FELIX'S POV
(Nangyari ito kasabay ng chapter6)
Sabado- gumising ako ng maaga. Labag man sa aking loob ay pinili ko nalang na sumama sa outreach program ng SB organization. Sa ibang araw ko nalang pagtatrabahuan ang pambili ng regalo para kay Eunice.
Paalis na ang bus sa university ng makarating ako. Agad akong umakyat at naupo sa pinakalikurang bahagi. Wala ako sa mood na makihalubilo sa iba. Kahit na kay Kalen pa. Kinuha ko ang earphone sa aking bag. Kinonek ito sa cellphone at nilagay sa aking tenga.
----
Huminto ang bus. Hindi ko alam kong bakit. Nakatingin lang ako sa labas mula sa bintana.
Napasigaw nalang ako ng biglang may nagtanggal ng earphone sa isa kong tenga. "Ano ba?".
Nagulat ako ng makitang si Kalen pala iyon.
"Sorry! Yayayain lang sana kita na magbreakfast. Nasa baba na ang lahat" sabi niya
"Leave me alone. Hindi ako nagugutom." Sabi ko
"Ano ba ang problema mo?" tanong niya sa akin
"Problema ko? Ito. This stupid thing na pinaggagawa ninyo. Kung gusto niyong tumulong edi tumulong kayo. Kung gusto ninyong mamigay ng kung ano-ano sa mga bata edi mamigay kayo. Kung gusto ninyong magpasaya edi magpasaya kayo. Wala akong pakialam. Pero bakit kailangan pa na nandito ako? Bakit kailangan pa na kasama ako? Sinasayang ninyo ang oras ko!" nasabi ko dahil sa inis. Hindi kay Kalen kundi sa lolo ko.
"Ano? Stupid thing? Siguro nga stupid ito para saiyo. Siguro iniisip mo na walang sense itong outreach program ito. Mayaman ka eh. Lumaki kang lahat ng gusto mo ay naibibigay saiyo. Pero Felix, para sa mga batang matutulungan nitong stupid thing na sinasabi mo, malaking bagay ito para sa kanila. Ganyan naba talaga katigas ang puso mo at kahit kunting tulong ay hindi mo kayang maibigay? Kahit kunting oras mo kailangan mo pang ipagdamot?" Sabi ni Kalen sa akin
Tiningnan ko si kalen "Mayaman? Lahat ng bagay naibibigay sa akin? Wala kang alam. Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko"
"Tama ka. Wala nga akong alam. Siguro nga may mga pinagdadaanan ka kaya ka nagkakaganyan. Kaya ka naging ganyan! Pero sana huwag mong hayaan na tuluyang maubos ng kung ano man yang pinagdadaanan mo ang natitirang kabutihan diyan sa puso mo. Felix, sorry kung nasama ka namin dito pero hindi naman din namin kagustuhan ito. Lolo mo ang may gusto." Sabi ni Kalen sa akin sabay alis.
Napagtanto ko na parang napakaharsh ng mga nasabi ko. Dapat hindi ko dinadamay ang ibang tao sa galit ko sa pamilya ko. Kailangan kong magsorry kay Kalen. Hindi ko kayang pati siya ay magalit sa akin.
----
Nagsipag-akyatan na uli ang mga kasama ko sa bus. Napansin ko si Kalen na papalapit sa akin.
"Itabi mo nalang muna. Baka gutumin ka." Sabi ni Kalen sa akin sabay abot ng pagkain at tubig. "Sige na. Kunin mo na." dagdag na sabi niya.
Kinuha ko iyon at nilagay muna sa aking tabi. Tumalikod na si Kalen para bumalik sa kanyang upuan ng tawagin ko.
"Kalen!" sabi ko sabay tayo sa aking upuan at pumunta sa may aisle.
"Bakit?" tanong ni Kalen ng makaharap ulit sa akin.
"Ano.... Ahmmm.... Wala, kalimutan mo nalang" sabi ko. Hindi ko na alam kong paano ako hihingi ng tawad.
Lumapit si kalen sa akin at tinanong ako kung may kailangan badaw ako.
"Sorry pala sa sinabi ko kanina." Mabilis na sabi ko
Ngumiti si Kalen sabay sabi ng "sorry din sa sinabi ko."
"Sige na. Bumalik kana doon sa upuan mo. Nae-estorbo mo na ako eh" nahihiyang sabi ko
Biglang lumukso ang bus na aming sinasakyan na parang may nadaanang malaking lubak. Nawalan ako ng balance at natumba. Hindi sinasadyang natumba ako papunta kay kalen at dahil doon ay natumba narin siya. Nakahiga si Kalen sa sahig ng bus habang ako ay nakapatong sa kanya. Nagulat nalang ako ng maramdamang nagdikit pala ang aming mga labi. Agad akong tumayo. Sumunod nadin sa pagtayo si Kalen at bumalik sa kanyang upuan. Tulala din akong bumalik sa aking upuan at naupo. Ang bilis ng tibok ng aking puso. Hinawakan ko ang aking mga labi. Napangiti ako. Hindi ako makapaniwala na nahalikan ko si Kalen sa mga labi.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...