CHAPTER 4

212 8 0
                                    

KALEN'S POV

Kakatapos lang ng klase ko. Free na ako sa mga susunod na oras kaya naisipan ko na pumunta ng student body office para i-check kung okay naba lahat ng mga dadalhin namin sa gaganapin na outreach program sa sabado - 3 days from now.

Habang naglalakad, naalala ko ang sinabi sa akin kahapon ng chairman. Gusto niya na isama namin si Felix. Nag-aalala ako. Baka maging sakit lang siya ng ulo sa amin pero wala akong magagawa. Utos ito ng may-ari ng university.

"Hi Kalen" narining ko na bati sa akin. Tiningnan ko ito at nakita ang grupo ng mga babaeng nakaupo sa bench malapit sa pathway kung saan ako naglalakad.

"Hello. Kumusta kayo?" sabi ko sa kanila.

"Okay naman. Ikaw? Busy kaba? Baka gusto mong makipagkwentuhan muna sa amin dito."

"Naku, sa susunod nalang. May kailangan pa kasi akong gawin sa office. Salamat sa invite." Sagot ko

"Sige, ingat ka."

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mapansin ko si Felix. Tinawag ko siya pero hindi siya tumigil o lumingon man lang kaya tumakbo ako hanggang sa maabutan ko siya.

"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako narinig?" hinihingal na tanong ko sa kanya habang sumasabay sa paglakad

"Narining" sagot niya

"Bakit hindi ka tumigil?" tanong ko

"Bakit ako titigil? Ikaw ang tumawag diba? So, ikaw ang may kailangan. Dahil ikaw ang may kailangan, dapat ikaw ang lumapit." Sagot sa akin ni Felix.

"Ibang klase Kadin ano?"

"Ano ba ang kailangan mo?" parang nayayamot na tanong ni Felix sa akin.

"Sa sabado kasi may outreach program kami sa isang maliit na community sa Quezon Province. 2 days iyon. Mamimigay kami ng mga school supplies at magpapakain ng mga bata doon tapos may mga activities din."

"Bakit mo yan sinasabi sa akin?" tanong ni Felix

"Sumama ka" sagot ko

"You wish! Bakit naman ako sasama? Or baka gusto mo lang talaga akong makasama?"

"Alam mo, kung ako ang magdedesisyon, ayaw ko naman talagang sumama ka. Magiging sakit kalang ng ulo namin." Naiinis na sagot ko

"Yun naman pala eh. Bakit mo ako sinasama?" tanong ni Felix.

"Dahil utos ng chairman." Sagot ko

Huminto sa paglalakad si Felix kaya napahinto narin ako pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"Ano?" sabi niya

"Kinausap ako ng lolo mo kahapon. Gusto niyang sumama ka sa outreach program na ito." Sagot ko

"Paano kung ayaw ko?"

"Hindi ko alam. Baka pareho tayong mapagalitan." Sagot ko

"Pareho? Baka ikaw lang." sabi ni Felix

"Paanong ako lang? Eh ikaw yung ayaw sumama."

"Sasabihin kong hindi mo ako na-inform" sabi ni Felix sabay lakad

"Ano? Felix! Sandali!" pasigaw na tawag ko.

"Huwag kang susunod kung hindi iisipin ko talagang gusto mo ako." pasigaw na sabi ni Felix habang naglalakad.

Hindi na nga ako sumunod sa kanya. Nakakainis! Naglakad nalang ako papunta sa student body office.

----

"Pres! Mabuti naman at nandito kana. Kanina pa kasi kita hinihintay." Sabi sa akin Emma ng makarating ako sa office.

"Bakit?" tanong ko

"Nagcheck ako ng mga school supplies na ipamimigay sa sabado. Wala pala tayong nabili na lapis at crayons."

"Ganun ba? Sige pupunta nalang ako ng mall at bibili ng mga kulang na school supplies sa National Book Store. Total wala na naman akong klase." Sabi ko.

----

Nasa National Book Store ako ngayon para bumili ng mga kulang na school supplies ng may lumapit sa akin na isang kaibigan.

"Kalen! Kumusta?" sabi sa akin

"Kirby! Eto ayos naman. Ikaw?" nagulat at nakangiting sagot ko

"Ayos lang din ako."

Siya si Kirby Castro. 4th year maritime student ng Maritime University of the Philippines (MUP) at kaklase ko noong high school.

Nagtungo kami ni Kirby sa foodcourt ng mall para makapagkwentuhan. Matagal nadin kasi ng huli kaming magkita.

"Kirby, kumusta pala sa school ninyo? Diba cadet president ka doon?" tanong ko kay Kirby

"Ayos naman. Mabuti nga at walang sobrang mga pasaway na juniors ngayon. Ikaw? Diba student body president ka din?"

"Ayos naman din maliban sa isang estudyante na nagbibigay ng sakit ng ulo. Hindi lang sa akin kundi pati sa mga instructors. Troublemaker kasi. Palibhasa, apo ng may ari ng school kaya kung umasta akala mo sa kanya na talaga." Sagot ni ko

"Sino ba yang tinutukoy mo?" tanong sa akin ni Kirby

"Si Felix. Felix Hendrix. Pero huwag na nating pag-usapan baka mawalan ako ng gana." Sabi ko.

Hindi na namin pinag-usapan ni Kirby si Felix. Kumain nalang kami habang pinagkukwentuhan ang mga memories noong high school pa kami.

"Naku! Kirby, nakalimutan ko na kailangan ko palang bumili ng mga school supplies." Sabi ko ng biglang maalala ang dapat na sadya ko kung bakit ako nasa National Book Store.

"School supplies?" tanong sa akin ni Kirby

"Oo, ipamimigay namin sa mga bata." Sagot ko

"Ayos pala. Sige bumili kana at maya-maya kailangan ko nading bumalik ng MUP."

"Sige, alis na ako. Magkita nalang tayo ulit sa susunod." Paalam ko

"Sige. Ingat ka" nakangiting sabi ni Kirby sa akin

Iniwan ko na si Kirby sa foodcourt at bumalik sa National Book Store.

(*To know more about Kirby Castro, please read MY BOY, PRETTY BOY)

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon