CHAPTER 52

116 2 0
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kinabukasan pagkatapos makipaghiwalay ni Kalen kay Felix)

Kanina pa ako gising pero wala akong ganang bumangon. Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko ay namamaga ang aking mga mata dahil sa kakaiyak kagabi. Hindi ko parin talaga matanggap na hiniwalayan ako ni Kalen. Ang sakit.

Parang gusto ko munang magpakalayo. Naisip ko na pumunta sa probinsya ni nanay. Gusto kong dalawin ang puntod niya.

Agad akong bumangon. Lumabas ako para bumili ng ticket. Para hindi ako mapamahal ay nagdesisyon akong magbarko nalang.

Kinagabihan na agad ang kinuha kong biyahe. Hindi ko na pinatagal kasi gusto ko na talagang umalis. Gusto ko ng makalimot sa sakit. Aalis ako na hindi alam kung kalian babalik. Bahala na.

----

Sumakay ako ng barko at makalipas ang halos dalawang araw na biyahe ay narating ko ang Cagayan De Oro. Dahil malalim na ang gabi ay hindi ko na naabutan ang huling byahe ng bus papunta sa Bukidnon – ang probinsya ng aking ina. Naghintay nalang ako sa terminal hanggang sa mag-umaga.

Naisip ko na silipin ang aking cellphone. Wala ito sa aking bulsa kaya hinanap ko ito sa aking bag pero hindi ko makita. Nawawala ito. Hindi ko alam kung nasaan pero baka nahulog ko. Naalala ko na huli ko itong nakita sa barko. Tatawagan ko sana si Kalen pero dahil nasa gitna kami ng dagat ay walang signal kaya in-off ko nalang ito. Hindi ko na maalala pagkatapos kung saan ko nalagay.

Hindi ko nadin naman makita ang cellphone ko kaya naupo nalang ako at natulog habang hinihintay ang babyaheng bus.

----

Sumakay ako sa unang byahe at pagkababa ay dumiretso ako sa dati naming tirahan. Naglalakad ako ng sa kalapit na bahay ay may narinig akong nagsalita.

"Felix? Ikaw bayan?"

Nilingon ko ito at nakita si Aling Lorna. Ngumiti ako.

"Magandang araw po." Sabi ko

Lumapit sa akin si Aling Lorna at sinamahan ako papunta sa aming bahay. Pagkabukas ay napansin ko kaagad na malinis ito. Parang hindi napabayaan kahit walang nakatira.

"Regular kong nililinis itong bahay ninyo. Baka kasi maisipan mong bumisita dito. Kayalang wala ng kuryente." Sabi ni Aling Lorna

"Salamat po." Sabi ko

"Pupunta kaba sa puntod ng nanay mo?" tanong sa akin ni Aling Lorna

"Opo. Mamaya pupunta ako." sagot ko

Pagkaalis ni aling Lorna ay nagpahinga lang ako saglit tapos ay pumunta na sa sementeryo para bisitahin si nanay.

"Ma, kumusta na po kayo? Sorry at ngayon lang po ako nakadalaw sa inyo." Sabi ko habang nakaupo sa tabi ng puntod niya.

"Ma alam mo, may gustong-gusto akong tao. Kalen ang pangalan niya. Ang cute-cute niya at mahal na mahal ko siya."

Huminto ako sa pagsasalita at tumahimik sandali.

"Mahal ko siya kayalang sabi ng iba mali daw. Hindi daw pwede kasi pareho kaming lalaki. Ma, mali po ba talaga iyon kahit na mahal na mahal namin ang isat-isa?"

Biglang tumulo ang aking mga luha

"Ma, hindi po ako okay. Sana nandito ka kasi kailangan na kailangan ko po ngayon ang yakap mo. Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit."

----

Lumipas ang mga araw. Andito parin ako sa Bukidnon at hindi ko pa kayang bumalik ng Manila.

Isang umaga – nakahiga ako at tinatamad pang bumangon ay narinig ko ang boses ni aling Lorna mula sa labas. Tinatawag niya ako.

"Felix! Lumabas ka sanadali. May naghahanap saiyo." Sabi ni aling Lorna

Napaisip ako. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin dito? Bumangon ako at inayos ang aking sarili. Nakakahiya naman pag lumabas ako at mapansing bagong gising.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ng makita ang sinasabi ni aling Lorna na naghahanap sa akin. Paano niya nalamang nandito ako?

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon