CHAPTER 31

143 4 1
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 8)

Padilim na kaya kanya-kanya ng tayo ng kanilang mga tent ang aking mga kasama. Ako? Nakaupo lang. Wala kasi akong dala.

"Kalen! Kalen!" narining kong tawag ng kasama naming babae kay Kalen.

"Bakit?" sagot ni Kalen

"Pwede mo ba akong tulungan na itayo ang tent ko?" sagot ng babae

Nagpresenta si Ryan na siya nalang ang tutulong pero ayaw ng babae. Gusto niya si Kalen.

"Pres... mukhang type ka ng first year nayan ah..." narining ko na sabi ni Ryan kay Kalen.

Pagkatapos ni Kalen sa kanyang tent ay pinuntahan niya ang babae.

"Ryan, sino ba iyon?" tanong ko

"Ahhh... si Liz Flores. First year. Kadepartment mo din. Business Ad." Sagot ni Ryan sa akin.

"Ganun ba?" sabi ko

"Oo at alam mo Felix, pakiramdam ko may gusto yang si Liz kay Kalen." Sabi ni Ryan sa akin

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko

"Kasi kanina, bago tayo umalis ng university, binigyan niya si Kalen ng cookies. Siya daw mismo ang nag bake." Sagot ni Ryan

"Binigyan lang ng cookies gusto agad?" sabi ko

"Tingnan mo kasi, sa dami natin bakit si kalen lang ang binigyan? Tapos kanina nakita mo diba? Nagpresenta ako tumulong sa kanya sa pagtayo ng tent pero ayaw niya. Mas gusto niyang si Kalen. Diba?" paliwanag ni Ryan.

Napatingin ako sa direksyon nina Kalen at Liz. Paano nga kung may gusto si Liz kay Kalen? Hindi pwede. Akin lang si Kalen ko.

----

Dahil sa pagod, maagang nagsipagtulog ang aking mga kasama. Nasa kani-kanilang mga tent na sila habang ako, andito sa labas. Nilalamok at nakaupo sa isang mahabang upuan na siya ko ring gagamiting tulugan.

Hawak ko ngayon ang litrato namin ni nanay at sinasariwa ang mga iilang alala ko sa kanya.

Nakarinig ako ng mga yapak ng paa. Pagkatingin ko ay nakita ko si Kalen na papalapit sa akin kaya ibinalik ko sa aking wallet ang litrato na hawak ko kanina at nilagay sa aking bulsa.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin

"Nakaupo. Hindi ba obvious?" sagot ko

"Hay... nagtanong pa ako." sabi ni Kalen sabay upo sa aking tabi "Salamat pala kanina." dagdag na sabi niya.

"Salamat saan?" tanong ko

"Salamat dahil sinamahan mo kaming magpasaya ng mga bata. Sa totoo lang, nag-alala ako baka kasi ano na namang pagpapasaway ang gawin mo dito. Pero naging behave ka naman kaya salamat." paliwanag ni Kalen.

Napatingin ako kay Kalen.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" tanong niya sa akin

"Wala. Bumalik kana sa tent mo. Matutulog na ako. Bilis!" sabi ko

"Okay kalang ba dito?" tanong ni Kalen sa akin pagkatayo.

"Bakit?" tanong ko

"Baka gusto mong doon nalang matulog sa tent ko? Baka kasi maubos ng lamok yang dugo mo." Sabi ni kalen

Tempting ang offer niya. Sa totoo lang gusto ko makatabi siya kaya lang baka di ako makapagpigil. Baka anong magawa ko.

"Sa tent mo? Katabi mo? Naku! Huwag na. Baka ano pang gawin mo sa akin. Okay na ako dito. Magpaparefill nalang ako ng dugo pagbalik ng Manila." Pabirong sabi ko.

"Bahala ka nga. Hindi naman siguro mauubos ng lamok ang dugo mo. Sa sama ng ugali mo, siguradong mapait ang lasa ng dugo mo. Wish mo nalang na sana hindi mahilig ang mga lamok sa mga mapapait." Parang naiinis na sabi ni Kalen sabay balik sa kanyang tent.

----

Hindi ako makatulog. Mas lalong dumami ang mga lamok. Baka maubos nga ang dugo ko nito. Napatingin ako sa tent ni Kalen. Iniisip ko kung gising paba siya? Iniiisp ko kung pwede paba akong makitulog sa kanyan? Promise hindi ako gagawa ng kalokohan. Magbe-behave ako. Basta huwag lang ako pagpiyestahan ng mga lamok dito.

Pumunta ako sa tent ni Kalen at tinawag siya.

"kalen! Kalen!" mahinang sabi ko

Binuksan ni Kalen ang tent niya at tinanong ako "Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede bang makitulog dito?" sabi ko

"Bakit? Kala ko ba ayaw mong katabi ako?" tanong ni Kalen sa akin.

"Okay lang na ikaw ang katabi ko kaysa sa mga lamok. Nagustuhan yata nila ang dugo ko kaya nagtawag ng back-up. Ang dami!" sagot ko

"Mahilig pala ang mga lamok sa mapapait. Halika pasok." Sabi ni Kalen

Maliit ang tent ni Kalen kaya halos dikit na kami habang nakahiga. Nasa kaliwang side ko siya at nakatalikod sa akin.

Kahit gabi na ay nakikita ko parin si Kalen. Salamat sa liwagag ng ilaw na nanggagaling sa labas.

Nakatingin lang ako sa kanya at kahit na likod lang niya ang aking nakikita ay okay na ako. Masaya na ako.

Bigla gumalaw si Kalen sabay harap sa side ko at dahil sa maliit ngalang ang space, yung mukha namin ay sobrang lapit sa isa'isa.

"Sorry!" sabi ni Kalen sabay talikod.

Pakiramdam ko ay nag-iinit ako pero lagi ko sinasabi sa isip ko na "FELIX BEHAVE!".

Pinikit ko nalang ang aking mga mata tapos ay pinilit na matulog.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon