CHAPTER 5

189 10 0
                                    

KALEN'S POV

"Pres, paano yan? Mukhang hindi talaga papayag si Felix na sumama ngayong Sabado?" tanong sa akin ni Anne habang nakaupo kami sa office

"Ewan ko. Mabuti nga iyong hindi na siya sumama para wala ng sakit ng ulo." Sagot ko

"Paano si chairman? Baka Magalit iyon."

"Bahala na! nasi-stress ako sa Felix na yan. Punta muna ako ng canteen. Sinong gustong sumama?" sabi ko sabay tayo.

Walang gustong sumama sa akin kaya mag-isa nalang akong pumunta ng canteen. Dumiretso ako sa bintahan ng milk tea.

"Hi Kalen, bibili ka?" nakangiting tanong sa akin ng tinderang babae

"Oo ate. Isang Okinawa po." Sagot ko.

"Sige Okinawa. Tawagin nalang kita."

"Sige po. Salamat"

Naghanap muna ako ng bakanteng upuan habang hinihintay ang order ko na milk tea. Pagkaupo ko, may lumapit sa aking dalawang babaeng estudyante.

"Hello!" Nakangiting bati sa aking ng isa.

"Hi!" sagot ko

"I'm Liz Flores and this is my friend Bianca Fajardo. Mga 1st year business ad. Students kami."

"Nice to meet you Liz and Bianca. Ako pala si Kalen Garcia." Pakilala ko

"Yes. We knew you. By the way nabalitaan namin na may outreach program daw kayo na gagawin somewhere in Quezon Province. Tama ba?" tanong sa akin ni Liz

"Yes. Ngayong Saturday. Bakit?"

"Gusto sana naming magvolunteer na sumama at tumulong." Sagot sa akin ni Liz.

"Liz, kung ngayong Saturday, hindi ako pwedeng sumama." Narining ko na sabi ni Bianca kay Liz

"Bakit?" tanong ni Liz sa kaibigan

"Magkikita kami Richard ngayong sabado. Kung gusto mo, ikaw nalang ang sumama sa outreach." Sagot ni Bianca kay Liz.

Tumingin si Liz sa akin at ngumiti sabay sabi "Ako nalang pala. Pwede ba akong sumama?"

"Hmmm, I think may available spot pa naman pero para sigurado, puntahan niyo nalang si Emma. Yung student body secretary. Tanungin mo siya at kung meron ay magpalista ka narin. Nasa office siya ngayon." Sagot ko

"Okay. Will do. See you around." Nakangiting paalam sa akin ni Liz at umalis kasama si Bianca.

"OKINAWA!"

Narinig ko na tawag ng tindera ng milk tea kaya pumunta na ako para kunin ang order ko. Pagkakuha ay nilagay ko na agad ang straw tapos ay ininom. Nagulat nalang ako ng mapansin sa aking tabi si felix na nakatayo at nakatingin sa akin.

"Oh? Bakit ka nakatingin? Sasabihin mo nabang sasama kana sa sabado?" Tanong ko.

"Talagang may feelings ka sa akin ano? Kaya kahit pangalan ko, gusto mong angkinin." Sabi sa akin ni Felix

"Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko

Kinuha ni Felix ang hawak kong milk tea tapos pinakita sa akin ang nakasulat na pangalan – FELIX. Cup niya pala ang nakuha ko. Lumingon ako sa may counter at nakita ko doon ang milk tea na dapat ay sa akin. Nakakahiya!

Kinuha ko ang milk tea na hawak ngayon ni Felix "Yung akin nalang kunin mo. Parehas lang namang okinawa ito." Sabi ko sabay talikod at umalis.

"Huwag ka nang umasa na sasama ako sa sabado kasi hindi mangyayari yun." Narining ko na sabi ni Felix sa akin.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon