KALEN'S POV
Nagising ako ng maramdamang may parang kung anong bagay na kumikiliti sa butas ng ilong ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita sa harap ko ang nakangiting si Felix. Hawak nito ang isang maliit na piraso ng papel na siya siguro niyang ginamit na pangkiliti sa akin.
"Goodmorning!" sabi niya.
Napangiti ako. Ang cool naman ng PANAGINIP kong ito. Si Felix talaga.
"Grabeh! Kahit na sa panaginip ang cute mo parin." Sabi ko sa kanya.
"Talaga? Cute ako?" nakangiting tanong niya.
"Oo. Sobra." Sabi ko sabay lapit ng hintuturo ko sa kanyang mukha at pinindot-pindot ang kanyang pisngi.
"Bakit?" tanong niya
"Ang galing! Parang totoo." Sabi ko
"Totoo naman talaga ako eh." Sagot niya
"Weeh? Alam ko panaginip lang ito. Imposible namang nandito ka sa room ko." sagot ko
Biglang lumapit si Felix sa akin sabay halik sa pisngi ko habang ako ay nakahiga padin sa kama.
"Naramdaman mo ba yun? Totoo yun. Hindi panaginip." Sabi ni Felix sabay ngiti.
Hinimas ko ang pisngi ko sa mismong part kung saan humalik si Felix. Nilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto. Dahan-dahan ko nang napagtanto na hindi pala talaga ako nananaginip. Totoo na ito. Napabangon ako bigla tapos at dumistansya kay Felix.
"Anong ginagawa mo dito? Sinong nagdala saiyo?" gulat na tanong ko
"Mama mo." Sagot ni Felix
"Paano ka nakapasok eh nilock ko kagabi yung pinto bago ako natulog." Sabi ko
"Sigurado kabang nakalock? Bakit ako nakapasok?" tanong ni Felix sa akin.
Hindi ko din maalala. Nailock ko ba talaga? Hindi din ako sigurado.
"Ewan! Hindi ko na maalala. Pero bakit ka nga nandito?" tanong ko kay Felix.
"Gusto sana kitang kausapin. Yung tungkol kagabi." sabi ni Felix
Naisip ko na siguro tinutukoy niya yung pagdeliver niya ng inorder naming pagkain. Siguro nahalata niya na nagulat ako.
"Okay. Pero pwede bang sa sala ka nalang muna maghintay? Maliligo lang ako saglit." Sabi ko.
"Dito nalang ako." sagot ni Felix sabay higa sa kama ko.
"Wow ha. Kama mo? Doon ka nalang sa sala." Sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng kwato.
"Sandali lang." sabi niya sa akin.
"Ano na naman?" tanong ko
"Pahiram muna nito." Sabi niya sabay kuha ng stuffed toy sa kama ko. Ito yung stuffed toy na binigay niya sa akin kahapon.
"Bakit ba? Huwag muna yang pakialaman." Sabi ko
"Sige mamili ka. Lalabas ako pero hihiramin ko itong laruan o hindi ko pakikialam itong laruan pero magsi-stay ako dito sa room mo?" tanong ni Felix sa akin.
"Ang kulet mo. Sige na nga. Dalhin mo na yan at pumunta kana ng sala." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.
Paglabas ni Felix ng kwarto ay agad akong nagtoothbrush at naligo. Habang naliligo, naalala ko ang ginawa ni Felix sa akin kanina. Hinalikan niya ako sa pisngi. Bakit niya ginawa iyon? Nag-isip ako. Siguro para i-prove sa akin na hindi ako nananaginip. Siguro iyon ngalang ang dahilan.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...