CHAPTER 51

107 1 0
                                    

KALEN'S POV

Napaluha ako ng makita ang bangkay na nasa loob ng body bag. Kahit sunog ang kalahating mukha ay sigurado akong hindi iyon si Felix.

"Hindi yan ang apo ko." narinig ko na sabi ng lolo ni Felix.

Kahit na sigurado na kaming hindi si Felix ang bangkay na nakita ng mga pulis ay hindi parin mawala sa akin ang kabahan. Paano kung may nangyari na nga talagang masama sa kanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

----

Nakauwi na ako ng bahay pero hindi parin ako mapakali. Nag-aalala ako kay Felix. Nasa labas na ako ng aking kwarto ng maalala ko ang nagyari kanina. Paano kung si Felix ang bangkay na nakita ng mga pulis? Paano kung si Felix ang nasa loob ng body bag? Habang buhay ko iyong pagsisisihan. Habang buhay akong magsisisi na hindi ko man lang pinaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng sakit. Bigla nalang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na kaya. Parang ang bigat ng aking dibdib. Humagolgol ako ng malakas sabay upo sa sahig na parang bata.

"Anong nangyayari saiyo?" tanong ni mama habang lumalapit sa akin.

"Ma... Hindi ko na kaya. Mahal na mahal ko si Felix. Hindi ko kakayanin pag may mangyaring masama sa kanya." Umiiyak kong sabi.

Niyakap ako ni mama.

"Tahan na." sabi niya

"Ma..." ang tangi kong nasabi habang umiiyak at niyayakap ni mama.

Inalalayan akong tumayo ni mama tapos ay dinala sa loob ng kwarto at pinaupo sa kama. Sinamahan niya ako hanggang sa ako ay kumalma at tumigil sa pag-iyak.

Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari. Ang tungkol sa pagkawala ni Felix at ang pagpunta namin sa punerarya.

"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit siya nawawala. Ma, paano kung may nangyari sa kanyang masama? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." sabi ko kay mama

Niyakap ako ni mama sabay sabi ng "Hindi. Walang nangyaring masama sa kanya. Magtiwala ka. Mahahanap din siya."

Lumipas ang dalawang araw at sa mga araw na iyon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong paulit-ulit na umiyak. Hindi ko na maitago ang lungkot at pag-aalala na aking nararamdaman. Kapag sa paaralan ay lagi nalang akong natutulala at kapag sa bahay naman ay lagi nalang akong nakakulong sa aking kwarto. Ilang beses ko naring sinubukang tawagan ang number ni Felix pero hindi na ito makontak.

----

Nasa loob ako ng kwarto at nakaupo sa kama habang hawak-hawak si Kalix ng may marinig akong kumakatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ng makita si Felix.

"Felix? Bumalik ka." maluha-luha kong sabi

"Oo. Bumalik ako. Bumalik ako para saiyo." Nakangiti sabi sa akin ni Felix.

Niyakap ko siya ng mahipig at kasabay nito ay ang patulo ng mga luha sa aking mga mata.

"I'm sorry. Felix, mahal na mahal kita." Sabi ko.

"Mahal na mahal din kita Kalen." Sabi sa akin ni Felix.

"Saan kaba nanggaling? Sobra akong nag-aalala saiyo." sabi ko

Hindi sumagot si Felix. Tinanggal niya ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya tapos ay hinawakan ang aking mga pisngi. Ngumiti siya sabay halik sa aking mga labi. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon at pagmulat ko ng aking mga mata ay.... ay wala na siya. Nakahiga ako sa kama at panaginip ko lang pala ang nangyari. Nakadama ako ng lungkot na may halong sakit. Kinuha ko si Kalix at niyakap ito ng mahigpit .

"Felix, please... bumalik kana." Ang aking nasabi kasabay ang pagtulo ng mgaluha sa aking mga mata.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon