FELIX'S POV
Matapos ang halos dalawang oras sa eroplano at tatlong oras sa bus ay nakarating narin ako sa probinsya ng Bukidnon. Hindi ko na maalala kung saan ang eksaktong lugar kung saan kami dati nakatira. Gamit ang address na nasa sulat ni Lorna ay nagtanong-tanong nalang ako.
"Tao po! Tao po!" sigaw ko ng marating ang isang bahay na itituro sa akin ng napagtanungan ko
Lumabas ang isang medyo may edad na babae.
"Ano yun?" tanong ng babae.
"Dito po ba nakatira si Lorna Daig?" tanong ko
"Ako si Lorna." Sabi ng babae
"Ako po si Felix. Anak po ako ni Eliza." Sabi ko
Lumapit sa akin si Aling Lorna.
"Bakit ngayon kalang? Sumulat ako sayo mga tatlong buwan na." tanong sa akin
"Sorry po. May nangyari po kasi kaya late ko na nakuha ang sulat. Si nanay?" sabi ko
Napansin ko na biglang parang nalungkot si Aling Lorna.
"Sumama ka sa akin." Sabi niya.
Dinala ako ni Aling Lorna sa sementeryo. Sa entrance palang ay parang alam ko na kung bakit kami nandito. Habang naglalakad ay unti-unting nanikip ang aking dibdib. Naramdaman kong may namumuong luha sa gilid ng aking mga mata pero pilit ko parin itong pinipigilan hanggang sa marating namin ang isang libingan na nakasulat ang pangalan ng aking ina. Dito na parang gumuho ang aking mundo. Nanghina ang aking mga tuhod at ako ay napaupo. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
"Cancer. Yun ang ikinamatay niya. Hinintay ka ng nanay mo. Gustong-gusto ka niyang makita. Gustong-gusto ka niyang mayakap. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan mo hanggang sa kanyang huling hininga." Sabi sa akin ni aling Lorna.
"Nay, sorry. Sorry kung ngayon lang ako dumating. Sorry kung naghintay ka. Nay sorry." Iyak kong sabi.
Pagkatapos sa sementerto ay dinala ako ni Aling Lorna sa bahay ni nanay. Ito parin ang bahay kung saan ako tumira dati. Habang pinagmamasadan, may mga ala-alang bumalik sa akin. Ala-ala noong panahong kasama ko pa dito si nanay.
Pumasok ako sa loob kasama si aling Lorna. Nakita ko ang mga picture ko noong bata pa ako na nakasabit sa dingding.
"Mahal na mahal ka ng nanay mo. Lagi ka niyang nakukwento sa akin. Minsan gustong-gusto ka niyang tawagan kaya lang hindi niya alam kung papaano. Wala din siyang cellphone. Sumusulat siya saiyo kaso hindi karaw sumusulat pabalik sa kanya." Sabi ni aling Lorna.
"Wala po akong natatanggap na sulat." Sagot ko
"Felix, maiwan nalang muna kita dito. Puntahan mo nalang ako sa bahay kung may kailangan ka." Paalam ni aling Lorna sabay labas ng bahay.
May nakita akong picture ni nanay na naka-frame. May kasama itong isa pang maliit na picture – wallet size. Picture ko kasama si nanay na nakayakap sa akin. Bigla na namang tumulo ang aking mga luha. Nakadama ako ng pagsisisi. Kung sana hindi nalang ako sumama kay papa sa Manila. Siguro nakasama ko pa si mama. Kung sana hindi ko nalang hinintay na makatapos ako ng pag-aaral at binalikan ko na sana siya. Kung sana, nalaman ko lang agad ang nangyayari sa kanya. Wala akong kwentang anak.
"Nay.... I am sorry... I'm sorry" sabi ko habang umiiyak sabay yakap sa litrato ni nanay.
----
Bumalik ako ng Manila ng may dala-dalang pagsisisi at galit. Galit ako sa sarili ko pero mas galit ako kina papa at lolo. Pinagkait nila sa akin ang chance na makasama pa ang nanay ko. Kung sana sinabi nila sa akin ng maaga, naabutan ko pa sanang buhay si nanay. Nayakap ko man lang sana siya at nasabing mahal na mahal ko siya. Hindi ko din maiwasang isipin na kaya ko hindi natatanggap ang sulat ni nanay na sabi sa akin ni Aling Lorna ay dahil din sa kanila papa at lolo.
Niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay sa isang varsity bag. Tapos ay itinali ito sa aking motor.
"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni papa
"Aalis na ako sa bahay na ito. Hindi ko kayang makita pa kayo." Sagot ko sabay sakay ng aking motor
"Hindi ka pwedeng umalis!" sigaw ni papa.
"Hayaan mo na siya. Tingnan natin kong kaya ba niyang mabuhay ng malayo sa atin" narinig ko na sabi ni lolo
Pinaandar ko ang motor at mabilis na pinatakbo.
Nagkahanap ako ng isang maliit na apartment at ginamit ko ang savings ko na pangdeposit at advance. Mula ngayon, hindi na ako hihingi ng tulong sa kanila. Kaya kong buhayin ang sarili ko mag-isa.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...