CHAPTER 46

122 4 0
                                    

FELIX'S POV

Naglalakad ako sa hallway ng Business Ad building papunta sa classroom. May mga estudyanteng nakatingin sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

"Felix! Felix!" Sigaw ni Jeric kasama si Allen na tumatakbong papalapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko ng makalapit na sila

"Napanood mo na ba ang video?" tanong ni Allen

"Anong video?" tanong ko

Inabot ni Allen sa akin ang kanyang cellphone.

"Ito. Nagkalat na ito sa campus." Sabi ni Allen

Kinuha ko ang cellphone ni Allen at nagulat ako sa nakitang video. Kami ni Kalen. May kumuha sa amin ng video kahapon sa rooftop habang naghahalikan.

"Bro, totoo ba yan?" tanong ni Allen

Naisip ko si Kalen. Nakita na kanya niya ito? Nag-aalala ako sa kanya.

"Saka ko na ipapaliwanag sa inyo. May pupuntahan lang ako." sabi ko sabay takbong umalis.

Kailangan kong puntahan si Kalen. Naisip ko na una siyang hanapin sa SB office.

-----

"Kalen!" hinihingal na sabi ko ng makita si Kalen sa loob ng SB office.

Tumingin si Kalen sa akin.

"Felix?" sabi ni Kalen.

"Nakita mo na?" tanong ko habang papasok sa loob.

Hindi nakasagot si Kalen ng biglang pumasok sa loob ng office sina Jeric at Allen. Sinundan pala nila ako.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa dalawa

"Nag-aalala kasi kami saiyo." Sagot ni Jeric.

"Sino ba kasi ang nag-upload niyan? At kalian ba nangyari yan?" tanong ni Emma.

"Kahapon." Sagot ko

"Hindi niyo ba nakita o wala ba kayong napansin na posibleng kumuha ng video nayan?" tanong ulit ni Emma.

Nagkatinginan kami ni Kalen. Tama may ibang tao kaming nakita sa rooftop ng mga oras na iyon. Posibleng siya ang kumuha ng video.

---- Flashback – FELIX'S POV ----

Pagkaakyat sa rooftop ng Business Ad building ay nakita ko kaagad sin Kalen na nakatalikod. Lumapit ako at niyakap siya.

"Kanina kapa nandito?" tanong ko kay Kalen

"Hindi naman. Halos kakarating ko lang din." Sagot niya

"Namiss kita" sabi ko

"Hala! Halos araw-araw na nga tayong magkasama eh."

"Bakit? Nagsasawa kana ba na lagi tayong magkasama?" tanong ko kay Kalen

"Wala akong sinabing ganon." Sagot niya

"Huwag kang magsasawa sa akin ha." Sabi ko sa knaya

Humarap si Kalen sa akin

"Bakit naman ako magsasawa eh ang cute-cute mo." sabi ni Kalen sabay kurot sa aking pisngi.

"Talaga cute ako? Sige nga kung cute ako kiss mo nga ako sa lips." Nakangiting kong sabi.

Ngumiti si Kalen sabay halik sa aking mga labi. Pagkatapos ay niyakap ko siya ng may marinig kaming tunog ng parang naapakang lata. Nilingon namin ito at nakita si Liz na gulat na nakatingin sa amin sabay takbo.

Hinabol namin ni Kalen si Liz at naabutan naman namin siya agad bago makababa ng rooftop.

"Ngayon alam ko na. Siya pala yung tinutukoy mo na taong gusto mo." sabi ni Liz

"Liz, nakikiusap ako. Kung ano man yung nakita mo please sana walang ibang makaalam." Narinig ko na pakiusap ni Kalen.

Hindi sumagot si Liz at patakbong umalis.

---- end of flashback ----

"Ano? May napansin ba kayong ibang tao sa rooftop kahapon?" muling tanong ni Emma sa amin ni Kalen

"Si Liz. Nasa rooftop din siya kahapon." Sabi ko

"So, posibleng siya ang may kuha ng video na yan? Bakit ba kasi siya nandoon?" tanong ni Anne

"Kasalanan ko yata." Biglang sabi ni Ryan

"Bakit?" tanong ni Anne

"Kahapon kasi pumunta si Liz dito sa office at hinahanap si Kalen. Diba sabi ni Kalen na pupunta siya sa rooftop ng Business Ad building kaya yun ang sabi ko kay Liz. Hindi ko naman alam na magkikita sila ni Felix doon. Sorry" Paliwanang ni Ryan.

"Kakausapin ko si Liz." Biglang sabi ni Kalen sabay labas ng office

Susunod sana ako kay Kalen pero pinigilan ako ni Anne.

"Felix, ako nalang ang sasama kay Kalen."

Sabi ni Anne sabay labas ng office para sundan si Kalen.

Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na sina Jeric at Allen. Nakatingin din sila sa akin. Alam kong marami silang gustong itanong.

"Tama ang iniisip ninyo. May relasyon nga kami nin Kalen. Sorry kasi hindi ko nasabi sa inyo." Sabi ko

Lumapit ang dalawa sa akin.

"Walang magbabago. Makakaibigan parin tayo at nandito lang kami." Sabi ni Allen

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon