Saan po ba kayo nagagalit? Dahil sa video na kumalat o dahil sa lalaki ang kasama ko doon? Kung sakali bang babae ay okay lang sainyo?" tanong ko kay lolo

"Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan. Simula ngayon, ayaw kong makita kang kasama si Kalen." Utos ni lolo

"Hindi po lo. Mahal ko si Kalen at hindi ikaw o ang video na kumakalat ang makapaghihiwalay sa amin." Sabi ko.

Hindi nagsalita si lolo. Tumalikod nalang ito at galit na umalis.

Agad ko namang sinara ang pinto at bumalik sa aking kama at naupo. Hinimas ko ang aking mukha na sinampal ni lolo – masakit. Naisip ko na mabuti nalang at wala si papa dito sa Manila. Ang alam ko ay nasa business trip siya sa ibang bansa. Kung sakali nandito siya baka pati siya ay nasampal ako o baka nga nasuntok pa ako.

----

KINABUKASAN...

Hindi pumasok si Kalen. Kagabi ko padin siya tinatawagan at tinitext pero hindi siya sumasagot.

Naglalakad ako sa hallway ng salubungin ako ni Karen ang kaibigan ni Aira.

"Bakit anong kailangan mo?" tanong ko

"May sasabihin sana ako." sabi ni Karen

"Ano yun?" tanong ko

"Yung video, kilala ko kung sino ang kumuha at nag-upload. Si Aira." Sabi ni Karen

Nagulat ako at napatingin sa kanya.

"Si Aira? Paano?" tanong ko

"Oo. Noong araw nayun, naglalakad kami ni Aira ng makita ka namin na papunta sa rooftop. Sumunod kami saiyo at yun nga nakita namin na nadoon din si Kalen. Kinunan niya kayo ng video. Hanggang sa may dumating na isa pang estudyante. Nagtago kami ni Aira at yung estudyante na yun ang inakala ninyong kumuha ng video at nag-upload." Kwento sa akin ni Karen

"Bakit mo to sinasabi ngayon?" tanong ko

"Kasi naguiguilty ako. Sinubukan kong pigilan si Aira na iupload ang video pero walang nangyari. Naaawa din ako doon sa napagbintangan. Felix, sorry." Paliwanang ni Karen

----

Hinanap ko si Aira. Gusto kong pagpaliwanagin siya kung bakit niya nagawa iyon.

"Felix! Sandali" narinig ko na tawag sa akin.

Nilingon ko ito at nakita si Liz na patakbong papalapit.

"Felix, paniwalaan nyo naman ako. Hindi ako ang kumuha at nag-upload ng video." Sabi ni Liz ng makalapit sa akin.

"Liz, sorry din at ikaw ang napagbintangan namin. Ngayon alam ko na kung sino ang may gawa." Sabi ko

"Sino?" tanong ni Liz sa akin.

Hindi ako sumagot at dali-dali nalang akong naglakad.

----

Nakita ko si Aira sa school canteen na kumakain. Nilapitan ko siya.

"Aira, mag-usap tayo." Sabi ko kay Aira

"Tungkol saan?" tanong ni Aira sa akin

"Alam ko na ang totoo. Ikaw ang kumuha at nag-upload ng video." Galit na sabi ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Felix." Sabi ni Aira sabay tayo.

Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya.

"Bakit mo nagawa iyon?" tanong ko

"Bitawan mo ako Felix." Sabi ni Aira.

"Bakit?!" sigaw na tanong ko sa kanya

"Dahil galit ako sayo! Oo, ako ang kumuha at nag-upload ng video dahil galit ako saiyo. Dahil hindi mo ako magustuhan. Dahil hindi moa ko magawang mahalin!" Pasigaw na sagot ni Aira.

Nagulat nalang ako ng biglang lumapit si Liz na sumunod pala sa akin at sinuntok si Aira.

"Walang hiya ka!" sabi ni Liz

Hindi pa nakontento si Liz sa pagsuntok kay Aira at sinabunutan niya ito.

"Ako yung napagbintangan dahil sa kagagawan mo!" pasigaw na sabi ni Liz habang sinasabunutan si Aira.

"Aray! Ano ba. Bitawan moa ko." sabi ni Aira

Inawat ko si Liz. Baka kasi kung ano pa ang magawa niya kay Aira.

"Felix bitawan mo ako. Kakalbuhin ko lang ang babaeng iyan!" pasigaw na sabi sa akin ni Liz.

"Liz, tama na." Sabi ko

"Alam mo ikaw, huwag mo ng ipilit ang sarili mo kung hindi ka gusto ng tao. Huwag kang magmaganda dahil walang kang ganun!" Sabi ni Liz kay Aira

Hindi kumibo si Aira at dali-dali itong umalis.

Nabalitaan nalang namin na pinatawag si Aira ng mga faculty heads. Siguro ay kakausapin siya tungkol sa nangyari. Humingi din ulit ako ng paumanhin kay Liz at tinanggap naman niya ito.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon