CHAPTER 17

176 7 0
                                    

KALEN'S POV

Nasa loob kami ngayon ng department store ni Felix at tumitingin ng mga damit.

"Felix, maganda ba?" tanong ko kay Felix sabay pakita ng isang polo

"Ayos lang. Isukat mo para mas makita natin kung bagay saiyo." Sabi ni Felix sa akin.

Lumapit ako sa isang saleslady para magtanong "Miss, pwede ko bang isukat ito?"

"Yes sir. Pwede po. Ayun po yung fitting room natin." Sabi ng saleslady sabay turo ng pinakamalapit na fitting room.

Pumasok ako sa fitting room. Isinuot ko ang polo pagkatapos ay lumabas ako para ipakita kay Felix.

"Okay lang ba?" tanong ko kay Felix.

"Naku sir. Ang ganda. Bagay na bagay po sa inyo. Mas lalo po kayo gumagwapo. Tiyak na mas dadami pa po ang magkaka-crush sa inyo pag sinuot mo iyan" Nakangiting sabi sa akin ng saleslady.

"Talaga po?" tanong ko sa saleslady.

"Hindi maganda. Hindi bagay saiyo." Biglang sabi ni Felix sa akin

"Pero sabi ni ate bagay daw sa akin" Sabi ko.

Tiningnan ako ni Felix. "Hindi nga bagay saiyo."

"Okay, hubarin ko lang ito." Sabi ko sabay lakad pabalik ng fitting room.

Bumalik ako kay Felix pagkatapos na hubarin ang sinukat ko na polo kanina.

"Itong bagay saiyo." Sabi ni Felix sabay bigay sa akin ng puting t-shirt na nakaprint si Tweety Bird.
"Twetty Bird talaga?" tanong ko kay Felix

"Oo. Bagay saiyo yan. Isuot mo na." Nakangiting sabi ni Felix.

"Sige isusuot ko ito pero pati ikaw magsusuot kadin ng ganito. Deal?" tanong ko

Nag-isip muna si Felix bago sumagot "Okay deal."

Wala na kaming makitang puting t-shirt na may Tweety Bird kagaya ng binigay sa akin ni Felix kanina kaya nagtanong ako sa saleslady.

"Miss may available pa po ba kayong ganito?" tanong ko sa saleslady habang pinapakita ang t-shirt.

"Check ko lang muna sir." Sagot ng saleslady.

Iniwan kami ng saleslady para icheck kung may available na t-shirt katulad ng pinakita ko. Maya-maya ay bumalik na ito.

"Sir, sorry po. Wala na pong available na white shirt na kagaya nito." Sabi ng saleslady

"Yes! Buti nalang." Narinig ko na sabi ni Felix

"Pero meron po tayong kulay itim. May Tweety Bird din pong naka-print." Sabi ng saleslady.

"Sige po. Yun nalang." Nakangiti kong sabi sa saleslady.

"Okay sir. Kunin ko lang." paalam ng saleslady.

"Akala mo ha." Sabi ko kay Felix.

Binili namin ni Felix ang mga damit tapos pumunta kami sa C.R. ng mall para magbihis. Si Felix ang nagsuot ng kulay itim na may Tweety Bird at ako naman sa kulay puti.

"Maganda naman pala." Sabi ko habang nakatayo kami ni Felix sa harap ng salamin sa C.R.

"Mas lalo nga akong bumata. Ang cute." Nangiting sabi ni Felix.

"Alam mo, masyado kanang nasasanay diyan sa pagsabi ng cute sa sarili mo." Sabi ko kay felix.

"Cute naman talaga ako eh."

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon