CHAPTER 21

157 5 0
                                    

FELIX'S POV

2nd Year College – Nasa school canteen ako kasama ng aking mga kaibigan na sina Jeric at Allen. Kumakain kami ng tanghalian ng may babaeng lumapit sa aming table.

"Hi Felix." Sabi ng babae sabay abot sa akin ng isang pirasong papel.

"Ano yan?" tanong ko

Ngumiti lang ang babae. Nilagay niya sa kamay ko ang papel na hawak tapos ay umalis. Tiningnan ko ang papel at nakita ang nakasulat – Mobile Number.

"Ano yan bro?" tanong ni Jeric sabay hablot ng papel sa akin.

Sinilip nila Jeric at Allen ang nakasulat sa papel.

"Bro! Ang swerte mo naman. Babae na yung kusang nagbibigay ng number saiyo hindi mo paman hinihingi." Sabi ni Allen sa akin.

"Sige na. I-text mo na. Yayain mong lumabas." Sabi ni Jeric.

"Huwag na. Kung gusto niyo, kayo nalang mag-aya. Pass ako dyan." Sabi ko

"Bakit naman?" tanong ni Allen.

"Wala akong time." Sabi ko

"Ayan ka na naman eh. Sasabihin mo na naman na kailangan mong mag-aral" sabi ni Allem

"Oo. Kailangan ko mag-aral ng mabuti. Kailangan ko para sa mama ko. Para makita ko siya." Sabi ko

"Si mama Alicia mo? Bakit nasaan ba siya?" tanong ni Jeric

Hindi na ako sumagot pa. Hindi si mama Alicia ang tinutukoy ko kundi ang totoo kong ina. Gustong-gusto ko na siyang makita. Gustong-gusto ko ng mayakap siya ulit.

"Alam mo, kaya hindi kapa nagkakagirlfriend eh dahil puro pag-aaral yang inaatupag mo. Naku! Baka maging single ka for life." Nakangiting sabi ni Allen.

"Alam niyo, mga BI talaga kayo." Nakangiti kong sabi "Hindi naman dahil sa studies kaya hindi ako nagkakagirlfriend. Hindi ko pa lang talaga nakikita babaeng mamahalin ko." dagdag ko.

Totoo. Wala pa akong naging girlfriend. Hindi naman sa masyado akong focus sa studies or masyado akong pihikan pero wala pa talagang nakakakuha ng aking atensyon.

"Hmmm... Baka sa tagal eh hindi babae makita ko ha." Pabirong sabi ni Allen sa akin.

"Ewan ko sa inyo. Tapos na akong kumain. Pupunta muna ako ng library. Gusto niyo bang sumama?" tanong ko sa dalawang kaibigan ko.

Nagkatngin silang dalawa.

"Huh? Pass muna ako." sabi ni Jeric

"Ako din" sabi ni Allen.

----

Nagpunta ako mag-isa sa library. Naglakad ako sa pagitan ng mga bookshelves at naghahanap ng mababasang libro. May nakita ako pero nakagay sa bandang itaas ng bookshelf. Inabot ko ito pero di sinasadyang nasama ko sa paghila ang mga katabing libro at ito ay nahulog.

"Aray!"

Narinig ko na mahinag sigaw ng estudyanteng lalake sa aking tabi. Naka-duck position siya at hawak ang kanyang ulo. Nahulugan ata siya ng libro.

"Sorry!" sabi ko sa lalake sabay lapit sa kanya.

Ini-angat ng lalake ang kanyang ulo at nakita ko ang kabuoan ng kanyang mukha. Bigla akong nakadama ng kakaiba. Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya.

"Bumukol ata." Narinig kong sabi ng lalaki habang kinakapa ang kanyang noo.

"Huh? Patingin." Sabi ko sabay tingin sa kanyang noo. Namumula nga dahil sa tama ng libro.

"Malaki ba?" tanong ng lalake

"Ang ano?" balik kong tanong

"Ang bukol."

"Hindi naman. Sorry ha" Sabi ko.

"Ayos lang. Hindi mo naman sinadya." Sabi ng lalake sabay ngiti. Ngiting nagpatunaw sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ngiti – Ang cute niya.

"Gusto mong maupo muna?" sabi ko

"Sige." Sagot niya

Inalalayan ko ang lalake papunta sa isang upuan. Naupo narin ako sa tabi niya.

"Ako pala si Felix. Felix Hendrix." Pakilala ko

Ngmiti ang lalaki sabay sabi ng "Alam ko. Kilala kita."

"Talaga? Kilala mo ako?" natutuwang sabi ko. Nakaramdam ako ng saya na malamang kilala niya pala ako.

"Oo naman. Sino ba ang hindi nakakakilala saiyo eh apo ka ng may-ari nitong university." Sabi ng lalake.

"Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko

"Kalen. Kalen Garcia." Nakangiting sagot ng lalake.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon