CHAPTER 13

175 7 0
                                    

KALEN'S POV

(A few days later)

2 days ko nang hindi nakikita si Felix dito sa university at ang sabi, 2 days narin siyang hindi pumapasok sa kanyang mga klase. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Lately, parang lagi ko siyang naiisip. Kahit na iniinis niya ako, gusto ko parin siyang makita. Bakit parang hinahanap-hanap ko na siya?

Pumunta ako sa Business Administration building. Sisilipin ko lang naman kung pumasok siya ngayong araw.

Naglakad ako sa hallway ng mga classroom at pasimpleng sinisilip ang mga estudyante sa loob. Nagbabakasakali akong makita ko ang hinahanap ko pero halos malibot ko na ang lahat wala parin si Felix. Baka nga hindi ulit siya pumasok ngayong araw na ito.

Paalis na sana ako ng Business Administration building papunta sa student body office ng may narinig akong nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Familiar na sa akin ang boses na ito. Humarap ako sa nagsalita at nakita si Felix.

"Anong ginagawa mo dito?" ulit na tanong ni Felix.

"Huh? Wala naman. Bakit bawal ba akong pumunta dito?" sagot ko sa kanya

"Hindi naman. Pero bakit ka nga nandito? Imposible namang napadpad ka nalang bigla dito sa building namin diba? For sure may kailangan ka dito." Sabi ni Felix

"Wala nga!" sagot ko

Lumapit si Felix sa akin tapos bumulong "Sigurado kang wala? Baka naman hinahanap mo ako."

"Masaya ka! Bakit naman kita hahanapin?" pagsisinungaling ko sabay hakbang patalikod para makalayo sa kanya ng kunti.

"Okay, sabi mo eh." Wika ni Felix sabay talikod at naglakad.

Bago paman siya makalayo ay nagsalita na ako. "Bakit pala wala ka ng dalawang araw?"

Humarap si Felix sa akin sabay ngiti "Bakit mo tinatanong? Namiss mo ako?"

"Hindi ah! Hindi kita namiss. Ano kasi... ano... nag-alala saiyo ang mga instructors mo." Sabi ko na hindi naman totoo

Hindi sumagot si Felix. Ngumiti lang ito ulit at tumalikod sabay alis.

Umalis narin ako at pumunta ng SB office.

----

Nasa loob ako ng SB office kasama sina Anne, Ryan at Emma. Nakaupo ako sa sofa at nag-iisip. Iniisip ko kung bakit biglang naging ganito ang nararamdaman ko para kay Felix. Posible kayang gusto ko na siya?

"Pres! Pres!" narinig ko na tawag sa akin ni Emma

"Bakit?" tanong ko

"Tinatanong ko kung ok nabang diyan ko ilagay itong picture natin?" sagot ni Emma habang tinuturo ang group picture naming mga officers sa ibabaw ng isang estante.

"Ahhh oo. Okay nayan." Sagot ko

"Pres, may problema ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ah." Tanong sa akin ni Anne.

"Huh? Wala ito." Sagot ko

"Alam mo, pwede mo namang sabihin sa amin kung may bumabagabag saiyo. Baka makatulong kami." Sabi ni Emma.

Naisip ko, baka nga mas mabuting sabihin ko sa kanilang tatlo ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Felix. Baka nga matulungan nila ako. Mga kaibigan ko naman sila at may tiwala ako sa kanila.

"Okay, sasabihin ko sa inyo pero ipangako ninyo na walang ibang makakaalam." Sabi ko

Nagkatingin silang tatlo tapos sabay-sabay nagsabi ng "Oo naman. Promise."

"Ganito kasi, medyo naco-confuse ako sa nararamdaman ko para sa isang tao. Lately, napapansin ko na parang lagi ko siyang hinahanap. Lagi ko siyang gustong makita. Lagi ko pati siyang naiisip. Tapos kapag nandiyan siya, bumibilis ng tibok ng puso ko. Kapag may kasama naman siyang iba parang naiinis ako. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa kasama niya."

"Alam mo pres, pakiramdam ko may gusto ka sa kanya at kaya ka naiinis kapag may kasama siyang iba dahil nagseselos ka." Nakangiting sabi sa akin ni Ryan.

"Pero hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Hindi dapat. Mali!" Sabi ko

"Bakit naman mali? Ata tsaka sino ba yang tinutukoy mo?" tanong ni Emma

Tiningnan ko silang tatlo sabay sabi ng "si Felix".

Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng kaibigan ko. Yung parang hindi sila makapaniwala sa narinig galing sa akin.

"What? Si Felix? As in Felix Hendrix? Papaano? Eh lalake yun eh." Sabi ni Ryan

"Kaya nga naco-confuse ako." sagot ko

"Wait, ito ba ang unang beses na nakadama ka ng ganito sa isang lalake? Kasi naalala ko na nasabi mo dati sa amin na wala kapang naging girlfriend. Nasabi mo rin na hindi kapa naiinlove sa babae. Sorry pero itatanong ko lang. Sa lalake ba na-inlove kana dati?" tanong ni Anne

"Honestly, hindi padin. First time ito kaya nga naguguluhan ako." sagot ko

"Masyado ka kasing focus sa studies kaya siguro wala kang time sa love." Sabi ni Emma

"Eh bakit ko nararamdaman ito ngayon? Bakit kay Felix?" tanong ko

"Kailan mo lang ba naramdamang may gusto kana sa kanya?" tanong ni Anne sa akin

"Lately lang. Parang nagsimula ito noong pumunta tayo ng Quezon Province. Ewan! Naguguluhan nga ako kung bakit ko ito naramdaman bigla. Dati naman wala akong ibang maramdaman sa kanya kundi HATE. HATE ko siya kasi pasaway siya. HATE ko siya kasi mayabang siya. HATE ko siya kasi akala mo kung sino siya." Sabi ko

"Pero pres, di kaya matagal ka ng may gusto sa kanya at hindi mo lang napapansin? Yung sinasabi mong HATE mo para sa kanya, baka may kasamang LOVE na pala. Yun ngalang hindi mo napapansin yung LOVE. Nakatago lang. Kasi mas focus ka sa nararamdaman mong HATE. Tapos siguro, may nangyari na nakapagtriggered ng nakatagong love na iyon kaya ngayon lumabas na at nararamdaman mo na." Paliwanang ni Anne.

May point si Anne. Baka nga siguro gusto ko na dati pa si Felix. Baka may nararamdaman na nga akong love para sa kanya dati pa. Nakatago lang ito dahil mas nakafocus ako sa nararamdaman kong HATE para sa kanya. Pero ano yung sinasabi ni Anne na nakapagtriggered para lumabas ang LOVE na nararamdaman ko? Di kaya dahil sa aksidenteng lumapat ang mga labi namin? Naalala ko, pagkaatpos noon, bumilis ang tibok ng puso ko. Iyon ang uannag beses na bumulis ang tibok ng puso ko dahil kay Felix.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon